07-07-07
July 07,2007 Saturday, 10:30pm
Araw pala ng number seven ngayon ano? ngayon ko lang napansin nung maglalagay ako ng date...
Kumusta na ito? ang tagal ko na ring hindi nakapag-post dahil sa tuloy tuloy na gawin sa school. Kainis nga dahil kahit dalawang subject lang ako sa dalawang araw ng isang linggo, may tatlong araw din naman akong maghapon. Tapos dun pa sa maghapon na yun nakasabay-sabay ang mga bigating subject ko. Kaya naman medyo mina-manage manage ko ang time ko para hindi ako laging naghahabol. Pero kung tutuusin kulang pa rin dahil ang tanging pahinga lang na nakukuha ko ay ang oras ng pagtulog at pagkain ko. Sa maikling oras na yun..ganun lang din ang pahinga.
Matagal na rin akong hindi nakapag-sulat. Ni hindi ko na rin masyadong nabalitaan ang blog na 'to simula nang magpasukan...pero di bale na..ayos lang kasi medyo tinamad na rin akong i-update ang blog dahil wala namang pagbabago ang mga nangyayari sa'kin ngayon. Mas lumalala pa nga ata pero medyo nahahandle ko na ang lahat kahit papaano.
Matagal na rin akong hindi nakapag-sulat. Ni hindi ko na rin masyadong nabalitaan ang blog na 'to simula nang magpasukan...pero di bale na..ayos lang kasi medyo tinamad na rin akong i-update ang blog dahil wala namang pagbabago ang mga nangyayari sa'kin ngayon. Mas lumalala pa nga ata pero medyo nahahandle ko na ang lahat kahit papaano.
Sa ngayon medyo hindi pa ako masyadong libre sa gawain...pero ngayon din ang masasabi kong medyo maluwag sa sched. Magkakaroon kasi ng meeting ang department faculty namin kaya mawaawalan ako ng ilang pasok sa ilang din mga subject.
Hindi pa ako nagre-review sa accounting, may quiz kami sa monday, buong chapter 2 na hindi pa nile-lesson. Ewan ko pero ganun talaga magturo ang prof na yun. Kung saang alam nyang babagsak na ang mga estudyante saka sya makikialam, at may kasama pang sermon na hindi raw kami nag-aaral.
Anyway, hindi naman talaga ako nag-post para mag-kwento pa tungkol don dahil gusto kong mapahinga ang utak ko kahit sandali sa ganyan (pero mukhang nadala ko pa rin hanggang dto ngayon)
One reason why I decided to post is that.. may laptop na ako. Ito nga at gamit ko ngayon. Bininyagan ko na ang laptop na ito sa pamamagitan ng pag-post. Nagkaroon ako kagabi lang, pagkarating ng dadi ko. Hindi ko nga akalain na tototohanin ng dadi ko kasi kasasabi nya lang sakin nito nung last wednesday, tapos kagabi lang meron na. Magic!
Nakapagpasalamat na ako sa daddy ko pero..thanks uli sa kanya although hindi nya 'to nababasa at hindi nya rin alam na nag-eexist pala ang blog ko sa mundo.
Ayos magkaroon ng laptop...nagkaroon din ako ng privacy sa mga files. Buti nga nagkaroon na ako nito dahil ayoko kasi talagang nabubuksan-buksan at kitang-kita ng lahat ang mga files ko. So since I have my own pc na..wala ng makikialam!hehehe..masyado kasi akong masikreto sa mga files eh kaya ayokong may nakakabasa o nakikialam ng mga yun.
Tungkol sa laptop na ito...inggit ang kapatid ko!wehehe..puro gadgets na raw kasi ako! Bakit wala naman ako cellphone ah! :P
Pero tungkol uli dito sa laptop...installment 'to hindi 'to cash. Kaya marahil pinatos kaagad ng daddy ko ang laptop na ito dahil installment! :P Three payments 'to, nakapagdown na sya kaya naiuwi na kaagad ng daddy ko at kasalukuyan ko nang nagagamit ngayon. Hindi ko na lang sasabihin kung magkano 'to dahil ultimo ako hindi makagawa ng paraan para makapag-ambag sa paghulog. Basta yun na yun!
ang bilis ng oras...11 na kaagad.. di bale mamaya na lang ako magre-review... o di kaya bukas na..
ang bilis ng oras...11 na kaagad.. di bale mamaya na lang ako magre-review... o di kaya bukas na..
By the way, ito nga pala ang picture ng laptop ko...astigin!
07-06-07: araw ng napasaakin..
=aimme=
~tumataba na pala ako kakakain habang nasa byahe. Dapat bawas bawas ko yun... (napansin ko lang sa sarili ko dahil sa kanta ng wanda) antok na ako..
0 Comments:
Post a Comment
<< Home