--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Saturday, December 23, 2006

Sino si PUTCHI??

Malapit na ang christmas! Actually bukas na ng gabi yun kahit na sabihin nating bisperas pa lang bukas ng pasko. Mabilis na lang talaga ang oras..

Umalis ako na naman kanina kaya tuloy ngayon ang sama ng pakiramdam ko. Mukhang na sobrahan ako sa lakad lakad kaya ang katawan ko mukhang sumusuko na sa pagod.

Tamad na tamad ang katawan ko ngayon. Para akong nanghihina, wala sa mood, seryoso, nahihilo, hindi makausap ng matino pero pinipilit kong maging normal ang pakiramdam ko sa harap nila. Mahirap na kasi magkaroon pa ako ng issue dito sa bahay. Hay nako...pakiramdam ko sa nararamdaman ko ngayon, para akong sinasapian ng demonyo!

Ayoko ng ganito!


---------------------------------------------------------

Nakapag-christmas shopping ka na ba ngayong pasko??


Tulad ng sinabi ko kanina sa taas, ang sagot ko ay oo! Hay nako! ang daming tao, sumabay pa ang sponge cola nung friday sa sm kaya lalong dumami ang tao!

Sa budget kong 4,000 pesos may natira pa akong 1000+, good thing malaki ang natipid ko ngayong pasko bagamat lahat ng binili ko ay galing lahat ng sm. Nakabili ako ng bagong damit at mga pangregalo sa bahay at sa kaibigan. Nakabili rin ako ng mga cd. Wala na siguro akong dapat na bilhin pa sa ngayon. Buti na lang din malaki ang natira dahil may inaanak na nga pala ako ngayon...kailangan bigyan ng pakimkim ang batang iyon...

---------------------------------------------------------

Off topic muna tayo sa christmas...

Pumunta nga pala ang sponge cola sa sm fairview nung biyernes...Nung medyo lumuwag na ang tao medyo nakasilip ako. Nakita ko yung banda(malamang). Naalala ko..tilian yung mga tao nung lumabas na ang SC inisip ko tuloy..paano kaya kung may sarili na akong banda at may mall tour na rin ako for the album, dadayuhin kaya ako ng tao?? hehehe...lakas mag ambisyon eh no...pero gusto ko. Balak ko. pero pagkatapos ng pag-aaral ko. :)

Halos wala namang pinagbago ang itsura nila sa personal. ganun at ganun din kung ano ang nakikita mo sa t.v. Maluwag ang tao dahil halos lahat nagpapa-autograph signing, kaya nakasilip ako. Masyadong sewryoso ang mukha ni yael! yun lang ang masasabi ko. Hindi ko na rin sila gaano binigyan ng time. Hindi ko na rin masyadong tinignan kung ano pang events ang mangyayari dun kasi may naghihintay pa sa akin-yung mga ate ko at isa pa...Hindi naman sila SOAPDISH, HALE, ITCHYWORMS kaya... hehehe goodbye na lang! Tama na sa'kin yung tipong..."ay..oo nakita ko na ang sponge cola" kung bakasakaling may magmayabang kung nakita ko na sila.


----------------------------------------------------------

Balik tayo sa topic na Christmas...

Ang dami talagang tao, nakakahilo. Kagaya kanina pumunta na naman ako. Sinamahan ko kasi yung mamam ko para bumili ng Kikiam at Cake para sa pasko. Halos lahat ng venue sa sm ang dami ng to kaya nakakahilo talaga. Medyo gutom pa naman na ako. Kakain sana kami sa kahit saang fastfoods sa sm kaya lang dahil nga sa maraming tao...tumanggi na lang ako sa mama ko. Bagkus...pumunta na lang kami sa "saint cafe" dinaan ko na lang ang gutom ko sa pa kape-kape na malamig (ice coffee) at french fries mula sa "NY fries". Salamat sa kanila at nabusog ako!

Paguwi ko sa bahay, tanghalian namin.."KFC" sosyal di ba?? Mukhang mapera ang mga magulang ko this christmas! Pero dahil sa sobrang budsog ko sa Kape at Fries hindi ko na naubos ang manok ko. Take note: manok lang ang kinain ko, wala akong kanin dahil ayokong kumain ng kanin pero hindi ko pa rin naubos!

Hindi yun normal sa tingin ko sa sarili ko. Latang lata ako. Nanghihina. Kaya hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon. Dinadaan ko na lang sa tulog kanina at sa pakompyu-kompyuter ngayon kaya lang...Hay nako! sa twing nagkokompyuter ako dumadating naman ang mga bebi. Ginugulo ako! lalo tuloy hindi gumaganda ang pakiramdam ko!

Kagaya ngayon..ginugulo na naman ako!


-----------------------------------------------------------

Hay nako...alam ko may hindi tama sa araw ko ngayon dahil hindi ko normal 'to! Hindi maganda ang pakiramdam ko at madali akong mainis at maguluhan dito sa bahay na'to at sa mga tao dito...

Nakakainis dahil kung saan 'tong magpapasko ganito pa ang nagiging mga kilos ko. Siguro may mali lang sa gising ko mula kaninang umaga kaya itutulog ko na lang uli 'to. Bakasakali kasing magbago!





=mimi=




P.S.
May tuta na nga pala kami..."Putchi" ang pangalan. Kulay puti kasi 'yon at babae kaya nagmula ang pangalang nya sa "puti" at "chick" salitang kalye para sa mga babae...



0 Comments:

Post a Comment

<< Home