--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Wednesday, January 03, 2007

Panira ng araw ko...

Hindi maganda ang unang araw ng "balik-eskwela" ko ngayon. Masyado akong nag-expect na magiging maganda ang balik ko dahil wala akong naging problema sa mga exams bago ako nagbakasyon. Pero ngayon wala eh...Actually isang subject pa lang naman ang nakita ko na ang resulta pero sa lahat hindi pa.

HIndi naging maganda ang resulta ng accounting prelims ko. Pero kung tutuusin hindi pa talaga yun ang resulta dahil may part-two pa yun sa friday. Pero kahit na! Major ko yun at prelim exam pa kaya talagang nag-aalala ako. Nung binigay din kanina yung mga resulta ng quizzes ko kung "quizzes" nga bang matatawag yun, hay nako! hindi rin ako natuwa... Ang bababa! HIndi ko rin naman alam kung nirerecord nga yun ng prof ko dahil lagi sabing nya "try" lang daw yun! Malay ko...kung "subok" nga lang yun...hmmm...ok lang kahit hindi i-record kasi nga mababa pero kung nirerecord, ewan ko pero siguro ok na rin baka sakaling humatak pataas pero malamang hatak pababa yun!

Sa ilang mga alam ko talaga quiz yun at hindi sinabing "try" lang tingin ko naman baka dun ako bumawi sa mga mababang grades ko. Dun na lang talaga nakasalalay ang magiging grades ko sa mga quizzes pangbawi. Sana nga makabawi ako dahil dun amko umaasa. Sa Prelim exams, magre-retake kaming lahat dahil lahat kami hindi nakapasa! Ang laki din ng hinayang ko kasi 1% na lang para pasado na ako hidi pa umabot! Hay nako! HAy nako! Kainis! Lokong mga theories kasi na yan eh! Di bale nang maraming i-analyze at problem solving tungkol sa bank recon recon na yan, yang find the beginning and ending deposit in transit, dagdag pa ang proof of cash at outstanding checks! Di bale nang maraming binigay na problem na ganoon h'wag lang tadtadrin ng mga definition of terms. Hay nako...nakakapanghina! Pero in fairness, marami rami rin ang tama ko sa type ng exam na ganoon pero mas malaki lang talaga ang nakuha kong points sa mga solving. Kainis talaga! NAkakapanghinayang ang 1% na lang! Hmp! di bale...kailangan kong bawiin na lang talaga sa part two ng exam ang grades ko...sayang kaya ko naman atang maihabol eh...

Basta mag-aaral na lang ako...mamaya tapos nito, bago ako matulog!


***************************************

Hmm...kala ko nung matapos ang delubyo ko nung 1st sem sa accounting hindi na ako makakapagsulat ng kagaya ng ganito.."nakakapanghinayang ang grades, kinulangan pa ako at hindi umabot...tapos dagdag pa ang mababang grads na nagaalala na naman ako kung papasa ba o hindi.." HAy nako! nagsasawa na rin ako sa kakaisip pero hindi nawawala sa isip ko! Akala ko nitong 2nd sem magiging maayos na ang lahat basta makatakas at malagpas ko lang talaga ang 1st sem pero nagkamali ako! Tuloy tuloy pa rin ang pag-aalala ko! Minsan iniisip ko, siguro pag nabahiran talaga ang grades mo ng mababa at nakaranas ka ng muntikang hindi makapasa, parang prone ka na sa lahat ng pwedeng kamalasang mangyayari sa pag-aaral. Parang bang pwedeng ihalintulad sa "usog" o "bati" ika nga. Sabi pag once na nabati ka ng isang taong may "usog" at hindi ka pa nagkakaroon ng usog eversince...magkakaroon ka na rin ng kakayahang maka-usog ng hindi mo mamamalayan!

Parang yung lagay ko nung accounting 3 ko nito lang last sem. Yun nga, iniisip ko, dahil sa nabahiran na ng "usog" ng mababang mga grades ang mga grades kong hindi pa nagkakaroon ng "usog" nayun eversince na tumuntong ako ng college, dahil nga sa nausugan na yun, prone na ang mga grades ko ngayon sa mga mababa (exclusively for accounting subject lang hindi damay ang iba!) YUn ang kauna-unahang nabahiran eh! Major pa naman,,,HAy nako, nakakasawa ng isipin pero hindi pwedeng hindi mo isipin dahil major ko yun! Yun ang pinaka-importante sa lahat!

HAy nako...alam kong problema ko naman 'to this sem but since ako yung tipo ng taong kapag may nakikitang problema ay gumagawa kaagad o nag-iisip kaagad ng solusyon, nakaisip na ako agad ng solusyon!

KAilangan ko lang na naman siguro dagdag pa ng attensyon sa pag-aaral ang accounting subject na 'to. Hindi siguro sasapat at babagay sa accounting ang "may alam ako kahit papaano" sa mga lesson, hindi rin siguro tama na "may sagot ako sa exam kahit papaano.." Hindi ata pwede yun saaccounting dahil hindi kakayanin at hindi talaga aabot ang "kahit papapano" para makaabot at makapasa sa subject na 'to! Dapat siguro kapag lesson, talagang naiintindihan ko. KApag may exam...MAy sagot ako! Dapat sigurado ako at hindi nagaalinlangan sa mga sagot.

Solusyon: DAGDAGAN PA ANG ORAS SA PAG-AARAL...

***********************************

NAg-aaral naman ako...pero hindi yung tipong dapat karirin! Pakiramdam ko kasi masisiraan ako ng ulo, weird, at wala man lang time para magsaya! Siguro mukha lang akong seryoso dahil given na talaga sa itsura ko yun, yung tipo siguro ang tingin ng iba sa akin ay masyado akong pala aral, pero hindi ako ganoon! HAy nako...kung alam lang nila...

Kung sa room nakikita nilang nag-rereview ako...hindi totoo yun! hehehe...nagpapaalis lang ako ng antok nun! o kung hindi naman...kunwari para may ipakita lang na may ginagawa ako kahit wala! MInsan nang ti-trip din sa mga kaklaseng parang kabado lagi kung magkakaroon ng exam o hindi...Kunwari pa review review ako kaya tatanungin nila ako, tapos pag sinabi kong meron, kabado na yun! saka ko na lang sasabihin na wala at nagloloko lang ako kung nakikita kong medyo natataranta na sila! wehehehehe....BAD!

Minsan nagre-review naman talaga ako sa room kaya lang hindi yung tipong bulgar...ang pagre-review ko...sa utak ko! Yung tipong hindi na ako maghahawak ng papel para magkabisado kung may pinakakabisado man.. dahil kabisado ko na yun, YUn nga nasa utak ko na! Ang gagawin ko na lang...yuyuko ako sa upuan ko na parang nasa posisyon ng natutulog pero nagre-review na ako sa utak ko nun. KUmbaga eh..utak ko ang reviewer ko! Minsan nagtatanong din yung mga kaklase ko kung nakapagreview na ako kasi mukhang hindi nga ako nababahala...sinasabiko na lang na tapos na.. Stock knowledge na lang ang gagawin ko na minsan...ganoon na talaga ang gawain ko sa oras na tinatamad ako magkabisado ng pagkarami-rami tapos hindi naman pala ganoon ang exam!

*************************************

Hmm...medyo nabago na ang mood ko ngayon habang nagsususlat ako dito...nakakatulong din pala talaga ang magkaroon ng blog ano kasi nasasabi mo kung anong gusto mong sabihin.. Kung sasabihin ko kasi sa mga tao dito sa bahay ang problema ko sa accounting, ewan ko lang kung maka-relate sila! BAka pag sinabi kong " yung credit memo nung july ay kailangang i-deduct sa deposit in transit beginning tapos yung total i-add sa cash receipts ng book record, tapos i-deduct naman ang cash receipts bank record sa mga credit memo ng kasalukuyang buwan which is august tapos yun na ang ending deposits in transit" sa palagay mo makaka-relate sila??

Kung baka sakaling may nagbabasa rin ng blog na ito at nabsa ang sinabi kong ganyan...tapos hindi accounting student..makakarelate ka ba sa sinasabi ko?? MAlamang hindi! kaya hindiko na lang sinasabi angproblema ko sa accounting dahil wala rin namang makakasagot!

At least dito sa blog na 'to..hindi ko talaga kailangan ng sagot dahil wala akong aasahan na sagot mula dito. Ang mabuti na lang dito sa blog, at least nasasabi ko kung ano ang gusto ko na kahit wlaang maka-relate..ok lang basta nasabi ko ang nasasaloob ko.

************************************

Lokong accounting talagang yan! Dati hindi ko gusto ang course na 'to pero nagustuhan ko lang nitong nahirapan ako nung 2nd yr 1st sem. Delubyo sa akin pero dun ko na-realize na gustong-gusto ko ang subject na 'to. KAhit pahirap talaga ang mga topic dahil puro analyzation ok lang kasi parang nacha-challenge ako. KAhit talaga panira ng maganda mong araw ang subject na 'to dahil masyado kang pinag-aalala, ok lang talaga dahil alam mong pag nalamapasan mo, natututo ka. At kahit na minsan gusto ka na pasukuhin sa lahat ng pahirap na dala ng subject na ito na talagang minsan napapaisip ka kung itutuloy mo pa ba o hindi ang course na 'to dahiol alanganin na ang grades mo, ok pa rin sa akin dahil pag nakapasa ka..alam mong may mararating ka at bawing bawi ang lahat ng paghihirap na yun.

Kaya kahit ganon ang nagiging sitwasyon ko sa subject na 'to..kahit kailan hindi ako magpapalit ng course at higit sa lahat ipapagpatuloy ko 'to! MAlayo layo na rin ang narating ko kung tutuusin..sayangkung tatapusin ko na lang bigla na wala namang natapos! HAy..kaya sana...kung gaano ko man ka-gusto 'tong course na 'to sana umayon din ang grades ko. Sana rin magustuhan ako ng course na 'to dahil ang hirap ipilit ang isang course na gusto mo pero hindi ka pala para dun...Kumbaga in term of "love" mahirap ang sitwasyong ikaw ang nagmamahal pero hindi ka naman pala mahal ng gusto mo..o nung mahal mo! Kung sa course, mahirap ang sitwasyon kahit gusto mo nga ang course na 'to pero ang corse na ito ay hindi ka gusto, aba mahirap yun! Its either mag- give up ka na lang and try to seek for something you know that will fits you! O diba parang may relate sa love?? :)

Kaya ako...I used to love my course. Then nung nagustuhan ko na...Dapat sikapin kong mapanalunan ang "heart" ng course na 'to para maging compatible kami sa isa't isa! wehehehhe...

************************************

Humaba na anamn ang post ko at nagkaroon na naman ako ng post tungkol sa pamumurublema sa accounting na talaga namang kinaaayawan ko! Di bale basta the last thing I want to say before I end up this post is...

PAPASA AKO AT GA-GRADUATE AKO SA COURSE NA 'TO!


pero sa ngayon pagtutuunan ko muna ng pansin ay yung prelim ko sa friday..kailangang makabawi eh!


wish me luck!


God Bless me!



=maemi=


adjah! adjah!







0 Comments:

Post a Comment

<< Home