Part II- My Shadow
Talaga nga naman oo...Natatawa na lang ako sa kawirdohang nangyayari sa sarili ko. Naala ko sabi sa akin ng ate ko "minumulto ka nga ah nagawa mo pang magbasa ng ganitong libro!"
Philippine ghost stories kasi ang binabasa ko about dun sa doppelganger na yun. Anyway tuloy sa naudlot kong post.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Salamat sa bestfriend ko at nabigyan nya ako ng sagot tungkol don. Actually nakuha nya iyon sa pinsan nya kaya maraming-maraming salamat din doon.
Tulad ng sinabi ng mama ko sa akin, ganoon din ang sinabi sa akin ng bestfriend ko na sinabi sa kanya ng pinsan nya, huwag ko daw hahayaan na mag-isa ako kahit saan. Tulad ng inaasahan kong dahilan, kailangan kong pag-ingatan ang sarili ko. Kasi kadalasan daw na kapag nakikita ang tao na ganoon, ito'y assurance na malapit na silang mamatay!
~~~~~~~
Pero sino ba ang taong nanggaya na yun sa akin?
Acccording uli sa bestfriend ko sa pagkakasabi sa kanya ng pinsan nya, ako daw talaga mismo yun! Konsensya ko na nabuo at naging totoo. Parang multo ko. Katulad ng sinabi sa description ng doppel kanina sa una kong post. Multo ko na nagsatao dahil gusto nilang mabuhay. Gusto nilang maging tao rin na nabubuhay ditop sa mundo. Sa bagay ganun naman talaga ang mga kaluluwang lumilibot libot sa lupa. Basta ang tao daw na nakit ng klasmeyt ko ay walang iba kundi ako rin mismo. Sadyang lumabas lang yun mismo sa sarili ko.
~~~~~~~~
Pero anong dahilan bakit lumabas ang multong iyon sa akin?
Kung sa lagay ng mumu na yun, gusto raw kasi non mabuhay pero bakit gusto nyang mabuhay? bakit sya lumabas at nagpakita ng ganoon? actually hindi pa ako patay pero ang kaluluwa ko lumibot na't naglalakbay. Ang saya nya! wala pa man pinangunahan nya na ako. Pero sinabi kasi ng pinsan ng bestfriend ko na lumalabas lang daw yun kung may problema o naging malungkot o sabihin nating na depress ako talaga kaya baka daws lumabas yun. Wala akong ibang dahilan na naibigay kundi ang pag-aaral ko ng tanungin ako ng kaibigan ko pero kung iisipin....ewan ko iniiisip ko lang ngayon, kung isasama ko ang mga nakaraang araw lang na hindi pa naman gaanon katagal na lumipas... Tingin ko nga naging ganoon ako. Sa anong kadahilanan ewan ko! siguro...minsan kasi parang sawa na ako sa nangyayari sa akin. kaya siguro ganoon.
Kung sa kalungkutan ko nagsimula ang lahat, kasalanan ko nga ang nangyayaring ito. Dapat maisaayos ko.
~~~~~~~
Ano bang dapat kong gawin??
Alam kong grabe akong malungkot kaya siguro hindi nakayanan ng konsyensya ko ang pasakit na ginagawa ko sa kanya kaya lumabas sya. Wala na akong magagawa kasi nangyari na ang mga bagay na iyon. Tulad ng mga payo ng pamilya ko at ng kaibigan ko iingatan ko ang sarili ko at di ko kakalimutang magdasal. Ayoko pang mamatay kaya susundin ko sila. Hindi ko man masasabing makakalimutan ko kaagad ang mga nangyayari sa akin, hindi ako padadaig sa takot ko dahil sa tingin ko dun siya mas lalong lalakas. Dapat kong ipakita na ako ang may mas karapatan dito sa mundo dahil ako ang totoong nilikha.
Kumbaga sa libro, ako ang totoong writer at sya nanggagaya lang ng libro ko. Bagamat halos ang buong nilalaman ng libro ay walang pagkakaiba ang tunay na gumawa ng libro ang syang nakakaalam ng buong istorya at nilalaman ng libro kahit saan mo pa man pa-ikut ikutin. At ang nanggagaya ay hindi mananalo sa tunay na gumawa dahil gayahin man nya iyon hindi nya pa rin mapapantayan ang tunay na may akda.
teka....may kaugnayan ba ang sinabi ko?? naputol kasi ako sa pagta-type dito dahil nanood muna ako ng cheering competition. UE kasi ang una kaya ganun.
~~~~~~~~
Anong gagawin mo kapag nakita mo ang ka doble mo??
Naalala ko ang sinabi ng bestfriend ko. Pero ito muna...syempre ang reaksyon ko kaagad, matatakot. But since mukha ko ang nakikita ko, hindi naman ako mukhang katakot-takot hindi ko kailangan panaig sa takot ko. Kaya ko namang magkunwari na hindi ako takot (minsan) Pero basta una , syempre matatakot ako pero...hindi yan...hindi dapat ganon ang mangyari...
Yung gagawin ko, siguro kailangan kong kausapin..kakausapin ko sya....ang sarili ko.
~~~~~~~~~
Anong sasabihin mo?
hehe..tulad ng sabi ng pinsan ng bestfriend ko, mumurahin ko! (pwede bang sampol? :P) Hehehe...biruin mo, sa tagal ng panahon na nagdaan na hindi pa ako nakakapagmura ng verbal sa mismong sarili ko rin pala ang magiging first mura ko! Nakakatuwa...ang kulit!
Parang dahil sa ayokong murahin ang ibang tao sarili ko na lang ang mumurahin ko! ini-imagine ko nga ang sarili ko kung mangyari yun..hmm... pano kaya ?
hmmm...kunwari nagkita na kami...halimbawa ito ang eksena:
mimi:huh! (natakot na kunwari ako sa lagay na yan!) anong kailangan mo?
kadobol: gusto kong sabihin sa'yo na malapit ka ng mamatay kaya humiwalay na ako sayo agad. Gusto mo na kasi di ba?
mimi: Aba't lokong 'to! na depress lang ako ng konti tampo ka na agad. Dapat nga damayan mo pa ako dahil ikaw ang kunsyensya ko hindi ng naggagagala ka kung saan saan. Nililito at tinatakot mo pa ang tao!
kadobol: eh hindi naman ako lalabas ng ganito kung hindi sa kagagawan mo!
mimi: (teka kung ganito ang ssabihin nya wala akong chance na makapagmura anong sasabihin ko? anyway tuloy natin) ammm...ah..oo nga kasalanan ko pero..wala ka bang tiwala na makakayanan ko ang lahat ng iyon? bakit hindi ka nakatiis? (ayos nakalusot!)
kadobol:kasi sobra na...lagi mo na lang dinadala sa akin ang mga pasakit mo sa sarili mo. Kung alam mo lang kung gaano mo na akong nasasaktan...
(anak ng yan! parang gusto ko ng itigil ah.....horror ito hindi love story! anong script ba 'tong pumapasok sa utak ko! tapusin ko na nga ito!)
mimi:ok sige sorry...alam kong ako ang may kasalanan kung bakit ako nakakaranas ng ganito sa sarili ko. Pero sana lang h'wag kang mangdamay ng ibang tao dahil ayokong mag-alala sila. Naintindihan ko kung bakit sa iba ka nagpakita at sa hindi ko pa ka-close dahil alam kong ayaw mo silang gannon din lituhin (ayun kasi yun sa description kaya idadagdag ko) Nagpapasalamat ako don at hindi sa mga mahal ko sa buhay ka nagpakita pero kung maari lang, kaya kong gampanan ang responsibilidad ko para sa sarili ko. Gusto ko lang ay magtiwala kayo at ikaw sa akin. Dahil sa kunsensya kita pasensya na kung palagi kang nasasaktan. Alam kong alam mo naman ang pagkatao nating dalawa. Ako'y masyadong mapagkimkim pero gayunpaman alam kong kaya natin iyong dalawa. Hindi ko alam kung ikaw ba ay nakakabalik pero ang hiling ko lang sana nga bumalik at huwag na muli magpakita sa iba.
kadobol: (tahinik lang muna habang nag-iisip pa ako ng kung anong sasabihin...break muna!)....
mimi: Pagpasensyahan mo na ako ulit at ako talaga ang may kasalanan. Ang tanging masasabi ko lang ngayon ay ayokong mamatay! Bagamat alam kong gusto mong mabuhay ay hindi kita mapagbibigyan dahil iba ang mundo mo sa mundo ko. Nais mo man mapunta sa mundo ko ay hindi maari. hayaan mo na lang sana na ako na lang ang mabuhay dito at hahayaan kitang mabuhay kung saan man dapat na naroroon. Hayaan mo akong maging masayang nabubuhay dahil tutal ang kasiyahan ko ay magiging kasiyahan mo na rin dahil ako ay ikaw at ikaw ay ako. Kaya hayaan mo na lang ako. Sana maunawaan mo dahil malaki ang tiwala ko sa pag-iisip mo dahil sa akin din nagmula yang pag-iisip mo. Masya ako at pinaaalahanan at pinotektahan mo ako (nabulol pa ata ako!) Yun ay kinapapasalamat ko ng marami. Para sa ikatatahimik ng lahat sana mapaunlakan mo ang aking sinabi. Para naman din iyon sa ikabubuti nating dalawa at ng mga mahal natin sa buhay. Sa ngayong pagkikita natin, kung nagbabadya ka na ako'y kunin, h'wag na muna. Para kasi sa akin marami pa akong dapat gawin. Ni hindi ko pa nga nasasabi sa mahal ko na mahal ko sya kukunin mo na ako agad! hehehe...biro lang. Hayaan na lang sana natin ang Diyos na maghusga kung nararapat na ba akong mawala o hindi pa. Huwag natin syang pangunahan. sa ngayon Sana magsilbi ka na lamang gabay ko sat karamay sa oras ng kalungkutan kagaya dati pero hindi na sana maulit ang ganitong pangyayari.
kadobol: sa dami ng sinabi mo tatanggi pa ba ako? (kadobol ko talaga 'to kung ganito ang sinabi)
mimi: (maski pala sa ganitong paggawa ko ng istorya ay hindi ko pa rin nagawa ang magmura :( ) Hehehe...salamat at paaalam na sa'yo. Magandang experience 'to!
kadobol:babay...
(parang nag-usap lang sa phone eh no?! babay pa)
the end..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hay..nakagawa nga ako ng istorya pero hindi ko rin pala nagawa ang magmura. Anyway, ganyan talaga ang sasabihin ko. Kasalanan ko naman kasi talaga. Tingin ko kasi kahit naman naiisin nilang makatira dito sa lupa hindi naman nila magagawa kung walang dahilan. Sabihin nating hindi naman sila magpapakita kung walang dnaging dahilan para sila magpakita. eh ang kaso kasi meron, kaya kasalanan ko. Wala akong ibang magagawa kung hindi pabalikin sya kung saan sya dapat. Siguro ang pagmumura ko na lang kapag namerwisyo mo sya. Yun baka doon na matuloy.
Pero sabi sa description masama ang makita mo ang sarili mo, pero kung bakasakali ngang mangyari lang ang ganoon kailangan maging handa ako at masabi ko itong lahat sa kanya. Malay mo ang lahat ng nagyaring iyon ay mapagbago ko.
Basta isa lang ang masasabi ko sa sarili ko ngayon....
Hindi ako mamamatay hanggat hindi ko nasasabi sa mahal ko na mahal ko sya!
:)
~~~~~~~~~~~~~
Paano kung nasabi mo na?
ha? ah...mmm....
teka ibang usapan na yan....syempre hayaan na muna akong maging masaya kami ng minama...teka ang dami mo atang tanong.... sino ka ba??
ako?
oo..ikaw
Kala ko hindi mo iyan itatanong sa akin??
huwag ka na ngang magtanong, sino ka ba?
Hehehe....
Edi ikaw! Sino pa ba?! Bakit nakakasiguro ka bang ikaw ang totoo at ako ang hindi.....
........
The end
(hay na ko tinakot ko na naman ang sarili ko...)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home