--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Sunday, September 17, 2006

Katanungan sa isip ko

Ano na naman ba ito?!
HIndi ko alam kung bakit ganito ang mundo??
Bakit ba ganito ang nangyayari sa akin ngayon??
Ano na lang ba ang mangyayari sa buhay ko?!
~~~~~~~~~~~~~~
Pina-exag ko lang ang simula ko para maging maganda ang pagiging wirdo ko sa buhay. Ewan ko ba pero...bakit nga ba may katanungang mabubuo sa isip mo na "bakit ganito?" at "ano na naman ba ito?" sa mga nangyayari sa buhay mo lalo na kung hindi mo gusto! Ayaw mo nga sanang mangyari pero nangyari pa sa'yo!
Bakit kaya ganun ano?
Ano na naman kaya iyon??
~~~~~~~~~~~~~~
Mahirap maipaliwanag ang sagot sa tanong pero naiintindihan mo. Pero bagamat naiintindihan mo na nga, gugulo pa sa isip mo!
Bakit kaya ganun ano?
~~~~~~~~~~~~~~
Alam kong medyo mahirap pang intindihin ang pinagsasabi ko kung bakit ako nagsasalita ng ganito. Gusto ko lang kasi munang ilabas kung ano ang sinasabi ng utak ko!
Maraming katanungan ang pumapasok sa isip ko....
Ano na naman ba ito??
Hindi ko alam kung bakit naulit na naman ang nangyari. Naulit dahil may nagyari na rin kasi sa akin ng ganitong sitwasyon. Alam kong may nagawa ako...pero hindi ko alam kung hindi tama. hindi ko alam kung mali. Malamang may atraso....kasalanan....atraso....hindi ko alam kung paano at ano ang itatawag. Pero siguro atraso na lang ang gagamitin kong salita.
Atraso dahil sa hindi ko pagsagot o pagkausap sa kaibigan ko sa phone! Kung tutuusin nakakatawang marinig dahil sa ganitong ka-simpleng dahilan nauwi pa sa iritasyon at maari rin sigurong humantong sa galit kung hindi nakakapagpigil ang dalawa. Pero sa nangyari kanina...ok lang dahil nakapagpigil ako. Madali lang naman kasi pigilin yun, ang galit kung iisipin mo palagi kung dapat ka nga bang magalit.
Naiintindihan ko ang dahilan nya kung bakit sya nagkakaganun kaya hinayaan ko na lang. Hindi naman kasi mapipigil ang damdamin ng isang tao eh. Hindi naman pwedeng sabihin dun na "wag ka ngang magalit parang yun lang!" kung talagang irita sya at medyo galit na yung nararamdaman nya. Kaya hahayaan ko na lang muna lumipas yun. Pero ang akin lang sana....malagay sana sa tama kung paano sumagot o magsalita na hindi rin maiinis ang kausap. Siguro mas gugustuhin ko na lang na tapatan nya akong sinagot na:"oo galit ako kasi blah...blah blah......"
at ok lang din kung murahin pa ako sa text na:"g*ga ka! @$%#& alam mo naman na....blah blah blah kaya galit ako sayo!" Kahit sabihin natin na medyoang sama siguro ng dating pero ang point ko eh umamin at direkta nyang sinabi para naman hindi nagiging palaisipan sa isip ko at umamo-amo para lang sabihin kung galit ba o hindi. Ayoko rin kasi na magkakaroon ng iba pang dahilan kung ayaw naman pala rin sumagot. Sabihin nating napilitan lang! Kung ayaw edi ayaw, di ba? at least kung hindi sumagot o nagreply, paglumipas ang mga araw matino ng kausap. Kayasa kasi makikipag-usap ka nga sa pilitan lang, wala rin! andun pa rin ang galit panigurado parehas lang kayo magkakainitan at hindi magiging matino ang pag-uusap nyo!
Nag-react lang muna ako bago ko ikukwento...Anyway ito na yun
Tumawag ang kaibigan ko sa phone. Kagaya ng dati at hindi nawawala sa akin, lagi akong may ginagawa. So, hindi ko sya nakausap. May magagawa ako para makausp sya, pwede kong itigil ang ginagawa ko para mapagbigyan lang sya pero....mas mahalaga kasi ang ginagawa ko. Wala akong time para gawin bukas dahil may alis pa ako kaya sinasamantala ko na ang oras na natitira sa akin ngayong gabi. matapos masabi ang lahat-lahat tinext ko sya. Humingi ako ng tawad sa dahilang sayang ang bill na pumatak sa phone nila dahil nawalan ng saysay ang pagtawag nya! Sa totoo lang yun ang naisip ko! pasensya na kung ganoon pero hindi rin naman nawawala ang pagiisip ko sa dahilang gusto nya talaga akong makausap at hindi dahil sa bill nila kaya sya nagalit (siguro). Nagtext ako, reply sya. Kala ko ok naman na ang lahat pero nung tumagal-tagal iniisip ko na lang na sana hindi na lang sya nag-reply dahil hindi ko naman pinipilit na mag-reply sya! Ayokong sabihin yun kanina bago matapos ang usapan dahil alam kong masakit yun o may epekto yun sa kanya kaya minabuti ko nalang magpakahinahon. Iniisip ko rin bakit kailangan kong magalit. Una sa lahat kung tutuusin hindi ko rin kailangan humingi ng tawad dahil ginawa ko lang naman kung anong nararapat nkong gawin para sa ikakabuti ko. Ginawa ko lang ang dapat unahin na gagwain. Nais ko lang pang-unawa. Nauunawaan ko kung bakit ganoon sya pero...sana maunawaan din kung bakit ako ganito.
Hindi ko masisisi kung magagalit sya o maiirita pero sana kung iintindihin kung dapat nga ba iritahin mo ang sarili mo sa ganoong bagay. di ba nga dapat matuwa pa sya dahil kahit paano nakausap nya ako sa text? Pero ewan ko...ayoko na rin gaano magsalita kasi iba ang nararamdaman ko sa nararamdaman nya. Nauunawan ko sya kaya hahayaan ko na lang. Sya rin naman makakapag-isip kung kailangan kang humaba ang iritasyon na yun sa sarili nya o hindi. Akin lang dito sa blog ko, gusto ko lang magsalita.Kasi pag may nagalit kasing tao sa akin talagang iniisip ko kung ano ang dahilan. Dapt nga ba o hindi dapat palipasin ang mga nangyaring iyon o hindi? dapat rin ba ako magalit o hindi? pumapasok ang katanungang yan sa isip ko bago ako gumawa ng desisyon. Ayoko kasing lumipas ang gabi o araw o oras o minuto na guguluhin ako ng utak ko tungkol dyan. Gayunpa man, wala! wala akong magagawa dahil ano ba ang dapat kong gawin? Teka mali ata ang tanong....may dapat ba akong gawin???
~~~~~~~~~~~~~~
Sinulat ko ang nasa itaas kahit medyo mababaw kdahil pumapasok sa isip ko. Ganyan lang talaga ako, pinag-iisipan ko kahit isang maliiit na bagay basta makagawa lang ng isang desisyong magiging maayos. Anyway, wla rin namang mangyayari ganoon kung wla akong ginawa. Pero hindi rin naman magkakaganoon ang usapan kung wala rin sya ginawa. Parehas lang. Patas lang!
Hay...hindi ko alam kung bakit ganito ang mundo??
Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng mga katagang "pag masaya ka sunod nun kalungkutan at kung malungkot ka sunod nun kasiyahan" Hindi ko na alam kung kanino ko unang narinig yan pero bakit nagkaroon ng ganyan? San nagmula? at bakit totoo ang ganyang kataga? Paano kaya kung walang nakaisip nyan, magkakaroon ba ng ideya o katotohanan ang salitang yan sa tao?
Bakit kaya hindi na lang nangyari ang lahat na lang ng tao ay malungkot dahil kalakip naman nito ay kasiyahan? At least ang kasiyahan na naramdman mo ay hindi mapupunta sa kalungkutan dahil nanggaling ka na ron. Pero teka parang may mali....kasi kung naging masay na ang mga tao papasok na uli ang katagang pag masaya ka susunod din doon ang kalungkutan. Edi balik din sa dati! Rotasyon lang ang nangyayari.
Bakit kaya ganito ang mundo, hindi fixed? Laging may cycle. Laging paikot. Paikot-ikot lang ang nangyayari-paulit-ulit! Siguro nga dahil ganoon talaga ang mundo. Tama lang na maging hugis bilog sya dhil paulit-ulit lang ang pagikot nya.
Ganoon nga talaga siguro ang buhay...paulit-ulit lang ang nangyayari. Iikot lng dinang buhay mo sa kung anong buhay ang nararanasan din ng tao. Bagamat magkakaiba pero lahat maari yun pagdaanan pagdating ng araw na nakapunta na sila doon sa pinuntahan o inikutan mo.
~~~~~~~~~~~~~~~
Talaga nga naman oo...bakit ba ganto ako ngayon?
Sa totoo lang hindi ko alam! hindi ko alam sa dahilang hindi ko maintindihan. Baguhin natin ang sagot ko...
Bakit ba ganito ang nagyayari sa akin ngayon??
Marami kasi akong mga katanungang nabubuo sa aking isipan na hindi masagot o sadyang malabo pa kaya hindi ka maunawaan. Patuloy pa akong naghahanap ng kasagutan kung bakit ganito ang nagyayari sa akin ngayon. Mahirap intindihin pero...kung naranasan mo at mararamdaman mo ang nararamdaman ko, tingin ko kahit medyo malabo ay mauunawaan mo kahit papaano.
~~~~~~~~~~~~~~~
Sa ganitong pagpapalabo sa aking isip, ano na lang ba ang mangyayari sa buhay ko??
Katualad ng mundong bilog, patuloy itong iikot para magkaroong ng araw at gabi sa iba't ibang dako ng lupain. Bagamat medyo malabo ang pinakadahilan ng dahilan ng pagkakaroon nito nagpapatuloy pa rin ang mundo sa pagtupad ng tungkulin nya sa tao.
Kagaya ng buhay ko, bagamat paulit-ulit lang ang nangyayari:masaya-malungkot, malungkot-masaya; sa taas-baba, baba-taas; patuloy na iikot ang buhay ko sa mundo. Patuloy-tuloy ang paggawa ko sa mga gawaing dapat kong gawin. Bagamit medyo gulo pa ang utak ko sa pinakadahilan pa ng dahilan ng mga gawaing ito. Itutuloy ko lang hanggat sa makakuha ako ng kasagutan sa mga tanong ko.
Sa ngayon, itutuloy ko lang ang laban at daloy ng buhay ko hanggat matagpuan ko ang kasagutan sa dulo ng buhay ko!
~~~~~~~~~~~~~~~
Ewan ko pero hindi sadyang ang mga katanungang nailagay ko sa itaas ang magiging dahilan ng pagkakaroon ko ng mahabang post...kala ko nung una walang kwenta lang yun dahil sa dala ng kawirdohan ko...
.........
.....
..
.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home