Sem. Break
Sem Break na at last...kailangan ba akong mag...
"woohooo...sem break na!"
?
?
~0~
Sa nakikita ko ngayon parang naninibago ako. Pakiramdam ko hinang-hina ang katawan ko. Wala akong magawa. Puro tulog lang, kain nood ng t.v., gitara, kompyuter...ano pa?! Lahat ata siguro ng gawaing katamaran ay sa tingin ko nararamdaman ko ngayon. Ayoko ng ganito!
~o~
Masaya ako dahil at last sem break na. Lahat ng paghihirap sa mga gawaing eskwela ay natapos ko na. Hindi na ako magpupuyat uli. wala na akong poproblemahing mga subject, tapos na ang paggawa ng kung anu-anong term papers o research paper, wala na ring pressure na mararamdaman sa pag-aaral. Wala na tapos na ang lahat dahil tapos na ang 1st sem nitong second year ko. Pero parang nakaka-miss din....
~o~
Kadalasang maririnig natin sa mga estudyante ang ganitong salita:
"pag may pasok gusto mo wala na lang, pero pag walang pasok gusto mo pumapasok ka!"
Hindi eksakto ang pagkakasulat ko pero ganyan na ganyan ang diwa ng salita. Ang diwa na yan ay sadyang nararamdaman ng mga estudyanteng nagsisipagaral o pumapasok sa eskwela araw-araw. Seryoso man sila o hindi pero bawat isa nakakaramdam nyan.
~o~
Kung tatanungin ako kung nage-enjoy ba ako sa pagpasok ng eskwelahan o sa pag-aaral na may dalawa lamang pagpipilian na sagot, ang isasagot ko ay OO!
Siguro ngayon ko lang talaga masyadong na-appreciate yung pag-aaral nitong college. Masyang pumasok ng eskwela araw-araw kahit saksakan ng pamatay na gawain ang nakatambak sa iyo, Ang saya at ang sarap sa pakiramdam kung nalagpasan mo ang lahat ng iyon.
Bagamat makakatagpo ka ng mga subject na saksakan ng hirap at hindi mo talaga maintindihan, matutuwa ka o mararanasan mo ang tuwa at saya kapag nakalagpas ka o naka-survive ka doon. Isa iyong napakahalagang karanasan na dapat i-treasure dahil maaring hindi iyon nararanasan ng iba o sabihin na lang natin na hindi halos lahat nakakaranas ng ganoon.
Kahit na mahirap talaga kung minsan ang gawaing eskwelahan, sulit din ang paghihirap mo dahil hindi mo namamalayan ng kahit puro reklamo ka sa hirap ng ginagawa o ay natututo ka. Ang saya di ba?! Tutal ang hirap ay hindi naman nawawala para ma-achieve mo ang totoong tagumpay sa buhay.
~o~
Ang saya pala talagang maging estudyante ano?? Dyan yung...
Base ito sa aking karanasan na maaring nararamdaman din ng katulad kong estudyante
1.Mararanasan mong maghabol ng oras kung pang-umaga ka at na late ka ng gising.
2.Mararanasan mong 2 beses ka lang pala kung kumain sa isang araw, minsan isa na lang at hapunan na lang iyon.
3.Mararanasan mo ring sumugod sa baha, mabasa ng ulan dahil sa katamarang magdala ng payong at
magdalawang isip kung papasok ka ba o hindi dahil sa inabutan ka na ng malakas na ulan na hindi ka pa
nakakaalis sa bahay nyo
4.Mararanasan mo rin ang maghintay ng matagal para makasakay papuntang eskwelahan dahil punuan ang jeep,
maging fx man.
5.Kapag nasa sasakyan, mararanasan mo rin ang makatulog sa byahe na hindi mo naman gawain.
6.kapag estudyante ka, mararanasan mo rin na kulang ka sa tulog kaya nararamdaman mo ang nasa # 5
7. Makakaya mong mag-review ng paghakahahaba habang chapter within 1 hour na pagbabyahe dahil sa paghahabol na kung tutuusin na kapag ni-review mo iyon sa bahay ay inaabot ka pa ng mahigit isang oras o 2.
8. Kapag pumasok kang late, mararanasan mo rin at madedevelop ang pagkakaroon mo ng makapal na mukha sa pagharap sa prof mo dahil sa kagustuhan mo talagang pumasok sa subject nya.
9. Mararanasan mo rin ang problemahin ang subject lalo na kung major subject pa yun nahindi mo naman dati pinuproblema nung highschool kahit major pa yan.
10.Makakaranas ka rin ng iba't ibang sakuna sa daan katulad ng banggaan, kawalan ng break ng sasakyan at kung anu-ano pang pangyayaring nakataya ang buhay mo.
Actually marami pa yan. Kung babanggitin ko pa lahat baka humaba na sobra ang post ko. Pero gusto ko pang ilagay kung ano ang masarap na nararansan mo kapag estudyante ka...
Mare-realize mong....
1. Ang masarap na paghiga sa kama ay kapag nararamdaman mong pagod ka na at sumusuko na ang katawan mo sa mga gawaing eskwela. Doon mararanasan mo ang masarap na tulog.
2. Masaya ang mabalitaan mong walang pasok kapag maagang nai-announce sa t.v o sa radyo. Hindi kasi maganda kung nasa school ka na at sinuspinde pa. Sayang ang pamasahe, sa totoo lang. Although maraming natutuwa kahit nasa school pa sila nung sinuspinde, ako naiinis dahil sa panghihinayang sa time and effort ko sa pagpunta ng eskwelahan at syempre sa pera na sa halip ay naipon ko na lang! Hindi worth ang pamasahe kung walang natutunan o nawalan ng halaga ang pagpasok mo.
3.Masayang karanasan ang obserbahan ang lahat ng nakikita mo sa paligid mo. Gawain ko yun at...heheh..i used it as my daily and best lesson na dapat at importante talaga nang matutunan ng isang tao na hindi dapat puro academic sa school lang ang nakabase.
Marami pa sana akong masasabi kaya lang ginulo na ako ng ate ko kaya nawala na kaagad sa isip ko. Mahirap kasing mag-isip ng may kumakausap sa'yo. Mawawala ka talaga, kagaya ngayon, kasalukuyan akong nagtata-type pero patuloy pa rin syang kinakausap ako.
tama na nga lang muna ito!
~o~
Masayang pumasok dahil mararanasan mo talagang buhay ng pagiging estudyante. Bagamat mahirap pero worth it kasi magagamit mo naman hirap na iyon to be successful in life.
Ngayong sem break na, hinihintay ko na lang ang releasing of grades. I hope na pasado ako sa accounting dahil iyon ang delikado kong subject. Naiinis nga ako dahil kung ano pang major, yun pa ang mababa ko. First time in the history of of my college life ang mangamba talaga sa subject. Kahit kasi sisihin ko yung prof ko dahil sa pagiging bias nya o kung ano pa...wala ring mangyayari. Basta i did my best na lang to pass that subject. Whatever may happen, all i have to do is to accept it. Matindi at seryoso talagang usapin na ito. Ngayon lang kasi ako nakatagpo ng ganoong klaseng prof pero thanks to him natuto at nakaintindi ako through my own understanding. Naranasan ko kung gaano kahirap ang mag self study without any backgrounds or idea to that lesson or subject, thaks to him.
Hopefully, makapasa ako. That will be the best gift I will receive in my birthday kung nmakapasa ako kasi that will be mean na naka-survive ako sa pahirap na ginawa nya. Thanks to God dahil sa lakas ng loob, for letting me not to give up!
Kaya in this sem break, nakakamiss pero itutuon ko muna ang utak ko talaga sa pahinga pero i will treasure and serve that expeerience as a lesson in my life dahil nitong second year first sem ang dami kong natutunan na nakapag-mold sa sarili ko.
~o~
Sige na muna at nakakabad-trip na naman ang nangyari dito sa bahay...ayusin ko muna!
:)
=mimi=
0 Comments:
Post a Comment
<< Home