Daanan ng dinaanan ng buhay ko...
Inatake na naman ako ng sakit ko ngayon. Sakit sa pag-iisip ang tinutukoy ko. Nag-isip na naman ako ng mga bagay na talaga nga namang magpapagulo na naman sa isip ko. Ang mga bagay na ito ay sadyang hindi naman talaga dapat isip-isipin pa. Pero ganito talaga ako! Kahit gaano kababaw...napapalalim ng utak ko...kahit gaano ka-simple basta't gustuhin ng utak kong gawing komplikado, mangyayari iyon. Lahat ng maisip ko..wala akong pakialam sa anong iisipin sa akin ng tao. Basta't may nag-iisip ako, yun ang gagawin ko...saka na sila pag medyo natauhan na ako... Kailangan ko munang alamin kung anong problema ko. Kung bakit ako nag-iisip ng ganito? kung bakit sila ay hindi? kung bakit ang lahat ay may dahilan? kung bakit lahat ay may katanungan?
Maraming gustong malaman ang isip ko. Pero hindi ko alam kung ano! ano pa ba yun? ano pa ba ang dapat kong hanapin? ano pa ba ang kulang? Kuntento na nga ba talaga ako?? Ano pa ba ang dapat kong malaman??
Maraming gustong malaman ang isip ko. Pero hindi ko alam kung ano! ano pa ba yun? ano pa ba ang dapat kong hanapin? ano pa ba ang kulang? Kuntento na nga ba talaga ako?? Ano pa ba ang dapat kong malaman??
"The unexamined life is not worth living"
"A person who knows is a person who knows what he does not know"
~o~
Ginabi na ako sa pag-uwi kanina sa kadahilanang..wala lang! Gusto ko lang manatili sa eskwelahan. Siguro...para wala na ring istorbo sa paggawa ko ng mga assignment. Makakapag-focus ako. Nanatili ako sa library, kasama ang dalawa ko pang kaibigan. Matapos ang maikling oras sa pagpapa-photo copy at konting pagre-research sa mga pagkukunang sagot sa assignment, nauwi rin sa kwentuhan ang drama namin.
Nagkaayaan ng umuwi, mga pasado alas-kwatro na rin yun. Naubos ang oras namin sa kwentuhan, ano na nga ba ang aming pinatunguhan dun??
Nagkita kami ng iba ko pang kaibigan. Inaaya kaming manood ng promotion ng panoxyl sa school. Dahil sa balitang darating ang artistang si Dennis Trillo, dinumog ng mga estudyante ang "dalupan hall". Tumanggi ko sa paanyaya. Sa isip ko.."pakialam ko sa artista na yan!" pero sa panlabas, sinagot ko lang sya ng ngiti at mukhang hindi alam na may magaganap na ganoon. Sinagot ko na lang sya na "uuwi na ako! mauna na lang ako..ayokong manood dahil gagabihin na ako"
tuloy tuloy ang lakad ko hanggang sa sakayan ng dyip sa Morayta na kadalasan ko sinasakyan papuntang blumentrit.
~o~
Habang nasa dyip, may konting pagkainis sa isip ko...
"kaya nga ba ayaw kong mgpahapon ng dahil ganito kabagal ang daloy ng trapiko dito!"
hmp! Sino nga ba may dahilan kung bakit ako umuwi ng ganoong kahapon?
~o~
Hindi kalayuan sa babaan ng Forest Hill, naisip kong maglakad na lang hanggang sa'min. Ang dahilan...wala lang! Gusto ko lang mag-isip ng malalim...malalim ng kahit na sino man ay hindi kayang sisirin.
Habang naglalakad ako naisip kong h'wag na lang ituloy...biglang nagbago ang isip ko. Pero ayokong umuwi ng bahay na ganito pa kagulo at hindi pa nakukuntento ang isip ko! Habang nasa tapat na ako ng botika ng forest hill, patuloy pa rin ang isip ko sa paggawa ng desisyon. Gayundin ang mga paa ko na patuloy sa paglalakad na hindi alintana nito kung gaano kahaba ang babalakin nitong lakarin.
Habang naglalakad na nag-iisip, napatingin ako sa langit.
"ang ganda naman ng langit! Bagamat madilim na..ang ganda pa lang pagmasdan ang natitira pang liwanag na kulayorange na ulap. Hmp! ginabi na naman ako! Lagot ako, tapos maglalakad pa ako. Pero ayokong sumakay! Pero tyak nyan magagalit sa'kin samama pag nalaman nyang naglakad lang ako pauwi."
Hindi sa wala akong pera kung bakit ayaw kong sumakay. Ako ang tipo ng taong hindi nawawalan ng ipon, kuripot ako eh! Bagamat ako na ang tumaya ng baon ko kanina pati ang baon ng kapatid kong nag-aaral din sa maynila, hindi alam ng mga magulang ko na may extra pa akong pera kung bakasakaling mangailangan ako. Tanging naisip kong dahilan kung bakasakaling magtanong...
"Naubusan ako ng pera eh..kaya naglakad na lang ako"
Kahit ang totoo nyan, dala lang ng kabaliwan ko kung bakit ako naglakad pauwi.
~o~
Habang naglalakad at pinagmamasdan ang bawat madaanan, biglang bumalik sa aking isipan ang independent film na pinanood ko kagabi sa "shorts". BISIKLETA.
"Sa bawat daanan na ating dinadaan, hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin...Ngunit gayun pa man ang lahat ng ito ay may dahilan. At sa bawat daanan na walang kasiguraduhan, asahan mong ang lahat ng daanang ito, bagamat hindi mo makita pa ang dulo, ang daanan na iyon ay tiyak na may patutunguhan."
Parang ganyan ang diwa ng mensahe nya pero sa binasa mo kanina ako ang gumawa nyan. In my own words, sentences or paragraph, Naisip ko ang bagay na iyan!
Ano nga bang naghihintay sa akin sa paglakad ko sa daanang ito pauwi sa amin? Maaring kapahamakan, maaaring wala lang, maaari rin namang naghanap lang ako ng pagod at pangingimay ng paa, kalyo, alikabok, sakit o kung anupaman. Pero walang makakapagsabi kung ano talga ang tunay na patutunguhan. Ipapag sa Diyos ko na lang ang lahat..
~o~
Daanan...
Ang daanan ay maaring maihalintulad sa buhay ng tao. Sa paglakad mo sa daanang napili mo, ikaw na rin mismo ang gumagawa sa buhay mo. Nagdedesisyon ka kung saan ka tutungo at sa bawat daanang iyon kahaharapin mo ang bawat pagsubok na naghihintay sa'yo.
Sa paglakad ko kanina, bagamat alam kong madilim at sadyang delikado ang maglakad mag-isa sa daan, tumuloy pa rin ako. Desisyon ko yon! Alam kong hindi ko alam kung anong kapalaran ang naghihintay sa akin pero...ako ang gumagawa ng mismo kong daanan sa buhay kaya desisyon ko ang syang masusunod. Alam kong maaring kapahamakan ang naghihintay sa akin pero ipapagsa diyos ko na ang lahat. Handa kong tanggapin kung ano pa man ang naghihintay sa akin.
~o~
Daanang pababa, ito siguro ang napakasayang daanan sa lahat. Hindi ka mapapgod at wala kang kahirap-hirap. Tuloy tuloy ang lakad mo pababa. Walang humaharang sa'yo, wala kang nararadaman bigat sa katawan, sumusunod ka lang sa daloy ng daanan. Wala kang problema kung ito ang madaanan mo.
Daanang diretso, pangalawang daanang nilakad ko. Ayos naman. Hindi ka mahihirapan dahil balanse kayo! Makakaramdam ka ng konting pananakit sa paa pero ayos lang dahil kontrolado mo pa ang daloy ng daanan. Kaya pa yan kung tutuusin.
Daanang pataas, pangatlo sa daanang nilakad ko. Kung sa pangalawa ay medyo nakakaramdam na ako ng sakit sa paa, dito mararamdaman mo ang hirap sa paglakad dahil sa paakyat. Nararamdaman mong parang hinihila ka na pababa ng mga paa mo. Mararamdaman mong masakit na sa paa ang paglakd na nakakapagod na pero pipilitin mo pa ring makaakyat sa daanang iyon, malagpasan at makauwi lang sa bahay mo!
Daanang diretso uli, pang-apat, medyo pagod na ako, pinagpawisan dahil sa pakyat ng daanang iyon pero at last, natapos ko ang paghihirap na iyon. Ngayong diretsong daanan na uli ang nilalakaran ko, balik na uli sa dati ang ginhawang nadarama ko.
Daanang pababa uli, pauwi na ako. Malapit na sa bahay ko. Matapos ang pagkahaba-habang daanan na nilakad ko, andito na ako uli na muli ng makakauwi ng wala ng kahirap-hirap dahil natapos ko na ang daanan.
Nakauwi na ako at nagpahinga...
~o~
Naging masaya ang paglalakad ko dahil my natutunan na naman ako. Gustong-gusto ko talaga maglakad habang nag-iisip dahil sa bawat nakikita mo at namamasdan mo, lahat pala yon ay mauugnay sa buhay mo. Katulad na lamang ng isang daanang dinadaanan ko pauwi.
Para sa mga abalang tao, hindi nila alam kung anong nakatagong dahilan kung bakit may "daanan". Bagamat alam natin daanan, simpleng daanan lang ito at minsan naiinis pa tayo dahil sa kung anong sumasagabal sa atin habang naglalakad tayo, hindi natin napapansin na may iba pa itong pakahulugan sa isang tao.
Katulad ng mga daanang binanggit ko sa itaas, isa itong representasyon ng isang buhay ng tao kung paano nya tinatahak ang sarili nyang buhay. Kung paano sya gumawa ng desisyon? kung paanong nya nilakd at pinanindigan ang daanang iyon? Kung bakit may sobrang dali, tama lang, mahirap na daanan? Kung bakit sa kabila ng paghihirap ay bumabalik uli sa tama lang ang lahat? Pagkatapos ng lahat ng paghihirap na iyon, ang huling huling daanan na dinaanan mo ay daanang madali uli kaya nakauwi ka ng matiwasay? Lahat iyon kaparehas ng pagtahak mo sa buhay mo ngayon.
Bakit hindi ka sumuko sa mahirap na pagsubok na iyon sa buhay mo?
Bakit patuloy ka pa rin naglalakad sa hindi malamang kadahilanan?
Lahat ng iyan..papasok sa isip mo at hindi maglalaon mahahanapan mo ng sagot.
~o~
Daanan...masyado talagang mamisteryo ang buhay. Ultimo simpleng daanan nabigyan ko pa ng puna. Gayun pa man, ganoon man kasimple ang bagay na iyon, lahat ay may malalim na pakahulugan..
Hindi man natin alam kung ano ang naghinhintay sa buhay natin...tuloy pa rin tayo sa paglakad sa buhay. Patuloy pa natin malalaman kung ano pa ang misteryong nababalot sa buhay natin bagamat hindi man natin alam ang dahilan kung bakit may ganoong kaugnayan, Ang dahilan kung bakit may katungan, at ang dahilan kung bakit may dahilan pa sa bawat dahilan ng mga buhay at bagay dito sa lupa.
~o~
Sa ngayon, ito ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung magulo ang paliwanag ko.Maaring hindi mo maintindihan ang pinagsasasabi ko pero nasisiguro kong naranasan mo na ang ganitong daanan sa buhay mo.
Alam mo ba ang daan ng buhay mo?
Ang gusto ko lang ay mayroon ding makapansin nito..Malaman na ang buhay ay sadyang mamisteryo. Bakit kaya ang lahat ng ito ay may dahilan sa mundo?
"dumidilim ang paligid,
may tumatawag sa pangalan ko.
Labing isang palapag tinanong kung ok lang ako.
Sabay abot ng baso.
May naghihintay
at bakit ba pag nagsawa na ako
bigla na lang ayoko na
at ngayon di pa rin alam
kung bakit tayo nandito.
Pwede ba itigil mo na ang pag-ikot ng mundo"
"ewan mo at ewan natin kung sino ang may pakana?"
-spolarium of eraserheads
=mimi=
0 Comments:
Post a Comment
<< Home