My Bottle of Wine...
Actually kagabi ko pa dapat pinost 'to kaya nga lang na-bad trip ako. Pinatay na rin ang computer at hindi ako nabigyan ng chance para makagamit kaya yun..ngayon ko lang na-post 'to..
------------------------------------------------------------------
Nagsimula ang lahat sa red wine....
Actually napakababaw nito para ma-bad trip ako pero i-kukuwento ko na rin...(dagdag post!)
-----------------------------------------------------------------
After kong makipag-usap sa kaibigan ko sa phone medyo hindi na maganda ang mood ko dahil inaalala ko ang kapatid kong kanina pa naghihintay sa kin sa phone. Pinagbigyan ko na kasi nakukunsensya ako. Ika nga sabi ng kaibigan kong kausap ko sa phone..
"parang...give chance to other!"
Kahit na sabihin nating gusto ko pang makipag-usap, wala akong magagawa kundi pagbigyan na nga ang iba kasi alam ko nabigyan naman na rin ng chance ako para makausap ang kaibigan ko. Isa pa, hindi na rin ako makapag-focus sa pakikipag-usap dahil kinukunsyensya na ako...Parang hindi na tama ang gawain ko...amm..parang ganun...isa pa...mahirap ang mahalata ng iba....yun yon!
---------------------------------------------------------------
Matpos akong makipag-usap sa phone, nakita ko ang ate ko at ang kapatid kong umiinom ng red wine...di ko alam kung ano ang drama pero dahil sa nainggit ako sa kanila, naisip kong parang gusto ko na ring uminom.
Ubos na ang red wine nung makita ko sa mesa, pero sa punong baso ng ate ko...syempre hindi pa ubos kaya don ko na lang naisipan humingi. Pagkatapos kong maghugas ng baso for the wine, anak ng yan! yung ate ko..inubusan na ako! That time...sige ok lang...pwede pa namang manghingi sa kapatid ko...but then, pinigilan ako!
She stopped me because of the reason na baka atakihin ako ng sakit ko. I know na because of that red wine na yan dun na detect na may sakit ako pero once kasi na may perception ako sa sarili ko na once na uminom ako uli na buo ang loob ko na gagaling na ako, its somehow could be a magic pero totoo, minsan nangyayari. But then dahil sa pinigilan nya ako, I refused na sa offer ng kapatid ko na hati kami. Medyo na-bad trip ako kasi ayokong isipin na may sakit ako. Bad Trip kasi hindi ko nakuha ang gusto ko. Hindi ako nabigyan ng chance na makuha ang gusto ko.
Alam ko medyo parang bata ako pero i know how to act...hindi naman ako nagmistulang parang bata sa tingin nila na pa tampo tampo effect pero alam kong alam nila na na-bad trip ako.
Alam kong concern sila sa kalusugan ko...Then salamat sa concern na yun. Pero sa tingin ko naman...mas kilala ko ang sarili ko. MAs alam ko ang takbo ng katawan ko!
----------------------------------------------------------------------
Nung time na yun...I felt that everything is unfair to me. (putcha english ah...tama ba yan!) Nakakainis kasi...inisip ko, simula pa lang nung sa phone, i gave a chance to other. Giving them a chance by giving what they want. Giving what they want even without considering my own "wants". But then sa huling huli nung ako naman mangailangan, biglang....A BIG NO NO! ano yun?! bat ganun??
Actually just as simple as that, simple wants but then hindi nila naibigay....di bale..ok lang...its for my health naman...
Kainis ang sakit na'to! sana nawala na lang 'to!
----------------------------------------------------------------------
HIndi pa natapos ang pagkabad trip ko kagabi... Yung hinihintay kong kapatid o ate uli sa computer...anak ng yan! hindi ako pinagbigyan..
hmp! kahit ba sabihin nating importante o hindi importante ang gagawin ko sa computer...wala na sya dun... dahil ako namn ang gagamit. Ang problema matapos kong magsalita ng maayos kahit hindi na maayos ang sinapit ko sa kapatid kong isa kaninah hindi pa rin ako pinagbigyan...
Hay nako...gagamitin nya raw ang phone para kausapin ang bf nya!
HIndi naman sya pwedeng tumawag sa babang phone dahil gamit na yun ng kapatid ko. Wala akong magawa..tahimik na lang ako. Bumababa uli para lumanghap ng hangin dahil kinakapos na ako ng hininga sa pagpigil ng galit-inis! Pag-akyat ko uli...nakita ko na lang...patay na ang kompyuter. Naka-shut down na...
NAkakainis! Ni hindi man lamang ako tinawag para itanong kung gagamit pa ba ako o hindi ng kompyuter.....basta she shut it down, that's all!
---------------------------------------------------------------------
Napakababaw pero naiinis ako dahil kung tutuusin halos lahat naman sila binibigyan ko ng chance sa kung anumang gusto nilang gawin kahit na medyo nasasagasaan na nila ang gusto ko. Sige lang ako...ganun naman kasi ako...wala akon minsan pakialam sa kung anong gusto ko kung alam kong gusto na nila...( ang alin?hehehe) kaya lang kasi...parang pag once ako na ang nangailangan, gusto kong gawin ang gusto ko na medyo parang masasagasaan ang gusto nila...hindi nila ako binibigyan ng chance! bat ganun?!
Alam kong iba't iba ang isip ng tao...at kahit kailan hindi magiging utak nila ang utak ko pero bakit hindi nila naiisip na kahit papaano sila naman ang mag give...NA hindi sa lahat ng pagkakataon hindi pwedeng sila na lang lagi tanggap ng tanggap at kuha ng kuha ng gusto nila samantalang may taong nagsa-sacrifice nito para sa kanila.
Hindi naman sa nanghihingi ako pero i only want them to realize and somehow think na my gusto rin naman ako...ang lagay ba nito ako na lang lagi ang magbigay??
--------------------------------------------------------------------
Kita mo...from phone, to red wine and through computer, nakapag-isip ako ng hindi maganda...
Naisip ko tuloy ang sabi ng kabigan ko...
"masakit sa pakiramdam ang hindi mo nakuha ang gusto mo!"
At simple word "masakit", totoo ang sinasabi. At simple action na hindi mo magawa...ang sakit sa pakiramdam.
Ang akin lang sana kahit papaano naisip man lang nila ang nararamdaman ko. Katulad ng ginagawa ko sa case ng kaibigan ko.
Alam ko na kahit na natuturuian lang kami ng accounting sa phone, malaking bagay na rin yun sa kanya dahil nakausap nya ang gusto nyang makausap. Pero dahil nga sa iniintindi ko rin ang feelings ng kapatid, i have to sacrifice one thing. Yun ang pakikipag-usap sa kanya. Even though gusto ko pang makipag-usap but then alam kong may isa pang nagsasakripisyo, i have to sacrifice na lang my own happiness...(parang exaggerated ata ah) Tutal i gave a chance naman sa friend ko na makausap nya ako. Ok na yun.
Hindi naman sa pagka-career ng course ko, pero as a future accountant, nakikita kong i ttry to make things in balance. Pero sa pagbabalance ng para sa sarili ko..kulang na kulang ako....Ewan ko ba... ganito lang talaga siguro ang personality ko. MAsyadong mahina sa pamilya. I'm just a follower..that's all!
--------------------------------------------------------
I refuse to tell my feelings kaya naisipan kong gumawa ng blog. At least dito sa blog nasasabi ko kung ano ang gusto ko. Hindi nila malalaman kung gaano ka-demonyo ang isip ko o ang iniisip ko. Hindi nila nalalaman kung gaano ako ka-drama sa buhay. Hindi nila malalaman kung gaano ako kahina. Hindi na rin nila malalaman kung paano na ako nasasaktan.
Kaya siguro minsan nagaalinlangan akong ipakita o sabihin ang nararamdaman ko dahil parang kinulong ko ang sarili ko na para mapagbigyan ang lahat ng bagay na walang nangyayaring hindi maganda o awayan, ako na alang ang maggi-give up kahit na hindi na pabor sakin minsan ang sitwasyon.
Minsan pag sinubukan kong gawin kung ano ang gusto ko, lumalabas pa ngayon na masyado akong malupit na tao. Na hindi marunong magpahalaga ng damdamin ng iba. Hindi marunong magbigay. Makasarili. Iniisip lang ang sarili.
Ang lagay ba lagi sila na lang???
ewan ko....
Hahayaan ko na alng sila...
Kung ganoon siguro...ganun talaga!
wala na akong magagawa....
Masaya sila edi magpakasaya na sila!
Ayaw nilang gawin o ibigay sa kin kung anong gusto ko, ayaw nila akong pagbigyan ...sige ok lang!
para naman kasi sa ikabubuti ko eh.....
ikabubuti ko nga ba???
ewan ko....
Ayoko na....
=mimi=
p.s
ang babaw ko...para akong gago! pero ito ang narramdamn ko...may kokontra pa ba dito....alam ko iba...valid ang reason pero....may iba kasi na parang nakikita kong hindi na tama which i think sobra na rin. Siguro ako lang ang nag-iisip nito...BAliw kasi ako...hmp! ang gago ko kasi...hindi marunong magreklamo...gusto laging may pinagbibigyan......hay nako...tama na nga muna.... baka sumobra na ang haba tamarin ka pa magbasa ng non-sense na post.
Ano kaya ang naging resulta sa interview ng kaibigan ko??
0 Comments:
Post a Comment
<< Home