--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Saturday, October 21, 2006

Texting it right with T9

Texting it right with T9...ano bang ibig sabihin nito??
Kababasa ko lang sa dyaryo ng "Philippine Star" ang article na yan. Naengganyo akong basahin dahil akala ko bibigyan na ng kalutasan ang mga taong masyadong nahuhumaling a text na sadyang napapabayaan na ang grammar. Pero mali ako...
~o~
Mom: You do nothing but exchange text messages with your friends all day long!!
Boy: tok 2 me l8ter mom! cnt u c m bc? jz, lytn up, wil u?
Naengganyo akong basahin dahil sa panimulang ganyan. Naalala ko kasi ang kapatid kong umangkin na ng cellphone ko. Walang inatupag kundi ang magcellphone buong araw. Natulog na ako lahat lahat...cellphone pa rin "nya" ang hawak nya.
Sa mga expose na sobra sa text messaging, sa tingin ko madali na lang sa kanila ang i-type yan sa keypad o maging basahin man. Pero sa katulad kong walang exposure masyado sa mga wordings ng cellphone, mahirap! ultimo nga pagtata-type lang dito sa blinabi ni "boy" ay hirap na ako. Nagkonsumo ako ng maraming segundo na parang hindi ko kabisado ang nasa keyboard dahil sa pinaghalong letters at number ng salita. Mahirap!
~o~
"wru?"
"on d way na trfc e"
"got 2 go lang 2 d lab. b back here soon. wait 4 u ha?"
"b der in 15mins, will txt u."
"k,cu."
Kung nabasa mo 'to ng madaling nakuha ang sense ng text, magaling ka na! Expose na ang utak mo sa daloy ng text messaging, hindi kagaya ko.
Nung una ko yang nabasa sa dyaryo, hindi ko maintindihan. Ang pamilyar lang na salita ang naiintindihan ko pero yung iba hindi na. ganito ang pagkakaintindi ko kanina..
"wru?"- kala ko "hu u?" kala ko nagkamali lang sa type pero iy stands for "where are you?" pala yan...
"on d way na trfic e"- alam ko ang trfc ay traffic pero hindi ko alam na ang sinasabi nya pala ay na traffic sya. MAlay ko ba!..
"got 2 go lang 2 d lab. b back here soon. waith 4 u ha?"- naintindihan ko ang "got 2 go" pero hindi ko alam na balak nyang pumunta ng lab o laboratory. Akala ko kanina yung "lab" ay tumutukoy sa taong gusto nya. Kumbaga eh nagpapaalam lang sya kasi "got 2 go" hindi pala yun yon!
yung mga huling text na natitira, ok na. Naiintindihan na yun ng utak kong mahirap maka-gets sa mga text messaging.
~o~
Nung pinabasa ko iyon sa ate ko, aba ang galing! Doon ko rin naintindihan ang pinaka-ibig sabihin ng text na yan. Doon ko nakuha ang thought ng text. Nung kinitricize o bigyan na lang ng critization ang nasabing text, ako pa ang na "gaga" ng ate ko. Ang hina ko raw! Common Sense na nga lang daw yun sa text hindi ko pa na gets!
Hmp! anong magagawa ko kung hindi me kgy nla s pgttxt. hwg nla me i2lad s styl nla kng paano mgtxt dhil me bnbuo ko.
Hay...ang hirap. Ayoko ng ganito. Baka pag nasanay ako maging wrong grammar pa ako!
~o~
Ayon sa article na yon, isa sa nagiging problema na ng karamihan sa mga kabataan ngayon ay ang kanilang grammar. One factor ng pagkakaroon ng problemang iyon ay through text messaging. Kung bakit through text messaging ito ang sa tingin ko ang dahilan...
Hindi na kasi kaila sa ating bansa ang pagkakaroon ng teknolohiya. Patuloy at tuloy tuloy ang pagkakaroon ng teknoloji sa ating bansa. Isa na rito ang pagpasok ng iba't ibang features ng cellphone na ang kalimitang gumagamit ay ang mga kabataan.
Isa sa mga katanungan nabanggit sa artikulo ay "kung bakit kailangang i-abbreviate ang message sa text?"
Ayon sa isang tagapagtanggol, para daw makatipid sa load which I really disagree!
Para makatipid sa load e halos ang dami na ngang nagsisilabas na unlimited text for 1 day or even 5 days, anong tipid sa load ang pinagsasabi nya?! Yang load e halos isama na rin nila sa budget nila at minsan pinanguutang pa sa iba basta magkaload lang anong pagtitipid ang iniisip nila?!
Parehas kami ng naging opinyon ni "young" isang...mmm..isang...hindi nabanggit sa article eh..basta "young" ang tawag sa kanya. Parehas kami ng opinyon. Sa dinami daming promo na binibigay ng globe, smart, tm o kung ano pa man na unlimited text hindi na nila kailangan magtipid dahil for the whole day or week na lang siguro, wan to sawa sila sa pagtetext na walang bawas sa load kundi yung cost lang na pinangregister mo. Ano pang alalahanin mo?
Malamang nanahimik si "lawyer ng mga text" nung mga oras na iyon. Parado sya panigurado.
~o~
Magandang panimula na sana ang ginawang opiniyon ni "bata" kaya lang biglang nabago ang impresyon ko sa kanya na balak nya lang pala mag-endorse uli ng isang high-tech cellphone na ma-rereduce ang paga-abbreviate ng words because that cellphone "daw" is predictive or can remember word that you frequently use. That software is called "predictive so no need for abbreviation.
Yung function daw nito kung tinayp mo ang "t" lalabas kaagad ang word na "thank" "think" "talk" o kahit anong word na may kinalamn sa "t" oks na. Mapa tagalog dictionary pa man daw ay ok na.
Naisip ko, hindi ba halos karamihan na ng cellphone ngayon ay may ganoon nang features pero wala pa rin naman nagagawa sa grammar ng mga kabataan. Lalo pa ngang lumalala ngayon eh, di ba? Hindi naman pinagtuunan ng kabataan gamitin 'yon dahil sa kung ano-anong lumalabas na words kaya naging pahirap lang sa kanila. Kagaya na lang daw ng tinayp nilang "l" ang lumalabas kapag "like" ang word "love" kung "s" naman daw nagiging "shit" ang sa halip sana ay "sorry". Kita mo nga naman ang diperensya oo! Wala ring pinagbago! Paano kung ang pinagmamalaki nilang "t9" o "text on 9 keys" na may dictionaryong tagalog tapos naglagay ka ng "t" posible rin kayang lumabas ay t*@#~a oo possible, Alam mo kung bakit? kasi sa pinagmamalaki nilang dictionary sa cellphone, ikaw rin ang bahalang mag-insert ng salitang gusto mo. Ang pinaka-purpose lang talaga ng T9 na ito ay kung paano mapapabilis ang paghataw ng mga daliri mo sa keypad ng cellphone.
Sa makatuwid, wala rin pala silang naisip na solusyon!
~o~
Kung ako ang tatanungin, mas mabuti na lang siguro na masabihan ako lagi ng ate ko na "gaga" at mahina makagets sa ganyang klase ng pananalita sa cellphone dahil at least hindi pa ganoon kasira ang mga grammar ko. Siguro ang tanging solusyon ay nasa tao na ring gumagamit non. Tutal ang problema naman ay naggagaling msimo rin sa kanila. Sumbaga, sa kanila nagsimula, sa kanila rin dapat magtapos!
Hmm..hindi rin naman siguro lahat ng taong gumagamit ng cellphone ay sira na ang grammar. Kaya pa rin siguro nilang i-handle. Basta panatilihin pa rin nila na tama ang grammar nila. Ako hindi ako kagalingan sa grammar pero ayokong ma impluwensyahan ng pagkasira pa dahil sa cellphone. Marahil nasa tao na lang talaga kung paano sila maiimpluwensyahan ng text.
Pero hindi ba mas maganda kung tao ang iimpluwensya sa cellphone hindi ang cellphone ang iimpluwensya sa tao?
Ano sa tingin mo?
"texting it right.....not to..." ay h'wag na lang makasuhan pa akong libel eh! :)
=mimi=

0 Comments:

Post a Comment

<< Home