--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Monday, January 01, 2007

Ang nagliliyab na Bagong Taon

Happy New Year dito sa blog ko na 'to! Mukhang ito na ata ang blog ko natatagal! hehehe...

January 1 na, simulang araw para sa taong 2007 pero parang halos wala pa naman akong nakikitang pagbabago. Hmmm..siguro maghintay-hintay lang ako ng ilang araw, baka siguro may makita akong pagbabago.


******************************

Tahimik ang celebration ng New year dito sa subdivision namin. Nakakagulat dahil nung nakaraang taon bago pa man magbagong taon o bago pa man salubungin ang bagong taon, nangunguna na ang mga tao na hindi makapaghintay sa papapaputok. Pero sa pagkakataong ito, halos konti lang ang nagpaputok. Hindi ganoon kaingay kumpara nung nakaraang taon. Bukod pa sa pagsalubong, Dapat nga sa pagkakataong ito, sa ganitong oras, kahit papaano may naririnig pa rin akong putukan dahil marami ang pahabol pa sa pagpapaputok pero napakatahimik at parang isang ordinaryong araw lang ang nagdaan para sa mga tao. 2:30 ng madaling araw, halos ang tahinik na ng buong paligid na dati eh..hindi ka pa ganoon makakatulog dahil asahan mong may nagpapaputok pa rin. Bakit kaya ganun ano?? Dahil kaya 'to sa kahirapan dahil sa wala at naubos na ang pera ng mga tao nitong nagdaang pasko? O..dahil sa nag-iingat na ngayon ang mga tao??

Mas magandang malaman na dahilan ay ang pangalawang tanong na nilagay ko! :)

*******************************

Speaking of "nag-iingat", Galing ako sa simbahan kagabi. Sinamahan ko ang lola ko magsimba. Pagkauwing-pagkauwi namin sa bahay tinulungan ko ang daddy ko sa pagaayos ng mga nakatambak na gamit sa garahe. Tinapon at inaayos na namin ang dapat ayusin para sa pag-iingat na oras na may malihis na paputok, walang madadamay o walang pwedeng masunugan malapit sa bahay namin.

Nilagay namin ang isang malaking karton malapit sa basurahan namin sa bakuran. Naiisip ng daddy ko, kung may baka sakaling may masunog, iyong banda sa basurahan lang at alam namin kung anong lugar lang ang pwedeng madamay. Kumbaga eh..madali naming maagapan. Nagigib din kami ng tubig sa orocan sa labas, malapit dun sa lugar na yun. "In case.." ika nga. Isa pa nawawalan kasi ng tubig sa amin ng mga ganoong oras. Naging maayos naman ang lahat. Binasa ko rin ang mga bato sa bakuran...in case may bumagsak...hehehe..patay agad!

******************************

Hindi pa man sumasapit ang bagong taon..hmmm..mga 11:40 yun ang huling tingin ko sa relo ko. Alam ko kasi masyadong maaga para tawagin kaming lahat ng daddy ko para magsindi ng "fountain" at "lusis". Yun nga, maaga kaming nagpaputok. Isang fountain at lusis pa lang ang nasisindihan nung makita kong nagliliyab na sa apoy ang karton na inayos namin ng daddy ko malapit sa basurahan. May hawak pa ako ng lusis nun pero dahil sa ganoon na ang nakita ko, agad akong pumasok ng bahay at dali-daling pumunta sa garahe kung saan andun ang malaking apoy.! As in..MALAKING APOY. Habang tumatakbo ako, napapansin ko na sa bintana ng sala na ang laki ng apoy. Medyo nairita pa nga ako dahil ang daming nakaharang sa dinaraan ko, ang mga bata o bebi nasa daanan, ang mga matatanda...hehehe..ate ko ewan ko, basta ang naririnig ko sa kanila "bilis" daw "bilis"! Syempre dahil sa medyo nakakataranta pero ang nasa-isip ko na lang ay mapatay ang apoy, di na ako nagdalawang isip na sugurin yun!

Nang makalabas ako, inisip kong gumamit ng host dahil nakasalaksak na yun sa may gripo pero naalala ko maikli nga lang pala yun at hindi aabot kaya binitawan ko kaagad ang host. Naalala kong nag-igib nga pala ako ng tubig sa orocan at malapit lang da pinangyayarihan ng sunog kaya takbo ako uli malapit sa sunog. Ang laki ng apoy, nung nilapitan ko ng malapit. Isang malaking karton kasi ang nasunog tapos naglalaman pa yun ng laman ng unan na puro foam at mayroon pa ata yung papel. Nung buksan ko ang orocan, wala akong nakitang tabo! Nalintikan na talaga ano? Kaya ang ginawa ko , nakita ko ang lata ng gatas sa lupa na ginagawang salukan sa tumutulong tubig sa aircon ng kwarto ng mama ko. Yun ang binuhat ko para buhusan ng tubig ang lintik na malaking apoy na yun!

Nung binuhusan ko, ramdam ko ang malaking apoy na kala mo lumalaban din sa'kin! Anak ng yan! naramdaman ko ang init pero hindi ako tumigil sa kakabuhos, nung makalabas na rin ng bahay ang bf ng ate ko, may dalang timba at tinulungan ako sa pagpatay. At yun..salamat at naagapan namin ang apoy. BAgo ako pumasok sa bahay, sinigurado kong wala nang bagang umuusok dun! Lahat ng usok na nakikita kong lumalabas pa sa pinangyarihan ng apoy, binabasa ko, para safe na talaga! hehehe...

****************************************

Grabeng experienced yun bago mag bagong taon. Feeling ko, isa akong super hero! hehehe...Hindi joke lang! Kakaibang experienced yun dahil first time kong maranasan kung paano ang muntik-muntikang madamay ang bahay sa sunog. O sabihin na nating masunugan! First time ko rin ang manginig ng ganoon na lamang matapos ang sunog. MArahil dahil sa taranta at takot na rin. Pero halos hindi ko naisip na delikado yun para sa tulad ko ang sugurin ang apoy ng mag-isa na wala pang gaanong back-up. Pero ayos na rin talaga at sinugod ko dahil mas mahirap kung isa akong sa naki-umpok at natakot dahil baka magbagong taon kami ng wlang bahay ngayon at hindi ako nakakapagsulat dito ngayon.

***************************************

Nung pumasok ako sa bahay na medyo nanginginig pa...hehehe..hindi halata dahil hindi ko pinahahalata. Sinabi ko na lang "Tara! GAme! Sindihan na natin ang fountain at lusis!" Hehehe ang lakas pa ng loob ko para mag-aya ano? Sayang naman kasi ang naputol na kasiyahan kaya...heheheh..sabi ko na lang din.."tuloy ang kasiyahan!"

Habang hawak ko ang lusis, alam ko andun pa rin ang panginginig ng katawan ko, pero ok lang... normal na yun dahil sa nangyari. NAkita ko ang lusis na hawak ko nung nagkasunog. Nakasindi na kasi yun nung nagliyab ang karton. Actually hawak ko pa yun at dahil sa pagmamadali, binitawan ko na lang agad. Wala namang masusunog dahil semento ang binagsakan at wlang nakakasunog na bagay.

dahil sa maaga kaming nagpaputok, maaga rin kaming natapos. NAgkaroon na lang ng kasiyahan sa loob kasi birthday din ng lola ko., mother ng mama ko. Hehehe..ayos nga eh, dahil ang birthday nya ay JAn 1, talagang simula ng taon. 75 years old na sya ngayon at talagang maganda at malakas pa rin!hehehehe...

**************************************

HAy nako..kakaibang karanasan sa simula ng taong 'to. Sana nga lang h'wag maging simula o banta yun sa mga hindi magandang mangyayari sa amin.

Mag po-post ako ng mga picture mamaya dito sa blog. Salamat sa ate ko at nagpahiram ng load para makapag-send ako at mailagay dito. Sayang nga lang at hindi ko nakuhaan ng litrato yung pinangyarihan at yung nasunog kasi nung gabi..madilim kaya hindi makita sa camera tapos nung gumising ako kanina ng maaga para kunan, nawalis at nalikom na ni lola ang abo...wala ng natira.

Sinubukan kong kunan ang nasunog na x-mas light na inabot ng sunog kaya lang ang pangit eh..kaya hindi na lang. Sinubukan ko rin ang sugat na nakuha ko sa lata ng gatas. NAgkaroon ako ng sugat sa kamay na parang hiwa ng kutsilyo. Hindi naman ganoon kalalim pero mahapdi at dumugo kaninang umaga ulit. Ewan ko kung bakit pa dumugo uli yun! BAsta ang nakuhaan ko lang ang orocan na may lamang tubig at ang latang ginamit ko bilang tabo at nagbigay ng kauna-unahang sugat ko sa daliri.

***************************************
Sa next post ko baka dun ko na lang ilagay ang mga pictures na nakuha ko. sa ngayon ito na lang muna ang kwento ko sa simula ng taon at buwan na 'to. May isa pa akong kwento na masyadong wirdo para sa sarili ko. Medyo nakakapangilabot pero ayos lang....

So, paano...HAPPY NEW YEAR dito sa blog ko. Sana marami pa akong ma-post at magtagal itong blog ko!


:)




=maemi=

P.S.
Sa ngayon ako na si maemi!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home