Life is a matter of Choice...
Pinaka head ng blog ko pero ni hindi ko man lang nalagay ang dahilan kung bakit ito ang nilagay ko bilang “head” o “title” ng blog ko.
************************************************
“Life is a matter of choice”
Ang buhay natin ay nakasalalay sa ating desisyon. Totoo…dahil sa bawat ginagawa natin gumagawa tayo ng desisyon na syang nagpapaandar sa buhay ng isang tao.
Ang salita o ekspresyon na..”bahala ka, desisyon mo yan!” isang salitang nagpapakita na ang buhay ng isang tao ay nakasalalay talaga sa kanyang mga kamay. Indi mo ito makikita sa ibang tao at hindi ibang tao ang gagawa ng desisyon para sa’yo kundi ikaw lang, wala ng iba. IKAW! Ikaw lang ang may karapatang pagganahin ang buhay mo.
Pero bakit nga ba may pagkakataong, ginusto natin ang isang bagay at pinili nating ang desisyon na dapat makuha natin ang bagay na iyon pero hindi nangyayari?…
Maaring may ibang desisyon na hindi aakma para sa gusto mong mangyari. Maaring may humadlang o may pangyayaring nakapagpabago ng desisyon mo kaya ang nauna mong desisyon ay hindi na nangyari. O kung hindi naman may mga desisyon ka sa buhay mo na kahit gustuhin mo man mangyari ay hindimangyari yari dahil napaka-imposible nga namn mangyari..talagang hindi mangyayari yun! (Huwag mo ng pag-isipan dahil wala talagang mangyayaring ganoon…imposible na nga eh!)
Meron din namang, hindi mo ginusto at wala talaga yun sa pinili mong desisyon pero ayun ang nangyari….
Masasabi kong pagsubok yun sa buhay ng isang tao… Basta basta dumadaan ito sabuhay ng tao para tignan kung paano mo mabibigyan ng solusyon ang mga pagsubok na yun. Sa pag-iisip na yun, gumagawa at pumipili ka ng desisyon para malagpasan mo ang mga pagsubok na iyon..
Meron din namang desisyon na nakagawa ka at ganoon nga ang nangyari…
Marahil masasabi mo sa sarili mong nakagawa ka ng isang tamang desisyon dahil nangyari ang ginusto mo.
**********
Sa buhay ng isang tao, bawat isa ay binigyan ng sari-sariling buhay para paganahin ‘to. Nasa tao na lang kung paano nya ito pagaganahin. Gawin nya man mabuti o masama ang sarili nya..desisyon nya yun at wala tayong magagawa.
Sa bawat buhay ng tao, hindi nawawala ang gumawa ng desisyon sa kanyang buhay. Binigyan tayo ng buhay para mabuhay sa mundo na masyadong palaisipan ang dahilan pero gayun pa man, patuloy tayo sa pagawa ng kung anu-anong bagay para magpatuloy at tuloy- tuloy ang buhay natin dito sa mundo.
Sa isang buhay ng tao, mahalaga ang paggawa ng desisyon dahil ditto nakasalalay ang kinabukasan ng buhay nya, maging mabuti man o masama ang kahihinatnan basta may pinipili kang desisyon saiyong buhay, ito ay patuloy na aandar at makikipagsapalaran .
Nakasalalay ang buhay ng tao sa desisyong mapipili nya kaya sana sa bawat isa sa atin ay magkaroon ng isang mabuting at tamang desisyon para sa pagkakaron ng magandang kinabukasan ng kanyang buhay!
KAya...
"Life is a matter of choice!"
=maemi=
0 Comments:
Post a Comment
<< Home