Ordinaryong araw para sa isang tulad ko....
thursday, January 1, 2007 1:10 pm
Wala lang..feel ko lang ilagay ang date ngayon bilng panimula.
Maaga akong nakauwi ng bahay, quarter to 12 pa lang andito na ako. Nawalan kasi kami ng klase dahil pinapa-attend kami sa kung anong mangyayari sa conference room ng eskwelahan ko. Alam ko nman na hindi kami magkakasya lahat dun at alam ko rin na magiging "nomads" lang kami kaya umuwi na lang ako. Sa dami dami ba namang kasing inimbitahang manood na estudyante, halos buong 4th flor ng bkldg namin na may kwartong 10 mahigit, at naglalaman na higit sa bente o trenta pa nga siguro na mga estudyante sa isang room, ewan ko nga lang kung magkasya kami dun lahat...
3 lang ang subject ko ngayon, nakaattend ako ng Stat dahil yun ang 1st subject ko, 7:30-9:00 ng umaga ang klase ko na yun. 12:00nn ang pinaka-uwian ko ngayon. So since nagsimula ang kung anumang events meron sa conference ng 9:00 sayang ang 3 hours na panonood lang na kung tutuusin marami na akong nagagawa (katulad ng ginagawa ko ngayon) kaya nagpasya na lang kami ng kaibigan kong umuwi.
Ayos naman ag naging byahe ko kanina...muntikan lang bumangga ang jeep na sinasakyan ko sa isa pang kotse sa unahan. Byaheng pa dimasalang bridge nung mangyari yun. Tapos..bagamat medyo trapik..ok lang..maganda naging pagmasdan ang mga tao sa paligid eh..ok na yun!
NUng nasa blumentriitt na ako...ayos din naman ang trip. Tulad ng dati sa unahan ako nakaupo habang kumakain ng paborito kong tanghalian- Bread Pan! Tapos ang view uli sa paligid..mga ibat ibang sasakyan.Ayos naman ang nangyari sa kalsada..sa pagkakataong ito hindi naman kotse ang mababangga kundi tao mismong nakamotor!
Hay nako..hindi ko alam pero masyado na akong nagiging malapitin sa disgrasya ngayon. Iniisip ko nga nung nangyari ang ganoon kanina, kung balak akong kunin na...h'wag naman sa aksidente na magmimistulang kaawa-awa ang labi ko. Gusto ko naman yung hindi trahedya o aksidente ang pagkasawi ko. Ayos din mag-isip eh noh?! Hmp! hehehe...kaya naman kasi ako nakapagisip ng ganoon ay dhil sa araw na 'to tatlong beses akong nakakita ng karo ng patay. Tapos sa bawat pagkakita ko ng ganoon parating muntikan na nabubunggo ang sasakyang sinasakyan ko! Pero sa awa naman ng Diyos..heto pa rin ako nakauwi ng ligtas at may pagkakataon pang humarap sa susunod pa na araw.
Maraming gawain sa school pero hindi ko magawa...tinatamad kasi na ewan! Dapat nga english na ang ginagawa ko ngayon dahil yun lang naman talaga ang dahilan kung bakit binuksan ko ang kompyuter. Pero hindi ko pa rin ginawa. Ewan! Ewan ko kung ano ang gusto kong gawin! Hay nako...mukha lang akong busing tao sa tingin ng iba dahil ayaw ko kasing paistorbo pero ang totoo nyan wala naman talaga akong ginagawa. Hindi ko rin magawa ang mga dapat kong gawin. Basta kasi gusto ko lang na mag-isa.
Ngayon siguro matutulog na lang muna ako...baka sakaling gumanda ganda ang mood ko. Baka rin kasi kulang lang din ako sa tulog kaya ganito kaya yun na muna ang gagawin ko. Marami sana akong gustong i-post dahil maraming nangyari sa akin nung mga nakaraang araw na lumipas pero hindi na muna sa ngayon. saka ko na lang i-post kung dapat ko na nga ba i-post yun. Pagiisipan ko muna.
****************
I just dropped by to update this blog...yun lang!
Sige...baboo...
Maghintay na lang 'tong blog na to sa sususnod kong post...kung magigising pa ako mula sa pagkatulog ko! wehehehe...
=maemi=

0 Comments:
Post a Comment
<< Home