The Moon without the Star
Parang kahapon lang napakasaya ko pa....
Wala akong ibang iniintindi...
Walang gumugulo sa isipan...
Wala akong pinoproblema.....
Bakit ba kailangan kong paguluhin ang utak ko???
-------------------------------------------------------
Ako lang talaga ang tipo ng tao na ganito....Masyadong mapag-isip...masyadong pinalala ang isang simpleng bagay...pero hindi ko naman kasi masisisi ang sarili ko kung ganito ako dahil ang sitwasyon na kinahaharap ko ngayon ay kaisip-isip at hindi dapat lang idaan sa simpleng bagay!

May ayokong mawala...pero kung baka sakali handa akong magparaya...Kahit alam kong maaapektuhan ako ng hindi maganda, mas gugustuhin ko na rin yun kaysa malamang may naghihirap at nasasaktan na naman. Hindi bale na lang siguro na ako naman sa ngayon ang masaktan kaysa malaman ko na naman sa sarili ko na may nasaktan akong tao!
BAkit ba talaga sadyang mapagbiro ang mundo???
Kung sino pa ang ayaw mong saktan, sa kahuli-hulihan.....mauuwi rin pala sa ganung usapan. Sadya talagang hindi maiiwasan. Pero bakit sa dinami dami sya pa!

Sa problemang iyon, kung matatawag ngang "problema" yon, madali akong makahanap ng solusyon dun. Pero ang madaling solusyon na yun ay hindi madaling gawin lalo na kung ang sarili ko ay naguguluhan kung dapat ko na ba yun gawin....
Anong gagawin ko?? ayoko nang may paasahing tao! Pero kailan ba ako nagpa-asa ng tao??
Ayoko makanakit na uli ng tao!
ano bang gagawin ko??

Napakahirap sa parte ko ang magdesisyon ng ganito lalo na't kung ayaw kong masaktan ang "mahal" ko. Pagsisisi....hindi....kunsensya ang nagmumulto sa isipan at damdamin ko sa twing nakakanakit ako.. Mga katanungang patuloy na umiikot sa isip ko...
"bakit ko ginawa yun?"
"masyado ba akong naging malupit?"
"kasalanan ko na naman 'to!"
"anong karapatan ko para makanakit ng tao?"
"tao lang naman ako...ano bang dapat kong gawin?"
ano nga ba ang dapat na yon??"
"bakit pa kasi ikaw?!"
Para akong nababaliw! Nalilito. Nawawala sa sarili. Nagkukunwari.Naguguluhan. Binabagabag. Nasasaktan.
--------------------------------------------------------
Ano bang mali ko??Nawala ako....
Sa sobrang pag-iisip ko, nawawala ako...gumugulo ang utak ko. Hindi ako makakilos ng maayos. Ano ba 'to??

Ito na nga ba ang iniisip ko noon pa man. Ayoko na sanang maulit pero nangyayari ulit. Ayoko na sanang "masanay" ulit sa tao. Ayoko masyadong mapalapit. Ayoko kasing masanay na...
"laging andyan sya sa tabi ko"
"laging alam kong may magpapasaya sa akin sa oras na nalulungkot ako"
"laging ang attensyon ay nauuna sa'kin"
"hindi mawawala ang kabaitan sa akin"
Ano pa ba ang dapat kong sabihin??
Lahat kasi iyon hahanap-hanapin ko sa oras na mawala sya. Alam ko kasi sa oras na mawala sya ang lahat ng iyon ay mababago lahat. Maari ring hindi na bumalik sa dati. Ayoko ng ganoon! Minsan ko na ring naranasan...ayoko na sanang maulit pa!!
--------------------------------------------------
Sa takbo ng isip ko, mas masaya na rin akong malaman na may iba na ring pumupukaw ng attensyon nya. Masaya na akong malaman yon dahil alam ko maaaring mawala ang lahat ng pinagpaguran nya. Hindi ko kasi sigurado ang nararamdaman ko. Walang katiyakan ang kinabukasan nya sa paghihintay sa akin.
Masasabi kong mahal ko ang taong ito. At hindi ganoon kadali na pakawalan ko sya. Pero kailangang isaalang-alang ko ang kasiyahan nya sa sakit na maidudulot ko.
Mahal ko..pero mahal ko rin ang pangarap ko! Katulad ng iniingatan nya at palagi nyang sinasabi...
"malayo na ang narating ko...aantras pa ba ako?"
Ganoon din sa pangarap ko. Malayo na ang narating ko. Marami na rin akong naging pasakit sa sarili ko. Bukod pa don alam kong sa pagpapasakit kong ito may nasaktan na akong tao. Kung ititigil ko na lang ito ng basta-basta..masasayang ang pinagpaguran ko. Ang pasakit na ginawa ko ay mag mimistulang pasakit na lang talaga. At ang mga taong nasaktan ko ay magsisilbing pasakit lang talaga ang idinulot ko. Nasimulan ko na ang prinsipyong ito kaya dapat ko itong panindigan at tapusin..
----------------------------------------------------------
Patawad na lang sa lahat ng masasagasaan ko sa pagtupad ng pangarap ko! Alam kong hindi ko kayo nabibigyan ng pagkakataon. Ang akin na lang siguro ay sana maintindihan nyo ako. Hindi madali sa akin ito dahil sa bawat hakbang naginagawa ko lagi akong may isinasakripisyo lalo na sa temang ganito.
Nahihirapan din ako! Ang hirap pilitin ang sarili. Ang hirap pigilin din ang sarili. Ang sakit magtiis pero alam kong ang lahat ng hirap at sakit na ito kahit gaano katagal may maganda rin maidudulot sa akin. Makabubuo rin ako ng magandang resulta. Kaya...
Patawad...
Patawad sa'yo....
PAtawad sa'yo kaibigan ko........
-----------------------------------------------
Ayoko sanang magpasko ng ganito pero ang buhay talaga ay masyadong mapagbiro...Hindi ko alam pero alam ko hindi pa ito ang darating sa buhay ko. Gayun pa man, nakahanda ako sa kung anong mangyayari.
Ayokong magpaalam...pero kung kailangan na...gagawin ko....
"nalilito ako, nais kong sagipin ang ating
nalulunod nating pag-ibig
Ngunit handa akong palayain ka
Kung ito ang iyong hiling
Gaano man kasakit sa akin
Ibibigay sa'yo
Ang tanging pakiusap lang
Wag mo akong kalimutan....."
-paramita "hiling"
=mimi=

0 Comments:
Post a Comment
<< Home