--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Sunday, February 04, 2007

Sa lahat ng nag b-day ngayon...Happy Valentines na lang!

February 3, 2007 11:57 pm

3 mins na lang at tapos na rin ang b-day ng ate kong pangato. Bukas may isa pa uli, yung pangalawa naman... Kaya naman bago matapos ang dapat na matapos at magsimula at dapat na magsimula..batiin ko muna ang mga ate kong may b-day..

Happy Birthday!

kay apple na nagse-celebrate ngayon...

*******************************

February 4, 2007 12:09am

Akalain mo yun..inabot ako ng 12 mins sa pagtype ng nasa taas! actually may ginawa pa kasi ako..nag-print ng data for feasibility! Anak ng feasibility yan...hay nako..isang malaking uhmp! (ayoko na lang magsalita pa ng masama!)

ngayong feb. 4 na ang babatiin ko naman ay yung ate kong pangalawa....

Happy Birthday!

kay ate cheng na magse-celebrate mamayang hapon o gabi...basta magse-celebrate ngayon!

*********************************

Hay nako...yan! matapos kong batiin ang dapat ng batiin oras ko naman na ngayon siguro para magbigay ng side comments with the "s", o violent reaction sa mga nangyayari sa akin ngayon!

Kala ng mga tao dito natutuwa ako at masaya sa nangyayari...anak ng yan! di noh?!

balikan natin ang b-day ng ate kong pangatlo na katatapos pa lang ng mgailang minuto....

Bagamat may mga handang pagkain sa mesa para sa selebrasyong magaganap, nawalan din ng halaga dahil wala ang b-day celebrant... Lokong yun! mas priority pa ng ate ko ang boyfriend nya kaysa sa pamilya nya eh! Anak ng yan! pwede namang magcelebrate sya ng b-day kasama kami at isama nya ang bf nya para naman di nawalan ng halaga ang effort ng magulang nya sa paghahanda para lang sa kanya di ba? pero di ganun ang nangyari eh!

Nag-celebrate sya kasama ang bf nya..hanggang gabi...anong oras sya umuwi? mga past 9:00...bwiset! sinong magse-celebrate ng ganoong ka-late?! Ay nako...nakakapagmura ako sa isip ko ng di oras!

Ayoko sanang magsalita ng masama o kung anu pa man laban sa ate ko dahil nakakatandang kapatid ko sya pero kasi sa nakikita ko may hindi na talaga tama! Edi sana nga talaga hindi nalang naghanda...wala naman kasing saysay ang paghahanda mo kung wala naman sa handaan ang dahilan ng paghahanda mo! HIndi ko alam kung bakit hind naiisip ng ate ko ang mga ganito...

may taong naghihintay sa kanya sa bahay...(pamilya nya malamang...o kung hindi pamilya turing nya ka-boarding house na lang o ka housemate nya)..naghihintay dahil alam ng "pamilya" nyang mahalaga ang araw na ito para sa kanila.

spent her b-day kasama ang mga taong mahal nya s buhay..."mga mahal" at hindi iisang tao lang dahil maraming taong nagmamahal sa kanya..i-consider nya man lang sana ang iba! sana ma-isip man lang nya..kung kami ang "iba" na yun!

Anak ng yan!nanghihinayang ako sa efort na ginawa ng magulang ko para lang sa handa...inisip ko "sana hindi na lang gumastos.." sayang eh..nabalewala dahil sa kalokohan at katarantaduhan nya! Sana yung pag-alis namin kanina, pagbili ng kung anu-ano para sa handa..ang pag-alis uli ng mama ko para sa karagdagang handa..hindi na sana ginawa! nilaan na lang sana ang pera para sa karagdagang stak ng pagkain dito sa bahay. HIndi na rin sana ako, kami ng ate ko nag-abala ng regalo para sa kanya. Pinambili ko na lang sana ng cd ng "silent Sanctuary" ang pera ko at hindi regalo para sa kanya. Nag-aliw aliw na lang sana kami ng ate ko sa sm at hindi nagmadali sa pag-uwi. At higit sa lahat hindi na lang dapat bumili ng cake dahil wala namang iihip dun...wala namang kasing celebration na magaganap eh...

meron nga ba??

**************************************

Inis ako! halata naman talaga dito sa post ko..gaga kasi ang ate ko! HIndi ko alam kung bakit nagkaganyan sya. Kahit anong sermon na ang gawin ko..wala pa rin nangyayari. Tinigilan ko na rin ang pagsita pero hindi ako makatagal na hindi punahin dahil sa mga pinaggagagawa nya! Ano bang problema nya??

Putcha yan! kung mas masaya sya sa piling ng boyfriend nya, bahala sya! Hindi ko alam kung ano pa ang tingin nya sa aming "pamilya" nya! Hay nako..buti na nga lang at may blog ako..at least sabihan ko ng mga kagaya ng ganito...pagsinabi kokasi 'to ng personal baka kunin na ako kaagad dahil sa sama ng loob. Ang pangit naman kung ang dahilan ng pagkamatay ko ay kunsumisyon..nak ng yan...buhay talaga! Wala akong sakit na highblood at wala pa naman sakit sa puso pero baka magkaroon ako dahil sa pinaggagagawa nya!

fuschiang yan!

kailan ba sya magbabago??


Bahala na nga sya sa buhay nya tutal yun naman ang ginagawa nya. HIndi ko sya pakikialaman pero h'wag lang syang mang-gago ng magulang! yun lang ang akin...


*********************************

Hay nako....hihinga muna ako...*ehem! hay...*

Ayoko pa naman talaga naglalagay ng ganito sa blog kahit na wala namang nakakabasa nito dahil parang kasiraan sa ate ko. Ate ko pa man din sya..kapatid ko pero nagsasalita ako ng ganito sa kanya. Pero gusto ko lang kasi ipahayag ang nararamdaman ko na hindi ko masabi sa personal...lalo na napamura pa ako dito...BAD!

Basta tama na muna ang usapin sa ate kong yun...


Ngayon b-day ng ate kong pangalawa naman...matino yun! sigurado ako dun! isa rin sya sa napagiiwanan na ng panahon sa pag-ibig kagaya ko! hehehe...pero alam ko meron yun sinisikreto nya lang!wehehehe... sana maging maayos naman na bukas ang lahat.. yun langangmasasabi ko...

Happy b-day na lang ngayon sa ate kong pangalawa... salamat sa pagiging right model nyang ate na kahit minsan may diperensya rin!:)



****************************************

Happy b-day na lang lahat sa mga nag b-day ngayon at kahapon...maging masaya sana sila.. at i-appreciate ang mga bagay na natatanggap nila...


alam kong hindi kailangan 'tong huli kong sasabihin pero alam kong may mali akong nagawa dito sa blog ko...


Sorry...

kaya kong magpatawad pero hindi ang makalimot! hindi ako tumatanggap ng word na "sorry" kahit may ginawa sa akin talaga na kasalanan ang isang tao dahil hindi ako ang karapatdapat na tumanggap nun at magbigay ng kapatawaran sa kanya. Mas ikasisiya ko pang humingi ng sya ng tawad sa Kanya at kung nakikita kong may pagbabago sa kanya..ayos na sa akin ang lahat..baka sakaling makalimutan kong hindi ako marunong makalimot!



=aimme=

P.S.
Psst,,mag va-valentines na pala ano? kailan ba yun??






0 Comments:

Post a Comment

<< Home