Here my story goes...
Napakatagal na… after a month ago, ngayon lang uli ako nakapagpost. Sinubukan kong magsulat, dati pero di ko na tinuloy. As much as possible kasi I don’t want to write kung hindi normal ang mood ko. Hindi kasi kaiga-igaya kung nagsusulat ako ng may one-sided feelings. It must be neutral and balance, I guess. So, after all of those I experienced and decisions I made, last month and up to now, I think this is the right moment for me to share it in my blog. Wala lang! I may not be a good writer for you to understand what I am trying to say, but what is important to me now is that, at least, I tried to share it and who knows…may makuha kang aral! Wehehe…
Masyadong mahaba ang post na ito… so I will divide it for every topic, just like my friend did to his blog.
~o~
October 25, 2007….
Isang hindi makakalimutang araw para sa’kin ito ng maibalita sa’kin ng kaibigan ko na kumpleto na ang mga grades namin na makikita sa kompyuter. Nasa school sya non at ako nasa bahay lang. She texted me and asking for my student number, inoffer nyang sya na lang ang titingin. So, I gave her my SN (student number) pero nag-online pa rin ako dahil gusto ko rin makita ang grades ko.
My friend texted me first before I had gone through internet. Naghintay ako ng reply nya kung ano na ang nangyari pero ang tagal. Dahil sa pagka-inip, nag-internet na nga ako para ako na mismo ang makakita.
A few minutes later, I saw my grade. So what would I expect?? Just as I expected, I failed again! Sa una pa lang, Alam ko magiging ganito na rin ang kalalabasan, pero…hindi ko na lang ininda. “I need to see it first before I conclude…” I said. Bago ko imulat ang sarili ko sa katotohanan, I just decided na kahit na anong mangyari, I would accept it! Hindi ako maghihinakit sa sarili ko, maninisi at malulungkot. Tatanggapin ko yun ng maluwag sa kalooban ko na parang wala lang ang lahat! Tutal naranasan ko na yun before, so bakit ko pa uuliting malungkot o ma-disappoint uli?! Pero that is that point, bakit inulit ko uli?!
After seeing my grades, tinext ko ang kaibigan kong matagal magreply. After texting her, suddenly she replied: “Alam ko na Mi kanina pa ang grades mo, kaya lang hindi ko na sinabi dahil hindi ko alam kung pano sasabihin eh…” with this kind of simple text message, sabi ko sa sarili ko kanina hindi ako magpapa-apekto sa kung anong pakiramdam na pwedeng ibigay sa akin after knowing my grades pero hindi naman ako isang bato para hindi makaramdam…
I would not deny na nakaramdam ako ng pagkadismaya at lungkot, pagkababa ng tingin sa sarili ko, at kung anu-ano pang pwedeng ikalubog ko nung araw na yun. But before ended up our conversation, I answered her with a tone that “I’m alright” even if it was not!
May ka-txt pa akong isa, kabalitaan ko sa grades. I also told her what happened because she asked it. Then she replied: “Ayos lang yan Mi…matatanggap mo rin yan ng paunti-unti…” and then I said: “hehehe…cge lang at least nakawala na ako sa field ng accounting! :) ” hehe..akalain mo yun nagawa ko pang mag-send ng “smiley” kahit na masyado na akong tinatamaan ng mga natatanggap kong encouragement. Ayoko pa naman ng nasa side ako ng tumatanggap. Gusto ko, ako ang nagbibigay! “So, anong plano mo??” she asked me in the text… “I left with no other choice but to shift it…” I said. Syempre sa tanong na yun, hindi pwedeng hindi magkaroon ng kasunod na tanong.. “anong course ang ipapalit mo?” she asked me again. “Financial Management…yun lang naman ang pwede eh” and so then, I ended up our conversation after telling that to her.
Pagkatapos kong kausapin ang mga kaibigan ko, and after taking all of those encouragement from them, pano ko naman ngayon sasabihin sa magulang ko ang nangyari? Nadidismaya ako hindi lang dahil sa nabigo ako sa ninais kong maging, kundi nabigo ko SILA..ang magulang ko!
Una kong sinabi sa mama ko ang nangyari, hindi ako sinermunan but instead… she encouraged me up and offered to change it to another course. Sabi nya: “Hayaan mo na, walang mangyayari ang pag-iisip mo tungkol dyan…” she said just to cheer me up. Oo nga naman! Walang magagawa ang nararamdaman ko dahil nangyari na ang lahat ng nangyari. “So, set aside your feelings Mimi! Set it aside!” Pagkatapos kong sabihin na bumagsak ako, pumunta ako ng kama pero hindi para itulog lang ang lahat. Tinignan ko ang prospectus ng FM na minsang pinagpupunit-punit ko at tinapon sa basura dahil sa inis ko noon (pinagulo kasi nun ang utak ko) Sabi ko sa sarili while looking at it: “pinunit-punit pa kita noon, sayo lang din pala ako mauuwi!”
Dumating na ang gabi, time naman ngayon sa dadi ko para aminin ang lahat ng katarantaduhan ginawa ko. Pagkarating na pagkarating ng dadi ko, hindi ako bumaba na gaya ng dati na ako ang sumasalubong. Hindi ako ang naghanda ng makakain nya dahil andun pa si Manang at si Mama. Sila na ang nag-ayos. Andun lang ako sa kwarto namin, naghihintay ng ewan, tulala dahil nagiisip ng kung anong gagawin para sabihin yun. Would I say “sorry”? I would definitely should, but saying “sorry” seemed to be the hardest word!
Nung nasa kwarto na ako ng magulang ko, di ko alam kung paano magsisimula… the only word I said was “Dad…” after that…hinga ng malalim, parang katapusan na ng buhay ko! Until my dad offer himself to start the conversation. “O kumusta grades, may sumabit ba?” he asked. Nakayuko ako nun that time dahil hindi ko alam kung ano at pano ang gagawin. Basta humarap lang ako sa kanila with there is only one thing in my mind: “Kailangan masabi ko ito sa kanya! Bahala na… basta kailangan…” I replied and said “oo dad may sumabit eh!...” and with a very low voice na ako lang ata ang nakarinig, “sorry..” my heart that time wanted to burst out! Kahit ano kasing gawin kong pagkukunwari at pagtatago sa nararamdaman ko, ang hirap talagang gawin! Ang hirap kalabanin talaga ang puso! :P
Nagkaroon kami ng mini-discussion kung ano bang naging dahilan. Actually, that is the right time, I guess, to say na gusto ko nang sumuko sa accounting. Pero masyado pa ring mataas ang pride ko para sabihin sa sarili na: “hindi ako sumusuko, its just that, ayoko na!” So, anong pagkakaiba?? Ganun din yun… sabihin man nating ayoko na, ba’t lalayo ako ngayon sa unang kursong pinili ko? Bakit iiwan ko?? Hindi ko alam kung anong problema ko pero ang hirap tanggapin sa sarili na sinasabi mong “suko na ako” sa isang bagay na minsang nagbigay ka ng so much effort but then you keep on getting a failure.
Pinayagan ako ng dadi ko na mag-shift. Sabi nya: “masyado sigurong mataas ang pamantayan ng UE sa ganyan… lipat ka na lang kaya ng ibang school?” bigla syang offer nang ganun! “Ayoko dad…” sabi ko. Ayoko kasing lumipat pa, dahil una sa lahat, sayang ang time at subjects na may posibilidad na ‘di i-credit ng ibang school. Sayang ang time kung uulitin ko yun. At higit sa lahat, baka lalong dumagdag ang taon na gugugulin ko sa pag-aaral… I would admit… TINATAMAD na ako! Masyado na akong STRESS… PAGOD! Nagmamadali na nga ako dahil sa mga dahilang ito. Tinutuloy ko pa rin dahil kailangan… pero HINDI ko GUSTO ang ginagawa ko kaya lalo akong lumubog sa pag-aaral!
Natapos ang pag-uusap namin ng dadi ko na hindi ako nakatikim ng panenermon o galit sa ginawa ko. Kinabukasan nito, mag-eenroll na ako sa bago kong course kaya bilang ganti sa kabutihan loob nila sa akin sa kabila ng kawalanghiyaang ginawa ko… sisikapin kong hindi na TAMARIN sa bago kong kurso. Maghahanap ako ng paraan para matuwa ako sa buhay na ito, tutal desisyon ko na ang nananaig dito. Wala naman na akong pwedeng ireklamo pa dahil ako na mismo ang gumagawa ng sarili kong ikakagusto!
Dahil sa pagdesisyon kong mag-iba ng kurso, isang taon na lang kung tutuusin at ga-graduate na rin ako. Napadali ang oras ko at higit sa lahat… isang bagong kabanata uli ito para alamin kung ano ba talaga ang gusto kong maging buhay.
~o~
Napakagulo talaga ng buhay...Sa una, ‘kala ko alam ko na ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Handa ako sa pagiging college student. Mulat na ang utak ko sa takbo ng buhay. Akala ko noon ang tinutukoy ng prof ko sa high school na.. “ang tunay na laban ay wala sa apat na sulok ng silid na ito!” ay kapag nag-college ka, yun na yun dahil ginagawa mo na ang buhay mo. Doon magsisimula ang tunay na laban. Laban pa sa pag-aaral ang iniisip ko. Pero hindi pala! Maling-mali!
Kailan ba nagsimula, nagsisimula, o magsisimula ang tunay na buhay?
Hindi ko pa rin alam hanggang sa ngayon! Simula?? Hindi ko talaga alam! Maski nung graduation nung highschool, paulit-ulit na lang sinasabi na: “hindi pa ito ang simula ng pagharap nyo sa tunay na laban ng buhay! Hindi dito natatapos ang lahat… ” Kailan nga ba magsisimula ang laban? Kailan nga ba ang katapusan? Nagsimula na nga ba? May katapusan nga ba? Wala akong masagot dyan! Pero ito lang ang tanging nasa isip ko, ang laban ng buhay ko ay nagsimula nung ipinanganak ako. Dun pa lang binigyan na ako ng kalaban. Yun ay kung paano mabuhay sa gitna ng buhay sa mundong ito. Yung katapusan, talagang wala pa… siguro matatapos lang yung laban na yun kapag nawala na ako hindi lang kapag na-dedo, but kung nawala na rin ako sa isip ng pamilya ko, kaibigan, naging ka-close, special someone (if ever..), kaklase, at kung sino pa man. Yun bang… parang after kong madedo parang hindi na talaga ako nag-exist sa mundo! Yun tapos na talaga hindi lang laban kundi ang alaalang nabuhay ako. Mangyari kaya yun??
Ano ba ang tunay na laban kung ganoon??
Hindi ko rin talaga alam kung anong laban yun! At di ko rin alam bakit sinabing “laban”? Pero kung tatanungin mo kung ano ang tunay na laban, may isang sagot lang sa utak ko, sa ngayon. Yun ay kung paano mo kakalabanin ang sarili mo sa gitna ng kahirap, kaguluhan ng utak, pagod sa ginagawa, katamaran, kabiguan, lungkot, saya, at pagtanggap sa sarili, sa paligid, sa mga tao, sa lahat, na dala ng buhay sayo.
Ang tunay na kalaban ay ang sarili mo at hindi ang buhay. Dahil ang buhay ang nananatiling lang “life”! Gumagana ito dahil may taong nagpapagana. So, kung sa tingin ng isang tao ay may diperensya ang buhay nya, mali yun..SYA ang may depek dahil ang buhay ay sadyang binigay at nananatiling ganyan. Ikaw mismo ang gagawa para maging kaigaya-igaya ito or how you will satisfy yourself inspite of what the life could bring to you. Ang problema ay wala sa ‘buhay” kundi nasa “tao” mismo!

"ouch!"
(So, parang gusto kong iparating… Kalaban mo ang sarili mo! Kalaban ko ang sarili ko... )
~o~
Yun ang natutunan ko pagkatapos kong makaramdam uli ng pagkabagsak… Maaring tama o maaring mali. Pero alam ko marami pang sagot sa paligid ko. At hindi matatapos ang pagiisip ko at paghahanap ng sagot tungkol dyan. Marami pa ang mga nangyari na ilalagay ko rin dito, pero sa ngayon ito na muna… mahirap kasi kung isang bagsakan lang… dahil ultimo ako, aantukin sa pagbabasa nito!
=aimme=

1 Comments:
At 1:46 AM,
Anonymous said…
Making money on the internet is easy in the underground world of [URL=http://www.www.blackhatmoneymaker.com]blackhat forums[/URL], Don’t feel silly if you don't know what blackhat is. Blackhat marketing uses little-known or not-so-known avenues to generate an income online.
Post a Comment
<< Home