The best Christmas experienced I ever had!
Tapos na rin ang christmas...sa wakas...nakaraos din sa pagdiriwang na yun!
***************
Masaya naman ang naging cristmas ko this year. Actually...hmm...pwede kong masabing "I have a great christams this year!" dahil lahat ata ng pwedeng maramdaman ay naramdaman ko na pwera lang ang umiyak!
Kung babalikan natin yung mga nangyari sa akin nung mga nakalipas na araw (nitong christmas) ito yun....
1.nakasira ako ng usapan! nakakahiya pero wla akong magagawa eh...dala ng pangangailangan lang talaga sa bahay kaya kinansel ko muna.
2.Nung papunta sa simbahan, nabwisit ako sa driver ng isang sasakyan dahil ayaw magpadaan. Nainis ako dahil ang hina ng utak sa diskarte! Ang damot damot pa! hehehe...correction magsisimba pa naman ako irita na agad..Loko kasi talaga yun eh...paskong pasko kadamutan ang pinapa-iral hindi bigayan! hmp! BAD! Halatang medyo inis pa ako, ano?
3. Nakabawi ako sa usapan...ok na yun...kahit medyo pagod. Mahirap na madisappoint si loveeduvs! (tawagan namin minsan kahit hindi pa kami!)
4. Nung may nangangaroling na bata...binigyan ko ang batang "cute" na babae ng P100. Kungtutuusin napakalaking halaga para sa isang batang kalyeng nangangaroling. Kaya lang kasi naawa ako. Nung matapos kong malaman sa pagi-interview ko sa kanya na may mga kapatid daw sya, Nasa bahay at iba lumalaboy din, magulang nya nasa bahay, mag-isa lang sya at walang kasama, at higit sa lahat wala raw silang handa sa pasko! Para sa isang batang katulad nya na may napakamura pang edad, napakasakit nga naman maranasan na hindi ka man lang nakakapagsaya ngayong pasko samantalang habang palaboy laboy ka sa paligid nakikita mo ang ibang kagaya nya na may magandang pamumuhay ay nakakapagsaya at nakakakain ng masarap. Kaya yun, dahil sa awa at tutal pasko naman...minsan lang yun. Sinamantala ko na ang sarili kong magbigay ng ganoon kalaki. Sinabi ko na lang sabata na h'wag nyang sasabihin sa iba ang binigay ko. (mahirap na baka may dumating pa eh, mauubusan ako!) Sinabi ko rin na ingatan nya. Hmmm...hindi man makakabili ng maraming handa ang binigay kong P100 at least sa tingin ko makakatulong din yun para pangkain nila. Sayang at hindi ko natanong ang pangalan ng cute na batang yon. Maluha-luha pa man din sya nung kinukwento nya buhay nya. Pero buti hindi umiyak dahil baka sugurin ako ng kung sino man... Pero pwede na rin siguro akong pumalit kay willie ano bilang host ng wowowee nung mga oras na iyon. ano sa tingin mo??
5. Tumawag ang ate ko sa phone para magpasundo dahil sa wala na raw masakyan. Inis na inis ako dahil hindi ko na na-entertain ang bisita ko at isa pa pabalik-balik ako sa taas namin para kausapin ko ang daddy ko. Kinakausap ko at hmp! pinakikiusapan dahil sa kawalan ng diskarte o maling diskarte ng ate ko! Hay nako...nakakahiya. Hindi ko man matignan ang mukha ng bisita ko pero malamang halata sa mukha ko at nakikita nyang inis ako. Pero hindi pa ako galit. Inis pa lang! Kaya lang, nakakapanghigh-blood din. Buti na lang hindi mataas ang dugo ko pero delikado sa daddy ko dahil yun! mataas ang dugo nya. Kainis lang talaga ang ate ko dahil kung hindi lang sana sila pumunta ng sm hindi sana magsisisra ang pasko! HAy nako...alam naman na kasi na pagpasko talaga maraming tao ang nagla-last minute shopping, malamang traffic tapos nakisabay pa sila! Isa pa, umalis na sila para mamili ng kung ano pang gusto nilang bilhin tapos nakauwi na nga sa bahay, umalis pa ulit para mamili. Edi sana nilubos-lubos nalang nila yung pamimili kung saan man iyon para isahan nalang hindi ng pabalik-balik pa sila. Yan tuloy ang nangyari! Hmp! kainis! dito talaga ako nainis nun! Pakiramdam namin ng daddy ko, parang nasisira ang diwa ng pasko dahil sa ginawa nila.
6.Bago ako umalis ng bahay kasama si "manang" para sunduin ang ate ko, nagpaalam na rin ang kaibigan ko. Ang hirap din kasi, andun sya pero wala naman ako. ano yun di ba?? Buti na nga lang pinapauwi sya at least parang hindi naman masyadong napilitan na lang sya umalis. Hehehe...bilang pawala ng init ng ulo ko. Nanghingi ako ng...kiss sa pisngi!hehehe...wala lang! pa christmas! wala syang gift eh..dapat lang bigyan nya ako nun! Nakakainis dahil pasimple na nga akong gumaganon ang bagal pa! Tama ba 'to parang nagreklamo pa ako. Batsa ganun pa man..salamat na lang sa kanya! di ko nasabi yun eh.Marami na rin akong kaibigan ang humahalik sa akin na hindi ko akalaing hahalikan ako, sya lang ang hindi pa. Gayunpa man kakaiba pa rin ang kanya kaysa sa iba..Ewan ko ba...wala lang! pero nakakatuwa! First time siguro nun maka ano ng babae!weheheheh...Pero ang weird ah..sa tuwing maiisip ko yun, unconcious na nakahawak ako sa pisngi kung san nya ako ginanun! ayoko ng banggitin yung word..nakakahiya eh!:P
7.Pinangsundo namin sa ate ko, tricycle. First time kong mapadayo sa lugar ni manang para makiusap sa mga tricycle driver na marenta ang tricycle nila. Gumana naman ang pagpapa-cute ko. Actually kahit hindi na ako magpa-cute given na yun! given na ang kakyutan ko kahit medyo galit at irita ang mukha ko. Madali ko naman napagpapayag. Ok na yun. (ang lakas ng hangin dito!...tinatangay ako)
8. First time kong pumunta ng sm na nakatricycle lang! Anak ng yan! naninigas kami ni "manang" sa loob ng tricycle dahil sa lamig. Ang dilim pa ng daan pero wala namang traffic. Yun nga lang syempre parang nakakatakot pa rin magbyahe ng tricycle lang tapos highway pa. daan talaga ng malalaking sasakyan! Pasaway talaga ang ate ko.
9.Pagkarating namin sa sm..wala na run ang ate ko. Sa madaling salita, nagaksaya lang ako ng time, effort and money para lang sa ate ko. Pasaway talaga! hay nako...inis ako pero dahil sa maraming tao ang maaring tumingin sa akin pag nagreact ako ng sobra-sobra, nasa poise pa rin ako. First time ko rin lakarin ang saradong sm paikot. Inikot namin ni manang, bakasakaling nasa ibang venue lang sila. Pero wala rin kaming napala kaya umuwi na lang kami.
10. Hay nako...tulad ng sinabi ko, sayang ang time, effort ko sa pagpapa-cute kanina at paglalakad sa sm mas lalong nasayang ang pera ko dahil wala naman akong napala! Hindi kami binigyan ng mama ko o ng daddy ko ng pera pangbayad sa tricycle dahil nakalimutan kong manghingi. BUti na lang dala dala ko ang mini bag ko na may pitaka. Baka mamaya isipin ng driver, ang cute ko pero wala naman akong pera! kakahiya!wehehehe...sobrang kapurihan ko na ata sa sarili ko...tama na siguro, hanggang dito na lang sa #10. Parang hindi bagay eh. Siningil ako ng P130. Sa totoo lang ang laki. Pero hindi na ako nagreklamo kasi nga naman masyado ko na syang inabala na wala namang napala. Isa lang talaga malaking abala.Inisip ko na lang..."sige, pamasko ko na lang yun sa kanya!" pero ang sinabi ko sa mama ko, P100 lang ang siningil sa akin. Hmp! nakapagsinungaling tuloy ako ng di oras! kainis talaga.
11.nakauwi sila ng past 9:00 tapos nagbalot balot ng regalo. HIndi ko na nagawang magsalita ng kung anu-ano pa. Baka kasi paskong-pasko atakihin ako ng sakit sa puso edi nagpasko at bagong taon ako ngayon sa ospital! tumulong na lang ako sa kanila ng sa pagbabalot dahil malapit ng mag-12 hindi pa sila tapos. Talaga nga naman oo...pag nagsama ang mag-asawang yon...delubyo! delubyo para sa kin! Hay nako....
12. Masaya naman ang pasko...nai-celebrate naman din ng masaya kahit ganoon ng mga nangyari. Nakatanggap ako ng jacket na itim sa exchange gift. Mama ko pala nakabunot sa akin. Tapos nakatanggap din ako sa mama ko ng bagong pitakang black and white ang kulay. At nakatanggap naman ako sa ate kong pasaway ng damit na kulay puti. Hmp! O di ba...black and white ang drama ng tema ng regalo sa akin! Walang ibang kulay kundi black ang white. Pero salamat sa kanila dahil magagamit ko talaga yun. :)
**************************************
Nang makauwi ako sa bahay matapos kong umalis ng walang nangyari, nagpalamig ako ng ulo sa labas. Humiga ako sa kotse ng daddy ko at nag moon bathing at star gazing. Ang saya pala gawin yun! Mas nakakapayapa ng utak katulad ng pag tumitingin ka sa dagat mag-isa. Nung mga oras na iyon ako lang din ang nasa labas. Actually, basta pagnakakaramdam ako ng galit o pagkainis, wala sa akin ang takot takot kaya kahit na ako lang ang mag-isa sa labas at gabi pa noon...wala akong pakialam.
Yun nga,,,habang nakahiga ako at nakatingala sa langit...pumasok sa isip ko ang mga nangyari sa akin sa buong oras at anong na lumipas.ANg dami ko na rin pa lang napagdaan kung babalikan. Kahit medyo inis ako,nawala yun ng biglang pumasok sa isip ko na, maswerte ako dahil nagkaroon ako ng pamilya kagaya ng pamilya ko ngayon, kaibigan at higit sa lahat buhay na ganito. Kahit minsan sadyang mapagbiro ang buhay na parang susuko ka na minsan sa mga pagsubok, natutuwa akong malaman na sa pagtapos ng taon na 'to, napagdaan ko at nalagpasan ang pagsubok na iyon. Sana nga mas maging matatag pa ako sa darating na bagong pagsubok sa bagong taon na naman ng buhay ko.
Magpapakasenti pa sana ako nung time na yun pero lumabas ang kapatid ko...inistorbo ako...pero ok lang kasi parang wala pa ako sa sarili nun dahil sa kasentihan ko. Pero totoo naman ang sinabi ko. Pumasok na ang kapatid ko, itutuloy ko sana ang pag mo-moon bathing at star gazing kaya lang tumawag si loveeduvs. Medyo naputol ang pagpapahinga ko pero natutuwa naman akong malaman na napasaya ko sya.
Hehehe...alam mo bang pag may napapasaya akong tao ay masaya na rin ako! Yun ata talaga ang kailangan to achieve a great happiness in your life. But syempre to achieve the greatest happiness in your life, Love is the only factor. Share your love to everyone. Yun lang ata ang magpapaligaya sa'yo!
*************************************************
Uhmm..masyado na akong naging madrama dun kaya tama na! Masyado na rin humaba 'to. Hehehe..pero hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang paskong ito! Itaga mo yan sa bato! Ito na siguro ang the best christmas I ever had. Dito ako natuto. Sana sa susunod na christmas ganito uli. Sa ngayon...hintayin ko na lang siguro uli ang next post ko for new year. Malay mo...at malay ko...maging the best new year din 'to ever!
For the mean time...para hindi makalimutan..... lagyan natin ng effects
DECEMBER 25,2006
CHRISTMAS
Sana gumana.... Sige babay na muna. Merry Christmas uli! MMMWWWAAHHH!
=mimi=
0 Comments:
Post a Comment
<< Home