Kain na raw sabi ng mama mo!-manang
Friday na naman na bukas! Ang bilis talaga ng araw lumipas! Parang kailan lang....umalis ang daddy ko papuntang antipolo nung Lunes para sa seminar nya pero ngayon, bukas, friday na naman uli. Sana mas lalo pang bumilis ang araw dahil gusto ko ng mag October. Gusto ko ng matapos ang hindi magandang 1st semester na ito. Gusto ko nang magkaroon ng departmental exam para matapos na lahat ng pag-aalala ko sa accounting. Para na kasi akong baliw kakaisip dun...sa araw-araw na lang na dumarating sa buhay ko. Pilit ko mang h'wa isipin pero hindi pa rin eh...Papasok at papasok sa utak mo ang lahat ng nangyayari sa iyo tungkol dun.
~O~
Araw-araw akong umuuwi ng hapon. Sa halip na mag-stay upang ipahinga ang napapagod mong utak sa mga lesson sa school, andun ako sa library ng school at nagbabasa pa uli ng libro. Pambihirang buhay 'to! Hindi ko ugali ang mag spend ng too much time na halos wala na akong pahinga dhil lang sa pag-aaral. Ngayon ko lang ito naranasan!
Sabi nga ng mama at ate ko namamayat na raw ako. Ang dating malusog kong mukha kakikitaan na ng buto. Actually magandang balita sana yun dahil gusto ko talagang magpapayat pero hindi sa ganitong paraan. Gusto kong magpapayat in the way na masaya ang buhay ko at talagang nagpapayat ako for pleasure. Itong nangyayari sa akin ngayon, anak ng yan! namamayat ka na nga, pagod na pagod pa isip mo at hindi ka pa natutuwa sa nangyayari sa'yo ngayon!
~o~
"Ang lahat ng problema ay may solusyon at ang problemang walang solusyon ay h'wag mong problemahin!"
Tuwang tuwa ako sa quotes na yan. Hindi ko kilala kung kanino galing pero malamang sa katextmate ng kapatid ko.Nakakatuwa kasi...Oo nga naman lahat ng problema may kalakip na solusyon at kung wala kang mahanap na soulusyon ba't kailangan mo problemahin ang problemang walang solusyon?!
Nung mabasa ko yan...hehehe...tinamaan ako dun! Parang binigyan ako ng advice! Kasi sa problema ko about sa course ko may solusyon naman talaga para hindi ko problemahin. Pwde kong h'wag isipin o pansinin ang nangyayari sa aking kapalpakan sa accounting. Sabihin nating makiisa ako sa mga kakalase kong pinababayaan na lang na maging bagsak sila dun. Tapos ang problema ko! Hindi na ako mahihirapan panigurado yun kaya lang..kita-kits na lang uli sa gaanoong subject!
Kung gusto ko pa rin pahirapan ang sarili ko, may solusyon nga talaga....ituloy ko lang ang laban ko sa subject na ito. Gawin ko lang lahat ng makakaya ko dahil malay natin bandang huli nakuha ko na ang sagot o solusyon sa problema ko..edi ayos!
~o~
Wala na akong matinong post dito kundi puro sa accounting. Di bale next time matapos lang talaga itong delubyo ko sa subject na ito puro magaganda nang topic ang ipo-post ko. Sa ngayon tinatawag na ako para kumain kaya saka na lang uli ito!
Gutom na ako!
=mimi=
0 Comments:
Post a Comment
<< Home