Bumagsak ba ako??
Pumunta ako ng school kanina para mag-enroll. Mas ok pala kung hindi ka first day of enrollment ka mag-eenroll dahil hindi mahaba ang pila. Mabilis pa ang galaw. Kahit medyo maraming estudyante, hindi naman yon kagaya ng unang araw ng enrollment.
Ayos ang galaw ng enrollment. Yun naman talaga kasi ang kagandahan sa UE. Matatapos na sana ako. Actually nakapag-encode na nga ako at nakapagpa-print, bayad na lang ang kulang. Pababa na sana ako para magbayad ng bigla ko na lang nakasalubong ang kabarkada ko. Nanghinayang ako sa section na nakuha ko dahil sa dinami daming section na mapipili ko, magiging kaklase ko na naman ang mga classmates ko nung last semester which is ayoko. Ayoko sa kanila! Panigurado kasi kapag sila na naman ang naging kasama ko sa room, sila sila na naman ang bibida! Magi-straw na naman sa prof o kung hindi naman eh pag ang prof ang naimpluwensyahan nila, patay na naman! Kawawa ang mga estudyanteng natitira na hindi kasing galing nilang mang-akit ng prof! Mangangawawa na naman ang mga iba nilang magiging kaklase sa grades!
Nung nalaman ko na magiging kaklase ko sila, napa-change kaagad ako ng section. Medyo nagdalawang isip ako dahil sayang ang napa-print ko. Tapos na sana ako. Pero inisip ko bandang huli, wala naman akong dapat panghinayangan kung hindi ko pa naman nababayaran. Isa pa, mas magiging masaya ang pag-aaral ko kung hindi na sila ang magiging kasama ko sa klase. At least pag wala sila nakikita kong nagkakaroon ng equality sa loob ng klase. Lahat sama-sama., Fair ang mga prof at higit sa lahat may "social justice"!
Yun nung napalitan ko, naging maayos naman ang lahat. Hindi ako kinuwestyon ng mga admin don. Pwera lang ang isang babaeng nagche-check ng PEF. Medyo kinabahan ako kasi kala ko mahahalata akong nagdoble pero hindi pala. Iba ang tinanong nya...
"miss, may bagsak ka ba?" tanong nya matapos nyang titigan ng napakatagal ang subject na "financial accounting na ite-take ko ngayon.
"Po! wala po..." tanong ko sa sarili ko "bakit kaya?" ng may gulat at pagtataka sakin bakit nya yun tinanong.
"wala lang..." huli nyang sinabi at hindi nya na ako pinansin.
Nakakapagtaka kung bakit nya ako tinanong ng ganoon. Aminado ako, mahirap ang accounting namin ngayon dahil sa dinanas ko sa prof ko pero masaya ako dahil nalagpasan ko yun kahit ang grade ko sa subject na iyon ay hindi kataasan. Maswerte ako dahil nakapasa ako. Hindi ako napasama sa labingdalawa kong mga kaklaseng bumagsak. Pero nagtataka lang ako tungkol sa seksyon na napili ko kasi mukhang doon ata ang may problema kaya sya nakapagtanong ng ganoon sa akin. Iniisip ko..hindi kaya ang seksyon na napuntahan ko eh seksyon ng mga bagsak?? Hmm...ewan ko lang ah...pero kung ganoon man, mas ok na doon ako mapunta kaysa na maging kaklase ko pa rin ang yun-1st sem.
Kaya lang ang malas ko, PE ang first subject ko, limitado sobra ang absent sa mga subject na ganoon at kinakawnt talaga ang mga late doon. 7:30 ng umaga ang lahat ng pasok ko, pwera lang ang araw ng wednesday na 8:30. Lagot ako...lagi pa naman akong late!
~O~
2nd sem na, ang bilis talaga ng araw! Sa pagiging masyado mong abala sa lahat ng gawaing pang-eskwela hindi mo mamamalayan na ga-graduate ka na pala. Tapos sa paglipas pa ng panahon, haharapin mo na talaga ang totoong laban mo sa buhay. Sana magakaroon pa ako ng lakas na mapaglabanan ang lahat ng iyon.
Huwag sana maulit ang karanasan ko nitong 1st sem sa accounting. Sana yung prof na iyon hindi na sya ang maging prof ko ngayon. Magiba na sana....
sana...
sana...
sana...
puro na lang ako sana dito, basta ang mahalaga kung anuman ang darating ay maharap ko ng tama. Wala naman kasi ni isa man ang nakakatiyak sa darating na bukas. Ang kailangan lang talaga ay maging handa. Kaya dapat paghandaan ko.
Goodluck na lang sa'kin sa 2nd sem!
=mimi=
0 Comments:
Post a Comment
<< Home