Decision I made...
April 12,2007 12:09 am Thursday
Pumunta ako ng School kaninang umaga para mag-encode ng mga subjects na kukunin ko this summer. Nine units ang maximum units na pwedeng kunin nitong summer kaya nilubos ko na. Since, ang accounting na babalikan ko ay may 6 units na, isang subject na lang para kumpleto na ang nine units na yun. Bale ngayon, nagencode ako ng isang subject na babalikan at isang subject in advance.
Sa totoo lang, kanina nung pumunta ako sa school, labag sa kalooban ko ang kunin agad ang accounting for summer. Pakiramdam ko kasi dala ko pa rin ang dinulot na delubyo sa akin ng subject na yun at dagdag na rin sa hindi ko pa ganun katanggap ang pagkabagsak ko kaya parang ayoko pang humarap. Lalo lang dumagdag at lumakas sa pakiramdam ko na hwag kunin ang accounting dahil sa apat na oras na klase, tuloy tuloy at araw araw pa. Dagdag pa rito, pang-umaga. Sobrang aga ng klase. Hindi nag-iba ang sched ng pagpasok ko, gaya pa rin ito last sem. Tapos dahil nga sa nagdagdag ako, maghihintay pa ako ng dalawang oras paara sa subject na inadvance ko. Bandang huli, hapon pa rin ang uwi. Pagdating ko sa bahay, malamang gabi na. Mukhang sakripisyo talaga ako ngayon sa pinasok ko.
Bago ako mag-encode, tumawag ako sa dadi ko. If ever mabago ang pinag-usapang kukuning subject, binalak kong hwag munang kunin ang accounting, gaya ng una ko na talagang pinalano nung nag-usap kami. Hindi kami gaano nagkaintindihan masyado kaya tuloy pa rin ang desisyong yun kaagad ang kunin. Sa bagay anong use ng summer na ito kung hindi rin pala accounting ang kukunin ko??
Nagdesisyon akong yun na ang i-encode. Kahit medyo hindi pa talaga buo ang loob ko na i-summer yun. First time kong mag-summer buti sana kung para mag-advance lang ng subject pero hindi eh. Mag-summer ako dahil may kailangan akong balikan. MAhirap maghabol. Mahirap ang magulo. Kaya bahala na na lang kung anong mangyari. Inisip ko na lang, dapat lang na mangyari sa akin 'to dahil sa kagagawan ko. Ito ang pinasok ko kaya harapin ko kung ano ang naghihintay sa akin dito!
Nakapag-encode naman ako na hindi nababago ang nais ng dadi ko.
****************
Nakauwi ako sa bahay ng hapon na samantalang hindi pa sumasapit ang tanghalian, wala na ako sa bahay at kasalukuyang nasa school na. Wala lang trip ko langmanatili sandali. Pinuntahan ko ang kaibigan kong nagtatarabaho sa Campus. Dun muna ako tumambay at nakialam ng pianong hindi ko alam kung paano itotono. Kahit papaano medyo nalibang ako. Pero maya maya lang din naisipan ko ng umuwi dahil alam ko, nag-aalala sa'kin ang mama ko. Kanina kasi ayaw akong paalisin mag-isa. Ewan ko kung bakit gusto nya pang magkaroon ako ng kasama. Siguro alam nyang medyo dismayado pa ako sa nangyari, baka wala na naman ako sa sarili ko, iba na ang may aagapay. Astig talaga magmalasakit si inay!
Pauwi na ako sa bahay, habang nasa byahe, sipsip-sipsip ang slurpeeng binili sa 7'11( magandng pagmulan ng ulcer gayung hindi ako nagtanghalian) ramdam ko pa rin ang panghihina at kawalang sigla ng sarili ko. Pilit ko mang binabago ang mood ko sa simula't simula pa lang ng umalis ako ng bahay, ang lakas na dating meron ako ay nagkulang na ngayon. Pilit ko maging gawing malakas at masigla ang boses ko hindi ko magawa. Hanggang sa pag-uwi at pagbati sa mama ko hindi ko pa rin mabawi.
Sinyales lang talaga ito na hindi ko tanggap ang nangyayari sa akin ngayon. Kahit pilitin kong itanim sa utak ko na nagawan na nagsoulusyon ang problemang ginawa ko. May malaking epekto pa rin ito sa sarili ko. Mahirap na masakit, nakakawala ng hindi lang pisikal na lakas, gayun din ang kawalan ng lakas ng loob. GAyun pa man, pinipilit kong mabago, kahit paunti-unti dahil walang mangyayari sa akin kung magpapatuloy akong ganito.
****************
Hapunan..
Medyo ayos naman ang naging pakiramdam. Napapansin kong kahit papaano nakatulong sina "Tom at Jerry" para mapatawa ako. Kaya nung maghapunan, nagawa ko namang makipagbiruan sa kanilang lahat pero pansin kong may iniilagaan silang salita. Ayoko ng ganun! Ayokong pati sila hindi maging normal sa pagkilos dahil sa kagagawan ko. Medyo makapal pa ang mukha ko dahil ako pa irita kung mag-salita. Diretsa ko sila kung sa anong dapat nilang sabihin. Naiintindihan ko ang pagmamalasakit, kaya lang mas lalo lang yun nagpapahirap din sa'kin kay sa tingin ko ginawa ko lang kung ano ang nararapat kanina. Naging maayos naman ang hapunan. Masaya silang nakikita nila akong nakangiti sa oras na yun na parang hindi ganun ka-epektado sa nangyari. Sa puntong iyon, minsan nakakatulong din ang pagkukunwari sa sarili ng sa ganoon hindi na madamay ang iba pa. Yun..ayos naman..kahit papaano tumagal ng mga oras na yun ang "magandang" mood ko. Masaya sila at hindi na kumikilos ng kakaiba sa akin. Masaya na rin ako para sa kanila.
Kaya lang hindi pa rin maaalis ng ganoon kadali ang lahat...
*****************
Pagdating ng dadi ko...
Maya-maya lang matapos ang hapunan, Medyo nag gitara ako ng konti bagamat wala na sa tono at sira pa ang gamit kong gitara, hinayaan ko na lang basta tugtog lang ako. Hinayaan na lang din ako ng ate kong mag-ingay na dati..halos wala pa nga akong tinutugtog at ilalabas ko pa lang sa case ang gitara, pinagbabwalan na kaagad ako dahil daw sa ingay na ginagawa ko. Naging mapagbigay at maluwag sa galaw ko ang lahat na sya naman talagang kinawiwirduhan ko na. Ayoko talaga ng ganito.
Dumating ang dadi ko..pinatawag kaagad ako kahit hindi pa sya tapos sa pagkain. Dinala ko na agad ng reg. form na may nakalagay ng subject na pinag-encodan ko. Medyo may konting pag-aalala ako sa kung anong mangyayari pagkababa ko. Pero sige tuloy pa rin ako baba ng hagdanan na parang ayos ang lahat.
******************
Pagkababa ko ng hagdan nag-usap kami ng dadi ko. Hindi naman nya ako sinabon o sinermunan. Walang nangyaring misa simula nung sabihin ko sa kanya ang lahat lahat.Ni "one-on-one" interview nya lang ako. Pero ang mga tanong...madaling sagutin pero ang hirap ipaliwanag! Isang tanong pero maraming pwedeng isagot, pero alin sa maraming iyon ang dapat?? Sumasagot ako sa tanong nya pero hindi ko makuha ang iba. Gayun pa man, sige lang..tuloy pa rin ang usapan. Pass na lang muna sa tanong na yun at balikan na lang uli kung na-absorb na ng utak ko kung anuman yung ibig nyang sabihin.
Hindi naman naging ganun katagalan ang usapan. Pero sa puntong iyon pakiramdaman ko nagpe-present ako ng isang proposal na dapat kumbinsihin ang taong pinaglalaanan ko nun. Ganun na ganun ang pakiramdam.
Sandali lang din ang tinagal ng pag-uusap. Umakyat na rin ang dadi ko papunta sa kwarto nila ng mama ko. Hindi ko alam kung tapos na nga ba kami mag-usap kaya sumilip ako sa kwarto at nagtanong kung tapos na nga ba ang pag-uusap namin. (baka kasi hindi pa maisip pa nyang tumatakas ako, mahirap na!) Yun na confirm ko naman na tapos na nga. Kaya lang medyo sumingit sa usapan ang tungkol sa desisyong ginawa nya at sa desisyong gagawin ko at higit sa lahat, kalusugan ko.
******************
Una sa lahat, kapag malalaman kong magiging issue sa usapan ang kalusugan ko. Nako! Asahan mong nakakunot na ang ulo ko. Ayoko kasing mahusgahan sa pisikal na lakas ko. Ayokong magmukha akong sobrang hina sa paningin ng tao gayung makakaya ko rin namang gawin ang iniisip nilang hindi ko magagawa. Ayokong isipin nilang mahina ako dahil sa madali akong hingalin sa pag-akyat akyat ng hagdan, ayoko ring isipin nilang madali akong kapusin ng hininga lalo na't kapag iniirita ako ng sobra at galit na ako, ayoko rin masyado nilang alalahanin ang naging sakit ko na minsan pag nasobrahan ay atakihin na ako. Ayoko ng ganun! pakiramdam ko, bukod sa parang ang hina-hina ko, sa halip na madagdagan ang lakas ko lalong humihina ang lakas ko. Alam ko naman ang limitasyon ng katawan ko. Alam ko naman kung kaya o hindi ko kaya ang isang bagay. Nararamdaman ko naman kung kailan ko nararamdamang aatakihin na ako ng kung anong sakit pa yan. Salamat sa pag-aalala pero basta sa kalusugan h'wag na silang gaanong mag-aalala. Kung may mangyari man..2 lang ang nakakaalam ng lahat, yung isa ay yung nasa Taas at isa yung ate ko dito sa baba! (parang yung nasa quotes sa text messsage)
Nung tinanong sa akin ng dadi ko kung kaya ko ba raw ang ganun kaaga, dahil inaalala nya ang kalusugan ko baka ako bumigay... Agad akong sumagot na kaya ko! Dati naman ganun na ang pasok ko. Walang mababago..ganun at ganun pa rin. Nakaya ko nga ng isang tanon anupa't dalawang buwang lang 'to! E ano kung maaga?? exercise yan pero mabawasan ang paghingal hingal ko. Hndi lahat yan sinabi ko sa dadi ko..basta sinagot ko lang sya ng "kaya ko po! dati ko na rin namang sched yan.Kaya ko yan!"
Dagdag pa ng dadi ko sa naging usapan namin..
Pumayag syang sundin ko ang plano ko at hindi sa kanya. Pinaliwanag nya sa akin na nagbigay lang sya ng mga options. Ang pangit naman daw kasi kung sa kanya nya manggagaling ang desisyon gayung hindi ko naman pala gusto. Baka magkasisihan pa bandang huli. Kaya binibigay nya sa akin ang lahat ng desisyon. Sa puntong iyon..hiyang hiyang ako sa ginawa ko! Ganun na nga nag ginawa ko pero heto pa rin ang magulang ko buo pa rin ang pagtitiwala sa akin sa paggawa ng desisyon. Sumukli na lang ako ng isang ngiti bilang sagot sa sinabi nyang iyon at sinabi ko na lang sa sarili ko: "Kahit naman sundin ko ang sinabi nyo wala dapat akong sisisihing tao kung may nangyari uling hindi maganda dahil ako namismo ang nagdesisyong iyon. Kayo nagbigay lang kayo tulong sa kung anong pwedeng kong gawin, pero nasa aking mga kamay pa rin ang desisyong gusto kong gawin. Itakwil nyo na akong anak kung sisisihin ko kayo sa ginawa kong 'to!" Pero dahil sa ayaw kong patakwil..asahan nila na wala akong sisisihing tao. Kundi ako lang...wala ng iba pa!
(close door...)
*****************
Anong desisyon ko ngayon??
Matagal akong nag-isip kung anong desisyon ang gagawin ko. Gayung pinayagan na akong magdesisyon. HAwak ko na ngayon sa kamay ko kung anong ikaliligaya ko gayung ako ang may kagagawan ng problemang iyon. Wala, patuloy akong nag-iisip, nakatulala sa oras na mabagal na tumatakbo pero konti na lang ang nalalabi sa oras ko para magdesisyon dahil malapit na rin ang magpasukan. Ilang saglit pa...inisip ko ang lahat ng lumalabas sa utak ko. Kontra man o hindi sa suggestion ng dadi ko, patuloy ko pa rin pina-iisipan. Ilang saglit pa ulit..umabot na ako ng ilang oras saka tuluyang nakagawa ng desisyon at panunumbalik na rin ng gana ko sa kung anong mangyayari.
Pero maya-maya lang din..may lumason sa utak ko..na sya namang naging dahilan ng pagdadalwang isip ko.
*****************
Pagdadalawang isip...
Bagamat nakita ng ate ko na medyo nag-iisip na naman ako ng malalim pagkatapos akong kausapin ng dadi ko. Ninais nyang makasagap ng balita. Konting impormasyon lang ang sinabi ko, ganun ako kung magbigay. Pabitin-bitin muna hangga't hindi pa rin lubos malinaw sa akin ang lahat. Hindi nakatiis ang ate ko nag-suggest na pwede ko raw hindi muna kunin ang major na yun dahil sa under pressure pa rin ako ng accounting. PArang hayaan ko raw munang ipahinga ang utak ko dun dahil tutal sa pasukan parang review-review na lang daw yun uli. PERO kung kukunin ko ang accounting ko ngayon, ok rin daw dahil fresh pa sa utak ko ang lahat. Tapos dagdag info na lang daw siguro sa ibang topic na sa tingin ko dun ako nangangailangan ng maiging lesson na hindi ko nakuha noon. PERO kung gusto ko raw uli mag-minor na lang at least bawas units hindi ganun ka pressure..
So anong balak nya talagang i-offer sa akin??
Nauwi rin sa lahat ang huling salitang:" Ikaw nasasayo kung anong feel mo!"
Sus don din pala dadako ang lahat..ginulo pa ulit ang utak ko. Medyo nag-isip isip uli ako habang naglalaro sa computer. Hindi ko mabuo ang spider solitaire habang kausap sya kaya tinigil ko na. Sinyales lang yun nanaguguluhan ako. Naglaro ako ng reversi matapos nya akong kausapin at hayaang makapag-isip. Yun nananalo ako. Sinyales lang yun na nawala ang gumugulo sa utak ko.
********************
Balik sa desisyon...
Hanggang ngayon nagta-type ako ng post na ito sa blog ay patuloy pa rin ang pag-iisip ko. Pero sa puntong ito, ang isasagot ko ay syang yun na ang desisyon ko.
Anong desisyon ko??
Kukunin ko ang accounting ngayon. Yun ang isa-summer ko. Susundin ko ang sinabi ng dadi ko. Bakit?? dahil sa mga ganitong dahilan..
1. Mas napanatag ang loob ko nung bigyan ako ng pagkakataon ng dadi kong gumawa ng sariling desisyon. Sa puntng iyon, nakaramdamn ako ng hiya sa sarili ko dahil sa dinulot ko sa pamilya ko. Bilang pagpunan sa nagawa kong kasalanan, gagawin ko ang sinabi ng dadi ko. MAgsisilbing inspirasyon na nagbigay sa akin ng lakas ng loob at panunumbalik ng gana ko para harapin ang subject na 'to. Wala namang mawawala kung susubukan ko uli. Hindi hadlang ang oras oras na yan kung nais ko talagang matuto!
2. Walang mababago kung iibahin ko ang kukunin ko. PArehas pa ring maghapon ako sa eskwelhan. Araw-araw din ang pasok. Ganun din kaaga ang pasok. ganun din kahapon ang uwian. Ganun din ang total units na kukunin ko. Lahat parehas lang. Ang pinagkaiba lang, Accounting ay major subject ko na may pre requisite pa. Samantalang iyon, minor subject lang na wala namang pre requsites. San ka pa??
3. PAgnapasa ko na ang accounting na ito, isang magandang benefit ay makakasunod pa rin ako sa takbo ng sched. HIndi ako maghahabol. Naka-advance pa ako ng isang subject.
4. Parang hindi na rin ako bumagsak.
***************
Sa Friday, pupunta ako ng school para mag-enroll. Nag encode lang naman kasi ako kanina dahil hindi ko pa alam ang kalakaran ng summer class. Sa friday na lang ako pupunta para may pahinga naman sa komyut komyut.
Ngayon, ginagawa ko na ang mga bagay na sa halip ay ito na dapat ang kasalukuyang ie-enjoy ko nitong bakasyon. Pero dahil nga sa ito ang nangyari, nilulubos-lubos ko na ngayon dahil hindi ko na magagawa ito ulit.
****************
HAy..nakakadismaya pero medyo tanggap ko na ngayon. Wala na akong magagawa dahil nangyari na ang hindi ko inaasahang mangyayari. Ayoko na ng buruin ang utak ko kung ano bang nangyari sa kin o kung may naging pagkukulang ako. ANg iniisip ko na lang ngayon, ang lahat ng ito ay may dahilan...maaring sa ikabubuti ko dahil matututo akong tumayo mula pagkabagsak na nangyari sa akin ngayon. Sa bagay, ngayon lang ito nangyari, pagdating ng araw..paano ko masasabi sa sarili ko na natuto akong tumayo sa sarili ko kung kailanman ay hindi ko naranasang madapa o bumagsak?! Paano ko masasabing kailangan kong tumayo gayung hindi ako bumagsak dahil wala namang dapat itayo gayung walang bumabagsak?!
**************
Medyo antok na ako at gutom pa! MAsyado ko kasing pinag-isip ang utak ko.. pero itutulog ko na lang ito. Kayang-kaya naman idala sa tulog ang gutom. Ayokong kumain dahil panigurado tataba ako.
Mahaba na 'tong post ko kaya magpapaalam na ako...
goodluck sa sarili ko..this summer class!
=aimme=

0 Comments:
Post a Comment
<< Home