DoppelGanger
Dopple Ganger is a german word meaning "double walker"
In the realm of supernatural, doppelganger refers to the ghostly double or shadow self that accompanies every human being throughout his life, providing sympathethic company and giving advice by either implanting ideas or through some sort of osmosis.
they are invisible, usually standing behind the person, and never casting a reflection. it is said to be bad luck to see your doppleganger. though mischievous and sometimes malicious, they never show themselves to friends and relative of the person because this causes great confusion to them.
-from the book of Philippine Ghost Stories Book I
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Naintindihan mo ba ang nakalagay sa taas? Kung ako tatanungin mo...parang oo na hindi! Nang tanungin ko ito sa tatay ko. Wala syang ideya tungkol dyan. Wala naman kasing oras ang tatay ko sa ganyang mga kwentuhan kaya ang tanga ko bakit tinanong ko pa yan sa kanya pero gayun pa man dahil sa natagpuan ko yan sa libro pinabasa ko yun sa kanya.
"parang ibig sabihin lang nyan Angel dela guardia." yun ang sabi ng tatay ko pero nagtanong uli ako.
"eh ano po ang ibig sabihin ng pangalawang paragraph?" hindi pa man nakakasagot ang tatay ko pinangunahan ko na ng halimbawa sa nangyari sa akin nung friday (september 8 birthday pa ni mama mary)
Kaya lang sagot kaagad sakin ng tatay ko.."anong ikaw?! hindi ikaw! Yun lang ang sinasabi ng libro pero hindi yan totoo, kathang isip lang yan ng tao 'hwag kang maniwala. Wala lang yan!"
Kung tutuusin yun naman talaga inaasahan kong isasagot ng tatay ko sa akin. Parehas kasi kami nun sa paniniwala sa mga ganyan. Pero hindi naman sa hindi kami naniniwala, para akin, para hindi na ako matakot at hindi na maapektuhan pa ang lahat pati pagkilos ko ganyan na lang talaga ang iniisip ko.
Pero nung una, nang malaman ko talaga, kinilabutan ako. Una kong beses nakaramdam ng matinding pangingilabot na talagang nanlamig ang mga kamay ko at parang tumatayo hindi lang balahibo kundi parang mismong buhok ko ng marinig ko ang kwento ng kaklase ko. Actually, hindi ko man narinig ang pinaka-kwento nya ng buong-buo kahit sinabi lang ito sa akin at narinig ko lang habang medyo malayo ang pagitan namin sa isa't isa hindi pa rin naaalis ang pangingilabot ko sa sarili ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ewan ko ba kung bakit sa dinami daming tao ako pa ang talagang ginaya. Pero ito muna ang kwento nya....
According sa classmate ko na itago na lang natin sya sa pangalang "milya" naglalakad daw sya sa madilim na hallway ng lepanto papuntang laboratory ng makita nya ako na andoon din at naglalakad. Dahil nga sa magkakalse kami inaasahan nya na kahit paaano ay babatiin o papansinin man lang kahit hindi kami ganoon kalapit sa isa't isa dahil likas na sa akin ang ganoong personalidad. Palabati (naks!) Gayunpaman nagtaka sya kasi ang suplada ko raw at hindi ako namansin pero dahil nga sa hindi kami "close" pinabayaan nya na lang. Ngunit laking gulat nya ng makarating na sya sa 2nd floor kung saan andon ang laboratory namin for accounting subject, laking gulat nya na andon bigla ako eh kakasabay lang namin kanina sa lepanto. Pangingilabot kaaagad ang naramdaman nya.
Pag-akyat nya at nang makita nya ako, sinabi ng mga ibang kaklase ko sa kanya na tapikin ako sa likod. Nung mga oras na yun, malay ko at wala akong paki kung bakit nya ako tinatapik sa likod dahil sa pag-aakalang biruan lang nilang magkakaibigan yun. Pero nung makita sa mga mata nila ang kakaibang tingin (ganyan kasi ako eh , bumabasa ng mata) nagtaka na ako. Nakaramdam ako ng pangingilabot na sabihin sa akin ng kaibigan ko na may pinapasang usog sa akin.
Una ayoko talagang pansinin dahil ayokong takutin ang sarili ko pero nung makita ko talagang may hindi na tama, umaksyon na ako. Dun na umamin ang kaklase kong iyon na nakita nya nga ako.
Ang sagot ko pati ng kaibigan ko "paano mangyayari yun eh andito ako at hindi ako bumababa ng lepanto?!"
Kaming lahat nangilabot. Ayoko ko pa naman ng ganoon. Ayoko kasing may madamay na iba.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Balak sana namin umalis ng kaibigan ko, pupunta kami ng quiapo para magsimba pero dahil nga sa ganoong pangyayari hindi na kami tumuloy. Pati kasi sya natakot. Nagaalala sa akin na baka may mangyari sa aking hindi maganda kaya sinasamahan nya ako kahit saan ako magpunta nung mga araw na yun. Hehehe...ang sweet nga na kaibigan eh! nagalalala talaga sa akin pero ayoko ng ganoon kasi lalo akong kinikilabutan at higit sa lahat ayokong may iba pang nag-aalala sa akin. Ayoko ko kasi silang abalahin pa. Pero salamat sa kanila! Talagang tunay silang kaibigan....
:)
~~~~~~~~~~~~~~~~
Pagkauwi ko, sinabi ko yun sa nanay at ate ko. Sabi nila h'wag ko daw hahayaan na ako lang mag-isa sa isang lugar. Mag-ingat daw ako at higt sa lahat magdasal ako sa Diyos.
Maraming tanong pa yung gumugulo sa isipan ko. Kailangan ko pa maghanap ng kasagutan kung bakit may ganoon. Tinanong ko yun sa bestfriend ko pero yung mga sagot...sa susunod na lang muna na post. Kakain muna ako ng tanghalian.
cge....
=mimi=
0 Comments:
Post a Comment
<< Home