--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Friday, October 20, 2006

humanities final


Actually tapos na ang pangyayaring ito pero gusto ko lang i-kwento dito dahiul napanaginipan ko ang babaeng yon kanina kaya..sige...

Humanities-Finals katulad ng nakikita mong title sa taas.

Nag-take kami ng final exam sa humanities nitong tuesday lang, Oct 16 kung hindi ako nagkakamali. Kainis nga dahil kung saan 'tong finals na hindi ko pinagtutuunan ang pagre-review. Actually, ok lang sana na kahit h'wag ng mag-review kung na discuss naman namin yun o nagkaroon kami ng proper discussion tungkol sa topic na yun, kaya nga lang...wala. As in wala kaya wala rin akong idea about sa topic o chapter na iyon.

Ang coverage ng exam ito:

Dance
Theatre
Cinema

May kanya-kanyang chapter yan sa libro. Napakahaba ng theatre kaya talagang naghabol ako. Yung cinema natapos ko ang buong chapter sa kalahating oras ng pagbabyahe. Nova-blumen pero hindi pa ako nakakaabot ng blumentriit tapos ko na ang cinema. Ganoon talaga siguro pag naghahabol ka. Yung Dance hindi ko gaano pinagtuunan ng pansin dahil na lesson sa amin yan ng maayos kaya stock knowledge na lang yun.

Sinisisi o sinesermunan ko pa nga ang sarili ko dahil tinulugan ko lang ang subject na humanities sa pagre-review. Inisip ko kasi na magre-review na lang ako ng madaling araw pero...as if naman na kaya kong gumising ng 3:30 ng umaga. Alas singko na nga lang hirap pa ako 3 pa kaya?

~o~
Yun na. Nasa school na ako. Swerte ko dahil late lagi pumapasok ang prof kong taga UP. Ramdam na ramdam ko ang pressure ng pagre-review sa loob ng room kaya sa labas ako nag-review. Ok naman. Natapos ko ang pagre-review ng pahapyaw. Basta magkaroon lang ako ng idea about sa isang term. ok na yun. Kaya nung dumating ang prof ko at magbibigay na ng exam, edi pa-cool lang ako na aakalain mong marami akong alam. Kahit na hindi at nalilimut-limutan ko na ang iba kong na-review dahil sa dami.

Yung kaklase ko na isa..hmmm...tawagin na lang natin sya sa pangalang "mata" kasi hindi nalalayo ang pangalan nya sa isa sa mga parte ng mata.

Nung magsisinula na ang exam, nagulat ako nung sinabi nyang..."mi, pakopya!"

Actually, hindi sa madamot ako pero...kaya nga pinili ko ang upuan sa dulo at pinakagilid dahil ayokong magpakopya. Pero kung kapit sa patalim na talaga ang sitwasyon nya...pasimple kong io-open ang papel ko at bahala na lang sya kumopya. Basta kung may makita syang sagot mula sa akin, bahala na syang isulat pero kung wala, edi wala.

Ganoon lagi ang thinking ko. Kaya lang sa ginawa nya nung habang nagsasagot ako. Aba nairita ako! Dahil sa pagkairita ko nawalan tuloy ako ng awa.

Tulad ng sinabi ko kanina sa taas, kung may makikita ka sa pappel ko, bahala ka ng kumopya pero huwag ang bulgarang talagang kinuha mo pa ang papel ko. I mean mismong kamay mo pa ang nag-open ng papel ko. Anak ng yan paano kung mahuli kami, edi lagot na ako! finals pa man din yun!

Inisip ko tuloy, kung ako kanina,halos naghabol-haboil sa pagre-review magkaroon lang ng idea bakit sya hindi nagawa yon?

Lalo akong nawalan ng awa nung maalala ko na nakita ko lang syang nakikipagdaldalan kanina at hindi nagre-review tapos inaasa nya lang ang magiging sagot nya sa iba. Bakit ba may mga taong ganun?

Ayaw maghirap, gusto puro na lang pasarap!

~o~

Hindi sa naging malupit ako nung mga oras na yon pero gusto ko lang ipaintindi sa kanya ang lesson na dapat nyang matutunan.

Actually hindi ko alam kung saan at paano nagkaroon ng salitang "bawal ang mangopya" pero sa nakikita ko bawal kaya naging bawal yon dahil sa pandarayang ginagawa mo hindi lang sa ibang tao kundi sa sarili mo!

Ang pangit kasi isipin na kaya ka lang pumasa ay dahil sa utak at effort lamang ng iba. (hindi kasama ang effort mo sa paghagilap ng sagot dahil hindi mo rin matatawag na effort yun. Effort sa pag-aaral ang tinutukoy ko)

Para kasi sa akin, hindi mo matatawag na deserving ka sa grades na yun kung wala ka man lamang bakas ng paghihirap doon. Yung masasabi mo na ikaw talaga ang gumawa.

Ok lang sana sa akin ang magpakopya kung alam kong nag-aral ka tapos nakalimutan mo lang kaya hindi mo masagot. Ang masakit at nakakairita eh halos lahat na ng sagot ko eh gusto nyang kopyahin! Ano yon?? Hindi naman sya naghirap eh...kung kokonsintihin ko yon magiging pasarap lang sya at hindi matututo. Sayang ang pera naginagastos ng magulang nya kung wala naman pala talaga syang natutuanan sa araw-araw na pinasok nya sa eskwelahan.

Alam kong medyo may kalupitan ang ginawa ko pero ginawa ko lang ang sa nakikita kong tama. Ayoko lang din na dahil sa ka-irresponsible nya sa pag-aaral madamay ako. Kaya hindi ko na sya pinakopya kahit na tawag pa sya ng tawag sa pangalan ko.

~O~

Agad kong pinasa ang papel ko pagkatapos na pagkatapos kong masagutan ang exam. May ibang items na wala akong sagot. Hinayaan ko na lang. Wala akong ideya eh. Wala na ring mapipiga sa utak ko dahil hindi ko talaga alam. Ayokong kumuha ng sagot sa iba dahil pag naging mataas ang nakuha ko sa exam, hindi ako deserving sa grades na 'yon. Yun ang iniisip ko.

Sabi ng kaibigan ko nung kinuwento ko yun sa kanya nakita nya nga raw na walang sagot si "mata" maraming blangko. Medyo nakunsyensya ako kaya lang kung hindi ko gagawin yun, hindi sya matututo. Hindi nya mare-realize na masama o hindi maganda ang umasa sa iba.

Alam kong medyo naging malupit ako pero yun ang desisyon ko sa sarili ko para sa kanya.

~o~

Hindi naman masama o magbigay ng sagot dahil desisyon mo yun. Ang akin lang sa mga taong kagaya ni "mata" matuto silang tumayo sa sariling paa. Hindi lahat ng tao pwedeng sandalan. Malas nya ako pa ang natipuhan nyang pagkopyahan. Ako pa naman ang klase ng taong iniisip muna kung dapat o hindi dapat gawin bago gumawa ng desisyon. Kaya yan...nakawawa tuloy sya sa akin.

I feel sorry for her pero gusto ko lang na marealize nya na what she did is wrong. I hope natuto sya sa ginawa ko.

~o~

Malupit na kung malupit ako sa paningin ng iba pero gagawin ko lang ang sa tingin ko ay tama!

Sa tingin mo, tama lang ba ang ginawa ko?

o masyado akong naging malupit?



=mimi=

0 Comments:

Post a Comment

<< Home