ASH WEDNESDAY
February 21,2007
Ash Wednesday pala ngayon. Wala lang, hindi kasi ako nakapag-simba. Di bale magdarasal na lang ako mamaya.
***********************
Ahem!...
Hindi ako nag-post ngayon dito para sabihing ash wednesday ngayon. Wala kasi akong maisip na title para sa post na ito kaya yan na lang ang naisipan kong panimula para umayon kunwari sa post. Hmp! wala lang...
************************
Sinamantala ko na ang paggamit ngayon ng kompyuter dahil wala akong kaagaw! wala ang ate kong babad kung gumamit ng kompyuter na halos naglalaro lang naman ng mga games dito sa kompyuter. At higit sa lahat, tulog ang bebi namin na kung saan, adik din sa kompyuter. Malaya ako ngayong gumamit dahil walang istorbo!
BAgamat malaya nga ako ngayong nakakagamit ng kompyuter ngayon at halos ngayon lang uli ako makakapag-post, mukhang hindi na naman ata maganda ang mailalagay ko dito.
Nakakainis kasi kanina sa school. Bagamat..malamang sa iba siguro nakakatuwa, masaya..pero sa akin hindi! HINDI nakakatuwa at HINDI ako nasisiyahan!
Wala kaming klase sa first subject ko ngayon, english subject yun. Sinabi na ng prof namin na wala kaming klase last meeting kaya ayos lang. Tanghali na nga ako pumasok kanina. NAkarating ako sa school ng 8:30 ng umaga samantalang ang pasok ko pa dahil sa wala ngang klase ay 9:30. Ayos lang kahit 1 hour pa ang hihintayin kasi magre-review pa naman ako sa accounting, ang pinakamamahal kong subject!
9:30 na pero hindi pa dumarating ang prof ko sa accounting. May nagaganap kasing...malay ko kung ano yun! hindi naman kasi ako lumabas ng room para maki-usi sa kung anong nangyayari sa baba kaya ewan ko kung anong nagaganap dun. Basta alam ko panigurado may program! 9:30 na pasado pero wala pa rin ang prof ko. Medyo naiirita na rin ako dahil maymidterm exam pa kami sa kanya. Sayang ang time dahil sa haba nang exam baka kulangin na naman kami sa oras sa pagsagot. Pero wala akong magagawa, wala pa sya eh.. Edi mahintay na alng uli.. Naghintay pa ako ng konti pang minuto dahil baka nga late lang pero lalo lang akong nairita nung marinig ko sa isa kong kaklase na wala na raw klase! "Anak ng yan!" sabi ko sa sarili ko. Hindi naman ako marunong mag-mura eh!heheh.. sa tinagal tagal kong naghintay at ang aga ko pa man din dumating ng eskwelahan, wala pa akong mapapala!Accounting na nga langang gusto kong pasukan, wala pa. Sayang tuloy ang baon ko, namasahe ako at gumastos sa wala!
I hour before the time, umalis na kami ng kaibigan ko. Naiirita lang ako! Itinigil ko na ang pagre-review dahil useless din kung wala namang magaganap na exam! Nakakainis lang talaga dahil matapos kong magpuyat para lang aralin ang accounting na yan..wala rin..(hay..ito na naman naiirita na naman ako!)
Pumunta kami ng kaibigan ko sa library para gawin yung assignment sa stat. MAs mabuti na siguro na yun ang ginawa naman kaysa tumunganga at maghintay sa wala. Kaya lang habang gumagawa ng assignment napagisip-isip ko, dapat pala hindi muna kami umalis dahil may 1 hour pang natititra baka sakaling humabol ang prof namin. Sinabi ko yun sa kasama ko kaya lang sabi nya hindi naman daw kakayanin ng isang oras lang ang exam kaya hindi na raw tuloy yun. Buti kung ganon nga pero pano kung mangyari na naman ang nangyari sa amin noon..edi lagot kami ngayon!
lesson to learn: think before you act!
******************************
Patapos na sana ang assignment na ginagawa ko pero tinamad na rin akong tapusin. Ayoko kasi sa lahat ay yung pagawa-gawa pa ng graph! hindi ako pantay sa paglinya-linya at paglagay-lagay ng tuldok tuldok sa kung saan pa mang X and Y na yan. Basta tinapos ko na lang ang mga problem pero ang graph...mamaya na lang siguro pag trip ko ng gawin mamaya..:)
Masyado kaming nalibang sa paggawa, huli na ng tanungin ko yung kasama ko kung aatend pa kami sa next subject which is marketing. 11:30 ang time dun pero nagtanong ako mga 11:40 na. Actually pwede namang pumasok kahit late pero dahil sa...nangyari kanina...tinamaad na rin ako..kami!
KUmain na lang kami pagkatapos umuwi. Ako diretso uwi pero sya "stay" daw muna sya sa layb...magbabasa basa ng history. HIndi na ako sumama dhil di ko trip magbasa. Accounting at libron ni BO sa ngayon ang binabasa ko wala na munang iba! Kaya yun iniwan ko na muna sya. Panigurado uuwi rin yun kaagad dahil hindi rin makakatiis yun sa mararamdaman nyang antok! Hmp!
***********************************
Eksena sa jeep....
Dahil sa hindi na maganda ang mood ko ngayong araw na ito, sinabayan pa ng landian ng mga kabataan ngayon sa jeep. Hay... "diyos ko po"! (ekspresyon ng lalaki sa dyip) Diyos ko! magtigil sila at tigilan nila ako! Sa dinami dami bat sila pa ang naging katapat ko! Tanghaling tapat nagliligawan sa loob pa ng dyip. Kita mo nga naman ang mga kabataan ngayon, kahit saang lugar, kahit saan nila matipuhan, dun nila liligawan. Kunwari pa si babae na ayaw isama si lalaki sa kanila dahil nagloloko o "joke" lang naman daw nya ang sabihing "samahan sya sa pag-uwi" kumagat naman si lalaki. Itong si lalaki, kunwari nagku-kwento ng kung anu-ano pero kumukuha lang ng tyempo para makapagsabi ng magagandang salita kay babae! Hay nako po...Hindi rin ako nakikinig ano?!hehehe...pero imposible naman kasing hindi ko rin marinig dahil katapat ko sila at yung mga boses nila ay halos rinig ng mga taong malapit sa kanila so...kahit subukan ko mang hindipansinin at pakinggan..hindi rin yun mangyayari..(uy,defensive....)
Sumakay na ako dyip pa-nova pero pansin ko parang alam ng mga tao na di maganda ang mood ko kaya, ni isa simula blum pa C3 walang naging pasahero kundi ako lang. Naisip ko kawawa ang dyip at yung driver wala syang kita. Kaya nung bandang balintawak medyo binago ko nauli ang mood ko..yun nagkapasahero rin at napuno pa jeep. Minsan pala nagkakatanong kumukunekta ang mood mo sa dyip na sinasakyan mo kahit ang totoo wala naman talaga ano..
ano ba yun??
*********************************
YAn mukhang ang dami ko ng nasabi at marami na rin akong nilabas na sama ng loob dito sa blog ko...Hmp..minsan na nga lang ako mag-post..ganito pa nailagay ko. Wala eh..hindi talaga maganda araw ko ngayon. Sana nga lang hindi talaga dumating ang prof ko sa accounting dahil kung magkakataon lagot ako dahil sa kawalan ko ng ingat sa kilos ko...Pero gayun pa man, para naman maging ok na ako before I end and leave this blog, sigruo nga iisipin ko nalang ang sinabi ng kaibigan ko...
"Siguro binigyan Nya uli tayo ng chance para makapag-aral dahil mahirap talaga ang exam natin ngayon!"
Hay nako...sawa na nga akong pag-aralan eh dahil paulit ulit lang. Pero sa bagay, inaamin ko hindi ko gaano na-review ang topic na receivables kaya dun lang siguro ako magpo-focus ngayon..
Gudluck na lang sa'min sa exam...
Ok na ako ngayon....
Sana lang talaga wala ang prof namin kanina...sana! *crossed finger*
T_T
=aimme=

Labels: think before you act
0 Comments:
Post a Comment
<< Home