--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Sunday, November 15, 2009

So what's new? Random Thoughts....

WALA!!!

Habang nilalasap ang mahabang bakasyon na walang ginagawa kundi ang tumunganga at magpakaligaya dahil sa wakas tapos na ang aking buhay eskwela... mas pinipili ko na lang magmukmok sa isang tabi at mapag-isa!

Inisip ko nga sa oras na ito... dapat siguro nagiisip na ako ng mga lugar na pwedeng puntahan upang makapagpahinga at magaliw-aliw o ng mga bagay na pwedeng gawin upang ako ay maaliw at matuwa at sumaya saya man lang.. pero wala pa rin! Walang tumatakbo sa isipan ko!

HIndi ko masasabing stressed ako ngayon dahil wala naman akong halos ginagawa na ngayon ( siguro dahil nga ganoon,wala akong ginagawa) pero napapansin kong mas malala ako ngayon kumpara sa mga araw na pumapasok pa ako sa eskwela at numuroblema sa thesis. Ang malala sakin ngayon...nagsisimula akong kaayawan ang mundo! Siguro nga nababaliw na ako! Nagsisimula akong mainis sa mga taong hindi marunong makaramdam ng tama sa mali... ng kung anong meron at wala... ng dapat punahin at hindi dapat punahin.... ang dapat na mabago pero hindi mabago bago... nakakasawa... nakakainis... nakakairita... wala akong magawa...ni hindi na nga ako makatawa... gusto ko na lang ipikit ang aking mga mata!

Siguro nga ganito lang ako ngayon dahil sa mga napupuna ko sa sarili ko na hindi ko mabago... Naghahanap ako ng sagot sa mga tanong... mali ata na humanap ako ng sagot sa ibang tao para malaman kung ano ang problema ko... Naghahanap ako ng problema??? :-/ Hindi ko lang siguro matanggap kung bakit ganito na ako ngayon samantalang ganoon ako noon.

Marami akong gusto...pero hindi ko makuha ang gusto ko... Ayos lang!
Ayokong maiwang mag-isa, alam ko namang hindi ako nag-iisa...pero nakakaramdam ako na ako na lang ang laging naiiwang mag-isa... Ayos lang! sanay naman na ako...
Gusto ko naman na mapansin ako ng mga taong gusto kong makapansin pero laging hindi nangyayari... Ayos lang! hindi naman din kasi kapansin pansin at hindi na bago yun sa akin...
Masarap na makuha ang pagtitiwala pero kapag sumobra... hindi rin pala maganda.... Hindi maganda in a sense na alam nilang hindi mo gagawin ang ganito at ganyan kaya mapupwersa ka na rin na wag nang gawin at hayaan na lang. Yun na lang kasi ang pinaka magagawa para hindi masira ang sobra-sobrang pagtitiwala...

biglang pumasok sa isip ko... Naranasan mo na ba ang sobra sobrang pagtitiwala pero suporta wala? :-??

Ngayon ko naisip na aanhin mo ang tiwala ng iba kung hindi naman maipakita ang suporta nila sayo.... Pero sayang ang "tiwala" kaya pangangalagaan ko na lang iyon.... Napakahirap makuha yun kaya swerte ako at nakakakuha ako ng ganoon....

Ayos lang....ayos lang... ayos lang....

napakamabisang sagot para hindi magalala ang mga taong nagtatanong tungkol sa kalagayan mo... pero ang hindi nila alam.. iyon ang pinakamagulong sagot maibibigay mo dahil sadyang palaisipan kung ano talga ang totoong nararamdaman mo....

"musta?" "mabuti!"
"ikaw, musta?" "ayos lang!"
"panong ayos lang? hindi ba pwedeng isagot mo din "mabuti"?" "ok fine...I'm fine! Thank you" ( dyan pa lang pilit na ang pagsagot... kung sinabing "mabuti" kaagad edi tapos ang usapan...)

Depende din siguro kung marunong kang magtago ng totoo sa mga salita....

Balatkayo....
Sino na nga ba ako?
Ganito na ba talaga ako ngayon?
o pagsubok na naman ito na dapat pagdaan para sa ikabubuti ko?

Pagkukunwari....
tinatago ang sarili
Nabubuo ang maskara
Pero bakit mata lang ang may butas sa mukha
mata na nga lang ang pawang makikita
sa nakatagong mukha
bakit hindi pa mabasa-basa
kung ano ang tunay na nadarama...
Mata lang ang nakatakip
mata lang ang nasisilip
bakit kailangan pa itago
bakit ayaw ipakita sa buong mundo
Lumalayo tuloy sa mismong pagkatao
Nagbabalatkayo


*********************************

Magulo ang utak ko kapag tipong nakakagawa ako ng kawirduhang kagaya nito.... >__<

Matutulog na lang ako...gaya ng dati...paggising ko....may panibago na ulit na haharapin...


0 Comments:

Post a Comment

<< Home