Deal or no deal?
"Bigla akong nawiwindang....wala namang tinatamasa......
Ayoko nang ulitin, ayoko ng isipin, ayoko ng gumising sa aking panaginip, panaginip!"
-"panaginip"mayonaise
~~O~~
Pumasok lang ang kantang iyan sa isip ko habang matagal na akong nakatitig dito sa computer. Iniisip ko kasi ang nangyari kanina sa school. Actually hindi maganda ang nangyari sa akin kaya patuloy ako sa pag-iisp nun. Sa totoo lang nahaharap ako ngayon sa napakalaking problema. hindi ko alam kung maipapagpatuloy ko pa itong course ko for the next semester o hindi na! Nakakalungkot isipin at napakasakit sa akin ang nangyayri sa akin ngayon. Hindi ko maipaliwanag pero gusto kong magsalita at sabihin iyon. Pero gustuhin ko man hindi ko magawa sa harap ng magulang ko. pakiramdam ko iiyak ako sa harapan nilang dalawa kapag nangyaring hindi na ako pwedeng magpatuloy sa course kong accounting.
Katulad ng sabi ng kanta..."bigla akong nawiwindang...wala namang tinatamasa!" ganoon ang nangyayari sa akin ngayon. Para na akong nawiwindang sa kaiisip ko paano ko pa maipapasa ang accounting. sa kakaisip ko ng ganoon, kahit na anong gawin ko pa, wala namang akong tinatamasa na maganda! Ano ba naman yun?! Bakit ganoon?! Kung isang panaginip lang ito....sana may manggising na sa'kin dahil hindi ko na matatagalan pa!sobra na!
pero...wala akong magagawa. Totoong buhay na ito hindi panaginip eh. Hindi ako kailangang gisingin dahil dilat na ang mga mata ko at gising na gising pa...
~o~
Naalala ko ang kaibigan ko. Naalala ko ang e-mail nya sa'kin noon na hanggang ngayon ay hindi ko pa narereplyan. Hindi ko mareplyan ang e-mail na yun hindi dahil sa kadahilanang wala akong time kundi dahil sa tanong nyang "what is love?" totoo yun! hindi ako nagjo-joke para maiba lang ang mood ng post na ito. Kung tutuusin sa mga taong inspirado at nakakatamasa ng ganyang kataga, madali lang masasagot yan. Parang sumasagot ng sila ng slum book o autograph na hindi na kailanganng pag-isipan pa masyado dahil marami ka ng pagpipiliang mga sagot sa utak mo na ng galing sa utak ng iba na nanggaling naman sa iba pa na ewan ko na kung saan pa ang pinakaunang pinagmulan. Saka ko na lang bibigyan pa ng reaksyon ang tungkol dyan dahil hindi naman ang topic na yan ang dahilan ng post ko ngayon. Hindi ko binggit ang kaibigan ko para s ganyang topic kundi para sa topic ng course ko!
Ba't nga ba ako napunta sa ganoon?!
Ulit..Naalala ko ang kaibigan ko dahil sa parehas kami ng problema- sa kurso na kinukuha namin pero iba kami ng dahilan tungkol sa problema na ito. Ang pagkakaiba namin: sya ayaw nya o sabihin na nating napipilitan sa ganoong kurso..(di nya siguro feel...ganoon ang pagkakaintindi ko..ewan ko lang) at ako naman gusto ko ang kurso ko.
~o~
Ayokong isipin na hindi para sa akin itong kursong kinukuha ko dahil nagustuhan ko na ito. Kung iisipin medyo malayo na rin ang nalakad ko bagamat alam ko medyo nagsisimula pa lang ako. Ang sakit isipin at tanggapin na ang lahat lahat ng pinaghirapan mo para makapasa ay bigla na lang mawawala dahil sa hindi tama o may mali sa naging takbo ng buhay mo kasama ang prof mo sa subject na yun!
Iniisip ko, kung saan tong nagugustuhan ko na ang accounting at buo na sa plano ko ang maging accountant ako balang araw ay bigla na lamang mawawala sa isang iglap. Mahirap mapaliwanag...mahirap ipaliwanag pero sadyang namumuo ang hinanakit ko sa prof ko kahit na sabihin nating hindi dapat mangyari ang ganoon dahil ako mismo ang gumagawa ng grado ko.
Kung noong 1st second sem ay isa pa ako sa nangunguna sa accounting noon....ngayon, ako ang syang nagpapakita na walang alam...parang sabihin nating bobo at mahina! Ang sakit tanggapin noong una kasi alam kong may alam ako pero ang problema ay hindi ko maintindihan ang pinagtututuro ng prof namin. Paano ko naman kasi maiintindihan e hindi naman nagtuturo yun! assignment lang ata alam nun! Malaking pahirap din sa akin ang magkaroon ng mga kaklaseng iskolar dahil iba ang level ng thinking nila sa thinking ko. Iba silang mag-analyze at iba rin ako kung paano mag-analyze pero masaya akong nalalaman ko sa sarili ko na kaya kong makipagsabayan. Kaya lang inis lang talaga ako sa kanila dahil sa angkin nilang talino doon na lang umaasa ang prof ko paano naman ang ibang hindi makasunod?? Hindi ako magtataka kung bakit marami sa amin ang bumagsak noong prelim, at isa na ako doon!
Hindi ko lubos maisip na kahit nitong college ang favoritism ng mga teacher ay hindi nawawala! Paano na kaya ang mga ibang estudyante nya? Mgaling kung sa magling syang CPA pero hindi sya magaling sa pagtuturo! Hindi nya kasi kayang dalhin ang buong klase para matuto. Ang nangyayari, "ang matatalino lang ang may karapatang matuto dahil siula lang ang nakakauha at nakakaintindi, sa ibang hindi nakakakuha bahala kayong sumabay sa amin!" Anak ng yan! ano yun?! ganoon ba talaga ang dapat na mangyari?! bagsak kung bagsak! bahala kang umintindi ng lesson basata sya na lang bahalang kumuha ng gradong ginagawa mo?! anong aasahan mong mataas na grado kung ganoon ng prof-hindi nagtuturo!
~o~
Hay nako...nadala na naman ako ng emosyon ko! inis lang kasi talaga ako. Kanina nagkaroon ng evaluation sa mga prof namin. Ang hirap pala talagang alisin ang namumuo mong galit sa tao para mahusgahan ng tama. Parang medyo magulo ang pagkakasabi ko ah...Ganito na lang yun...Ang hirap magpaka-plastic! Pero para sa pagsasaalang-alang lang ng ilang mga bagay, sige...gagawin ko. Ang hirap tumingin sa screen ng monitor lalo nat andoon ang mukha ng prof ko na nakatingin at nakangiti pa sa picture. Ang hirap sa loob ng bigyan mo ng 1 grado sa lahat ng tanong lalo nat hindi naman deserving na makakuha sya non. Ang hirap sa loob na maging objective sa page-evaluate sa kanya gayong ang ginagawa nya sa amin ay masyadong subjective sa paggagrado. Pero wala...kailangan kong maging tapat sa sarili ko, kahit hindi maganda o masama sa loob ko naging objective ako sa kung saan nakikita kong magaling naman syang CPA pero hindi ang magturo
Ayun...puro uno sya sa akin. Ayokong gamitin kasi ang personal na hinanakit ko sa prof na yun sa paggrado sa kanya. Wala pa kasi akong nakikitang makatwiran na dahilan para gawin ko yun. Iniisip ko na lang ang pamilyang binubuhay nya., Kawawa naman kung mawalan pa sya ng trabaho.
Pero ako ni hindi man lang naiisip na kawawa na ako sa grade ko!
~O~
Sa ngayon nangangamba ako. Maraming kaklase ko ang gusto ng mag-shift dahil sa kagagawan ng prof namin. Iniisip ko nga unfair sa min dahil minalas kami sa naging prof namin ngayon. Marami kasing klase na nakakapasa ng hindi nahihirapan dahil sa sobrang luwag ng prof. Paano naman ang mga estudyanteng may alam talaga at minalas lang sa prof? Kung sino pa ang may alam sila pa itong pinahihirapan kaya nawawalan ng opportunidad. Samantalang yung iba, pasarap na nga sa buhay at walang nararanasang hirap, sila pa itong nagkakaroong ng opportunidad sa buhay. Talaga bang ganito...wala na ba talagang social justice sa pilipinas?
Nakasaad pa naman yan sa constitution ng pilipinas Article 3 sec 10 of bill of rights!
Para ako ngayong nahaharap sa isang game show ng deal or no deal?
May dalawa kasi akong option
una, para hindi ko na problemahin pa itong accounting, maraming course na pwede pang makuha, hindi pa huli ang lahat. Pwede na akong mag-deal para paniguradong tapos na ang problema ko.
pangalawa, kaya ko pang lumaban. Hanggat maari, hanggat hindi pa tapos ang finals may pag-asa pa ako. Masaya nga ako at isa pa ako sa nakapasa o nakaabot sa mga pasado nitong midterm kaya pwede akong mag no-deal at tumuloy ng laban.
Kaya lang ang problema....napakaliit lang ng tsansa ko para makapasa dahil isang maling galaw lang ang laglag na kaagad ako. Anong gagawin ko??
Ito nga pala ang grado ko ngayong midterm:
Humanities=1.50
Management=1.50
filipino=1.50
English= hindi ko nakuha kasi hindi na ako nakaabot sa time. Absent ako nung araw na yun sa subject nya
P.E.=1.00 (hindi kasi ito mga pang-olympic games kaya nakakuha ako ng ganyan)
Pol. Sci=1.50
NSTP=1.50
Accounting=3.00
Is it a deal or no deal? sa course ko....ano ang dapat kong isagot?
Sayang may pagkakataon sana akong maging university scholar....
~o~
Dahil sa ganitong klase akong tao.....
No deal!
Sayang ang pagkakataon. Alam kong hindi pa tapos ang laban ko hanggat hindi pa nabubuksan ang pinakahuling briefcase ng laro!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home