Kasalukuyang nasa kompyuter shop
Nasa computer shop ako ngayon...actually hindi ko na gawain 'to pero andito na naman ako ngayon. Importante naman kaya ok lang...pero pwede naman sa bahay na lang kung tutuusin...
Sinamahan ko ang kaibigan ko dito sa computer shop..kung anuman ang pangaln ng computer shop na ito ay hindi ko na alam..basta nagpapatulong lang sa akin ang kaibigan ko kaya ako andito ngayon.
**********************
Kasalukuyan akong nagtata-type na maaaring i-post...wala kasi akong magawa kaya ito ang naisipan ko. Samga mambabasa ng ko sa blog na 'to (kung meron man) ituring nyo na lang na walang kwenta itong post na ito...
**********************
Uwian na namin kanina pa...maayos naman ang naging araw ko sa eskwela kahit na ang utak ko ay hindi gaano gumagana...nakiayon pa rin sa akin ang magandang tadhana..
NApuyat ako kagabi dahil sa sobrang pag-aaral sa accounting na wala namang nangyari. Indi ko rin naman nasagutan ang mga assignment dahil hindi ko maintindihan kung paano.Doon naubos ang oras ko sa pagtitig lang sa libron na sa halip ang inasikaso ko ay yung report ko sa marketing ngayon!
2:00am na ako natulog...halos lahat na nilubos-lubos ko na sa paggawa...lalo lang kasi akong maghahabol kung ipapagpabukas ko pa, sabi ko sa sarili ko, kaya yun..habang nasa byahe...mata ko bumabagsak,mahapdi ang mata,masakit ang ulo at medyo bangag na nung makarating ako ng school.
Pero tulad ng sinabi ko kanina, umaayon naman sa akin ang tadhana...napakabuti pa rin sa akin ng panahon,ng oras,ng pangyayari, o kung anu pa man...Mabuti pa rin sa akin si GOD kahit medyo..ga2x-ga3x ako sa lahat ng bagay...
Naging maayos naman ang naging utak ko sa english kahit na antok, nakasunod pa rin sa discussion. Kahit hindi ako nagbukas ng libro dun, buti na lang at hindi nagkaroon ng recitation. Pero wala rin naman akong dapat ipagalala pa ron kasi simula pa lang ng midterm natawag kaagad ako (actually nung monday lang ako natawag) kaya wala akong problema..
Nung accounting subject na ( ang pinakamamahal kong course) mabuti naman at himalatalaga nakasunod ako sa topic namin ngayon. ISa pang mabuting nangyari..hindi nagkaroon ng oral recitation sa binigay na assignment.YAri ako kung magkaganoon kasi wala akong ni isang sagot dun! wala akong kaide-ideya kung paano sagutan. Pero yun nga...umayon sa akin ang kabutihan ng araw ngayon at at hindi ganoon ang mga nangyari. Napuri pa nga ako dahil sa maayos kong pagkakagawa ng "Aging schedule" ng "accounts receivable". Alam kong hindi ka nakarelate sa sinabi ko kaya h'wag mo na lang pagtuunan ng pansin...
MArketing...bagamat pinagpuyat ko kagabi ang paggawa ng visual aids at pag-intindi sa ire-report ko. Ayos lang din na hindi natuloy ngayon. Wala ang prof ko kaya may nagsubstitute na isang prof. BAgamat wala ang tunay kong prof sa subject na 'to ayos nga lang dahil hindi ako masyadong preparado sa pagre-report. Parang nawawala sa utak ko ang mga pinagaaaral ko dahil nga sa kulang ako sa tulog at parang babangag-bangag ako ngayon dito sa school.
***************************************
Ayos na sa akin ang nangyari ngayon...bagamat ordinaryong araw..maswerte pa rin ako dahil nakakpasok parin ako. Pero next time, ayoko na uli maranasan ang ganito...HIndi kasi maganda ang pumasok sa school na parang hinang-hina ang utak mo dahil sa pagpupuyat lang. MAhirap makapag-focus...KAya next time...hindi na uli mauulit!
**************************************
Bukas,,, Puro math ang kahaharapin ko. Walanaman akong dapat ipagalala sa kung anumang mangyayari kasi alam ko naman ang lesson. Kung baka sakaling may recitation, ayos lang na matawag ako pero imposibleng matawag ako dahil natawag na ako ulit. PAnsin ko nga, kapapasok pa lang ng midterm in demand na kaagad ang pangalan ko. Masyado rin loaded ang sched ko sa mga school works..kaya nakakapagod! Kaya pagkauwi ko sa bahay...tulog muna ako dahil kahit hanggang ngayon, nagta-type na nga ako dito sa post kong hmm...ewan! antok na antok pa rin ako!
**************************************
Sa ngayon ito na lang muna post ko. Sinasamantala ko na ang time dahil ngayon lang ako nagkaroon ng time para makapagpost uli...
Sana...wala lang...saka ko na lang sasabihin!
baboo na muna...
zzzzzzzz....(-_-)
=maemi=
P.S.
Halatang may tama pa ako ng puyat! *yawn

0 Comments:
Post a Comment
<< Home