--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Wednesday, September 27, 2006

Yahoo groups....

Ayos walang pasok bukas! Masaya ako dahil at last kahit papano ay magkakaroon ako ng pahinga sa lahat ng gawain sa school. Ang saya nga ng binigay napagkakataon kasi sa Friday wala rin kaming klase although may pasok yun. basta hindi lang magkakalase kasi University day. Ang saya! buong week na kaming walang ginagawa sa klase. ok yun para matapos ko nang maaga ang lahat ng final requirements na binibigay nila (yung mga prof)
Katatapos ko lang gumawa ng yahoo groups naming magbabarkada. Actually nailagay ko na sya sa side bar ng blog na ito para hindi na ako mahirapan sa paghagilap ng group na yun. Ang saya kasi ako ang moderator. Sana nga hindi lang kami ang kasali dun kundi may iba rin para masaya.
Ano ba ang barkada history na pwede kong mailagay dun...
Sa ngayon wala pa akong maisip. Kailangan ko rin kasi muna silang kunsultahin para naman makuha ko rin ang idea nila. Panget naman kung ako lang ang mag-iisip ng lahat.
Anyway, ang group namin ay nagngangalang "R4CG troupe". Kung tutuusin gusto ko sanang palitan ang troupe ng band kaya lang msaya na sila sa pangalang troupe kaya hindi na ako pumapel. Talo lang ako kung ilalaban ko iyon.
Ang grupong iyon is composed of:
Iyay
Lenlen
Mimi
Nonoy
Cez
Aerel (may naaalala akong tao pag binabanggit ang pangalang ito. Secret muna kung sino)
Mga nickname lang namin yan. kung gusto mong malaman ang real name namin punta ka sa group at sumali ka na kung interesado ka. (talagang pati dito sa blog nag-advertise ng group!)
Kagaya ng mga ibang features ng group sa yahoo, ganun din ang sa amin. Actually ginawa lang namin ang groups na iyon upang makapagpahayag ng ib't ibang ideas and opinyon tungkol sa mga nangyayari sa loob at labas ng campus. basta parang simpleng kwentuhan lang ng mga buhay buhay namin. Sana nga magtagal at pumunta sila dun para mag-post. Sayang ang effort ko kung ako lang din mismo ang gumagamit nun. Sa blog ok lang kahit walang pumunta o makabasa nito dahil talagang ginawa ko ito para sa akin. Para walang makaalam ng mga pinagsusulat ko o ng mga iniisip ko.
Basta sana nga mag-work ang yahoogroups na ginawa ko. Itop na nga rin pala ang web address nya para di ko makalimutan:
http//launch.yahoo.com/r4cg_awitngbarkada119
kung hindi ako nagkakamali iyan yun. Basta nga iki-click ko na lang sa side bar.
hmm...bakit nga ba awit ng barkada ang naisipan ng barkada ilagay sa e-mail add namin. Hay na'ko ako na naman kasi ang may kagagawan ng lahat ng iyon. Sabi kasi nila theme song ng grupo namin..edi binigay ko iyan habang nagsusulat ako sa blackboard ng pangalan ng "itchyworms" dahil wala akong magawa. yun lang ang dahilan kaya awit ng barkada ang napili. Sumang ayon naman sila eh kaya ok na!
Sige hanggang dito na lang muna at wala na akong maisip na mailagay dito. Ang tagal kasi ng pizza hut kay ito ang napagbuntungan ko ng gutom!
Sige hanggang sa muli uli!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home