learn from mistakes, not from example! -accounting exam...
Friday, February 23, 2007
Ang bilis ng araw..parang kailan lang nung magsimula ang buwan ng Feb tapos ngayon malapit na matapos. Parang kailan lang nang mag-post ako ng puro bati sa mga ate at mama ko dahil b-day nila nung magsimula ang feb. pero ngayon patapos na ang buwan na ito...Magbabakasyon na rin sa wakas...sana makapagbakasyon nga ako..sana!
******************
Nag-exam na kami kanina sa accounting...hindi ko alam kung ano pa ang dapat isipin ganitong hindi ko alam ang kahihinatnan ng grades ko sa subject na 'to at kung ano pang magiging kinabukasan ko dito sa course na 'to. Anak ng yan! Tsk...
*****
Wala na...hindi ko alam kung may tsansa pa akong makahabol at makapasa. Isang himala na nga lang siguro kung magawa ko pang makapasa. Halos lahat ng mga naging quizzes ko puro bagsak..wala na akong masyadong naipasa! Hindi ko alam kung sa'kin nga ba ang may problema o sa pagtuturo o sa course na gusto ko pero hindi naman ako gusto ng kursong kinukuha ko!
*****
Nag-exam kami...wala sa ni-review ko ang lumabas.. Ang lumabas ay yung mga problems na hindi mo aakalaing lalabas sa exam dahil bago na naman sa paningin ko at paningin naming magkaka-klase..naalala ko ang sabi ng prof namin...
"bakit kailangan pang ilagay sa exam ang mga topic na alam kong alam nyo na... Syempre ang ilalagay ko ay yung mga topic na parati kayong may mali"
Naiintindihan ko ang ibig sabihin nito. Kung iisipin mo nga naman bakit kailangan pang ilagay yun kung alam naman na namin yun. "master" na namin yun ika nga. Kaya lang sa sitwasyon kanina, iniisip ko, paano kami makakabawi sa mga bagsak naming quizzes o exam kung magpapasok na naman sya ng mga problems na masyadong bago sa paningin namin na hindi namin alam ang procedure kung paano yun sinasagot?! Ang lagay ba naman ng exam na 'yon..hahayaan na lang namin na makakuha kami ng mababa dahil nga sa hindi namin alam kung paano sagutin pagkatapos saka na lang namin malalaman at matututunan yon kung saan 'tong na-discuss nya na kung paano sinosolve tapos uli maglalagay na naman sya ng panibago dahil alam na naman namin kung paano yun nakuha ang sagot. Paano nga ba naman kami makakabawi?? Anak ng yan! aral na nga ako ng aral sa lintik na subject na 'to pero wala pa ring nangyari!
****
HIndi ko alam...nakakapagod na rin sa utak isipin kung paano maso-solusyunan ang ganitong problema.. Ewan ko kung problema nga bang matatawag 'to pero para sa kin problema ito. Kung baka sakali kasing bumagsak ako sa subject na ito nakakapanghinayang una, ang gastos sa pagpapa-aral sa akin ng magulang ko, sayang din hindi lang ang pagod ko kundi pati na rin ang pagod ng dadi ko sa pagta-trabaho at higit din sa lahat nakakapanghinayang ang perang gagamitin para i-summer ang subject na ito kung baka sakaling bagsak ako.
****
Kainis talaga...ayoko man mag-summer dahil yun na lang ang tanging pahinga ng mga estudyante mula sa mahaba at maraming buwan ng kanilang pagpasok sa eskwela tapos papasok pa ako uli. Hmm..wala na rin akong nakikitang iba pang solusyon if ever na bumagsak ako kundi ito lang, ang i-summer ang subject. Isa pa wala na rin namang pagpipilian pa dahil hindi naman matatakas ang ganitong problema.
****
Ok lang sana na kahit mababa ang nakukuha kong grades basta alam kong may nakikita akong pag-asa na pumasa. Tutal ang pag-aaral at pagpasok mo sa eskwela ay hindi nakabase sa pataasan ng marka kundi nakabase yun sa kung natututo ang mga estudyante, pangalawa na lang ang mataas na marka para reward o malaman ng mga mag-aaral na may naa-achieve sila. Ayos lang sa akin kung mababa ang makuha kong marka basta alam kong natututo ako. Kaya lang..anak ng yan! natututo nga ako pero walang katibayan na natututo nga ako dahil sa napakababang markang nakukuha ko! Tapos minsan bagsak pa! Natuto nga ako pero mula sa kamalian ko. Parang sa lagay ng subject ko na 'to, kailangan magkamali ka muna bago mo matutunan ang lahat. Tapos kapag natutunan mo na ayos na yun dahil wala na rin chance na makabawi ka...ang tanging reward mo lang doon ay yung at least nalaman mo na at natutunan mo ng gawin.. Dito na siguro mai-aapply ang kasabihang.."matututo ka sa mga kamalian mo!"
Sa isang banda, tama talaga..minsan talaga kailangan mo munang magkamali para matutunan mo ang kung ano ang tama mula sa mali. Kaya lang sa kaso ko, hindi ata tama na puro mali ka na lang ng mali para matuto ka. Mas dapat ata e..malaman mo muna at matutuhan pagkatapos kung may mali man sa naging resulta, ang mali na yun ang syang dadagdag sa kaalaman mo para maisatama ang lahat ng pagkakamaling iyon. HIndi ba mas ok ang ganoon??
****
Ewan ko..hindi ko na alam.. bahala na ang result ng exam na iyon. BAsta ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko sa pagintindi ng mga tanong dun. Sana nga lang makapasa ako. Pihado ko naman may score ako dun kahit papaano dahil alam ko naman kahit papaano ang proseso ng pagso-solve kahit hindi ako masyadong nag-focus dun sa pgre-review. Ang akin na lang siguro ngayon...umaasa na pakapasa. Hindi man matapos ang score pero basta abot sa grade ng pasado.
********************
Talaga nga naman oo...ayoko sanang magsulat ng ganito sa blog ko..lalo na kung ang topic ay tungkol sa studies ko pero...sige ayos lang..wala akong mapaglabasan eh...
*hanggang dito na alng muna...aalamin ko pa ang tono ng "awit ng kabataan" ng rivermaya. Gagamitin naming tono for the purpose of senatorial jingle...
*Minsan hindi ko na rin alam kung anong tumatakbo sa utak ng mga prof kung bakit pinagagawa ang estudyante ng mga ganyang klaseng bagay na hindi naman dapat. As if naman kasi pag nagtrabaho kami pagagawain kami mga jingle na ganyan. Anong purpose?? Yang jingle na ba yan ay makakatulong sa pagpe-prepare ng financial statement ng isang accounting period?? Mas sasakit pa nga ata ang ulo mo pagnag-isip ka ng lyrics ng jingle na yan na walang katuturan kaysa ang mag-analyze na alam mong may patutunguhan naman ang ginagawa mo!
HAy nako...ewan ko sa mga prof...minsan mapapansin mo rin na wala sa estudyante ang problema. Minsan nasa kanila din...
=aimme=
tinapos ko na dahil baka kung ano na naman ang masabi ko...mahirap na...
Labels: Our 'mistakes' become our crucial parts, sometimes our best parts of the lives we have made. ~ Ellen Goodman
1 Comments:
At 7:21 PM,
Anonymous said…
Good for people to know.
Post a Comment
<< Home