--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Sunday, December 17, 2006

Soapdish Reloaded_Repackaged Album

Sa wakas nakapag sulat na uli ako dito...

Malapit na ang christmas break namin... advanced..

Merry Christmas

to all...


-------------------------------------------------------------------

Bagamat medyo maraming ginagawa before christmas break namin, na manage ko pa rin masagawa ang lahat. Sa Monday, buti na lang at tapos na ang nagawa naming proposal....type na lang siguro at konting revise pwede nang ipasa sa Monday. That proposal will serve as our prelim sa subject na english kaya hopefully ma-convince namin ang prof namin na mapatos ang proposal...

Sa accounting, nag quiz kami wala pang prelim. But this Monday, part 1 na ng exam namin sa accounting at part 2 sa next year. I am pretty sure na mahirap yun! Pero nakakatuwa nung nag quiz kami...nakasagot din ng tama! wehehehe....

This coming Tuesday, Wow! pasaway ang prof namin! Isang subject lang ang pasok ko para lang kumuha ng test. Lokong history yan...ang ganda ng sched sana namin na wala na kaming pasok sa tuesday dahil halos lahat ng subject namin for TH may prelim na tapos umabsent! Pero sige..ok lang! dagdag baon na rin...pero mas gusto ko bakasyon na! wehehe...

------------------------------------------------------------------

Nagpunta ako ng sm kanina..kasama ko ang ate ko...hmm..wala lang...nag-aliw-aliw hanggang sa maisipang dumaan sa bilihan ng mga original cd,vcd,dvd, o tape man yan. Di ko na babanggitin dahil wala naman silang binayad sa akin for advertisement sa branch nila!Basta yun na yun! wehehehe*peace* pero salamat na rin dahil dun ako madalas bumili ng cd!

Nung pumunta kami sa bilihan na yun...hindi ako nakabili dun sa kanila dahil wala pa raw sa kanila. Nakakapagtaka kasi bakit wala pa e matagal na rin na out yun. Since wala nga raw, wala akong magagawa! edi lipat sa ibang store....

Nabili ko ang Soapdish reloaded sa halagang P250.00. Nung hinanap ko at makita ang cd na yun..medyo nag-alinlangan ako kung bibilhin ko nga ba o hindi dahil ito ang nilalalman nya...

12 tracks from the 1st album "soapdish"

1.tensionado
2.ewan ko
3.sandali
4.Sana sinabi
5.would you
6.pain redefine
7.nana song
8.dahil sa ulan
9.aimee
10.higher
11.pwede ba
12.hintay

Plus...(ito na ang dagdag sa album...)
music AVCD
1. Music Video
=tensionado
=ewan ko
=pwede ba

2. Radio version
=pwede ba
=sana sinabi

3. Ito lang ang bago....
=nandito lang ako (theme song ng posh q-tv)

So nag repacked lang sila for this one song....

Medyo na disappoint ako nung una kasi ang ine-expect kong ilalagay dun yung nasa EP nila...yung tipong mga kanta nila na hindi lang nalagay sa album...

Ine-expect ko idaragdag dun yung kanta nilang

-I need You
-Even
-at ang malupit at astiging lyrics....'Til the morning comes... (yung chorus ng lyrics ng kantang ito ay nasa footnotes ng blog na ito)

Pero dahil sa yung nakita ko...halos inulit na kanta ng first album nila...hmmm...no comment! Sa bagay...balak ko naman din kasing mag-download ng veideo nila pero wala akong chance pero ngayong meron na ako...ok na rin...

Love ko naman ang bandang 'to kaya sige....Ok lang...Makikita ko araw-araw si Papa Jeff! wehehehe....

isa na talaga akong

DISHER!

------------------------------------------------------------

Nakita ko ang Album ng Hale...2nd album entitled "twilight"

Hindi ako bumili....saka na...this christmas na lang siguro pagbili ko ng mga regalo sa pamilya at kaibigan ko. Dun ko na lang isasabay. Sa ngayon....Soapdish muna dahil na curious lang talaga ako sa repackaged nila.

Di bale hindi naman kabigo-bigo ang album nilang yun dahil although halos inulit lang talga ang kanta...in fairness maganda ang theme song ng posh! Ok lang....masaya...

Teka ang problema nga lang sa album...kahit 2 cd ang nandoon wala man lamang lyrics ng "andito lang ako". Sayang....


----------------------------------------------------------

Marami pa akong gustong bilhin na cd kaya lang ...try ko munang i-search yung mga bands na yun kagaya ng ginagawa ng kabigan ko. Pero syempre hindi na mawawala sa listahan ko ang Hale, orange and lemons na repackage at ano pa...nalimutan ko na....dinadaldal kasi ako ng ate ko eh...hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip nya kung bakit sa twinf magko-computer ako lagi akong dinadaldal....

Nak ng yan! nawawala ako sa dapat kong isulat dito eh....kaya ako natatagalan!


Sige hanggang dito na lang muna siguro.....Kailangan ko pang mag-review for marketing, and accounting. Hehehe...mga "ting" kong subject...

Hanggang sasusunod na post na lang uli! babush....



=mimi=



P.S
Hopia, Mani, Popcorn balak ko rin bumili....andon ang ssoapdish eh....sabi ko naman sa inyo love ko soapdish eh....:P


:)



0 Comments:

Post a Comment

<< Home