--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Wednesday, December 20, 2006

Salaries of the Government Officials

Sa wakas at christmas break na rin namin...ngayon lang kami nagbakasyon...

Break muna sa mga school works such as assignments, research, etc. etc...

Bakasyon nga at kasisimula lang pero binigyan naman ako ng gawain nitong kapatid ko...



-------------------------------------------------------------

3:00 am na at nagawa ko pang mag-post dito. Ako na lang ang gising at nakatutuok pa sa computer para mag-research ng "salary of the govt officials" na hindi naman dapat ako ang gumagawa.

Lokong 'tong kapatid ko eh...

Habang nasa mahimbing, payapa, nananaginip at kasarapan na sa tulog ang kapatid ko na syang may kailangan nito, ako ngayon ang gumagawa. Ako 'tong dapat natutulog na ng mahimbing, naglalakbay sa panaginip, nakahiga sa malambot kong kama at sa mga oras na ito ay nasa kasarapan na ang tulog, heto ako ngayon masakit na ang mata, antok na antok, masakit na ang likod at higit sa lahat ginutom na sa kakahanap.

Hay nako! ang hirap maghanap...mismong ang kapatid ko namay kailangan nito nahirapan din sa paghahanap. Lintik! kaya siguro pinasa sa akin...Kala ko kasi ganoon lang kadali maghanap nito....hay...pero anak ng yan! ang hirap!

hmm...ganun pa man...hehehe...nagawa ko pa rin makahanap at sa wakas tapos ko na rin!

Hay nako sana man lang imbitahan nya akong manood ng Juana sa School nila di ba? pakunsuwelo man lang!


hmm...ito na yun.....

Salaries of Government officials

President P300.000 annual
Vice President P240,000 annual
Senate President P240,000 annual- P40,000 monthly
Speaker of the house P240,000 annual
Chief Justice P240,000 annual
Senator P204,000 annual -P35,000 monthly
Congressman P420,000 annual -P35,000 monthly


That was according to 1987 constitution of the philippines Article 18 sec. 17 kung hindi nagkakamali ang memorya ko.

Sources: www.senate.gov.ph./senators/terms.htm#salaries
www.inq7.net


----------------------------------------------------

Hay...antok na ako....sa susunod hindi na ako papayag. Puro sila pasarap eh...ako ang naghihirap!

heheheh...Sige goodmorning!





=mimi=


P.S.

bakit mas mataas ang annual salary ng congressman compare to president???

saka ko na lang aalamin..tulog muna ako!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home