--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Monday, March 19, 2007

at last...

March 19,2007 Monday 12:13am
Inumaga na ako sa pag-iinternet ah...
Ang tagal ko na rin hindi nakapag-post dito. Ang huli kong post ay yung bago pa pumunta ang dadi ko sa china. Ang tagal na rin talaga kung tutuusin dahil malapit nang matapos ang march samantalang ang huli kong post ay simula pa lang ng buwan na 'to. Gayun pa man...ayos lang at least may first and last post ako this month of march, akmang akma lang sa mga nilagay kong title sa bawat post ko...("first..first...first..." then.."at last...")
**********************
Marami nang nangyari nitong mga nakalipas na araw..napakarami talaga. Isang hindi malilimutang pangyayari na nais ko nang kalimutan...Pero buti at salamat natapos na rin ang lahat ng yun..
Defense...
tapos na namin i-present ang proposal...nakakakaba nung mga oras na yun pero buti naka-survived din dun. Nasagot at nai-depensa ko naman ang proposal...ayos na yun! kaya nga lang medyo palyado ako sa pagdi-discussed nung proposal. hmp! inaamin ko hindi ako naghanda dun..Mas inuna ko pa kasi ang pagtulog kaysa aralin ang lokong proposal na yun! kaya yun..hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagsasalita sa harap ng madla. Inisip ko matapos ang kahihiyang ginawa ko sa sarili ko...Mas mabuti nang paulanan ako ng tanong dahil mas madali sa akin ang ganoon kaysa ang mag-discuss ng hindi ko naman alam kung ano ba dapat ang kailangan i-dicuss. Wala lang! Sa palpak na discussion buti nabawi ko sa question and answer potion ng letch kong prof!
Departmental Exam
*Marketing
Madali ang departmental sa marketing.Kahit hindi ko mag-review at may idea ka lang sa bawat term, ayos na! Nagbasa lang ako nang notes ko sa fx na may kasamang papikit-pikit ng mata. Hindi ko kasi talaga maiwasan ang hindi antukin sa byahe kaya nung nasa fx minabuti ko na lang na ipikit ang mata ko. Nagkapag-review ako ng pormal pagkarating ko ng school sa cr ng mga babae (natural pangbabae hindi pang lalake!). Last minute review na lang talaga ang ginawa ko dahil dun mas pumapasok sa utak ko. Sa awa ng Diyos natapos ko ang exam within 45mins sa maximum hour na 2 hours. So, nagkaroon ako ng 1hour and 15mins rest sa buong period ng exam. Pangalawa ako sa natapos mag-exam. Mayabang ako eh..kaya para hindi mahalata hinintay kong magpasa ang karamihan para makisabay. Yun ayos naman...bawi sa grade at bawi rin sa tulog.
*BM o Business Mathematics
Kung anong kinadali ng Marketing sya namang kinahirap ng BM. Sa subject na 'to lang ako nag-review dail puro formulas ang dapat kabisaduhin pero pagharap ko sa exam..Anak ng yan! walang lumalabas na sagot! Hindi ko alam kung bakit pero nung matapos ang exam..Iisa lang ang reaksyon ng bawat BA student sa exam..mahirap, nakakalito at puro hula na lang ang ginawang pagsagot sa exam. Siguro 50%..hindi pala 60% ang puro hula lang na ginawa kong pagsagot,40% ang alam kong tama at 10% ang hindi sigurado kung tama dahil meron sa choices na 2 ang may lumabas sa computation pero isa lang dun ang tamang sagot. Hay nako...akalain mo...sa loob ng 2 oras...buong BA students ay natutong manghula! Manghula na lang ng sagot para hindi lang maging blanko ang 1-50 items ng exam.
Mahirap talaga ang exam...sana nga magkaroon kami ng finals dun uli. Pero for sure alam ko hindi ako babagsak dun dahil mataas ang nakuha ko nung midterm. Perfect ko ang exam ko nung nakaraan kaya sa tingin ko hindi naman masyadong bababa ang grades ko dito sa subject na'to.
*Statitics
Kinompyut na namin ang tentative grade namin dito. Nakakuha naman ako ng 88.04 % na grade na kung tutuusin mataas na to para sa isang math subject. Tinatanong kasi kami ng prof namin kung gusto pa naming kumuha ng exam for finals. Isa-isa kaming tinanong, majority sa amin ang hindi na dahil...ewan..mataas na rin naman na sila. Sayang nga naman ang grades nilang mataas kung kukuha pa sila ng exam na may posibilidad na lalo pang itaas ang grades nila o lalo rin ikababa ng grades nila. So para makasigurado na sa grades..umayaw na silang mag-finals. Ako, bagamat mataas na ang nakuha kong grade sa stat, gusto ko pa rin kumuha. Hindi ako naksali sa karamihan...pakiramdam ko kasi..hindi ko pa rin grade yan sa finals dahil kulang ang pinakamahalaga para masabi mo sa nakuha mong grade na derserving mo talagang matanggap yun. Kukuha ako ng exam sa tuesday para i-test ang sarili ko kung may natutunan o nag stock ng sa isip ko ang mga natutunan ko. Wala lang trip ko lang kumuha ng exam...Hindi para itaas ang grades ko kundi i-challenge ang sarili ko. Wala namang problema kung mas bumaba o tumaas..ang mahalaga dun..nasubukan ko ang sarili ko at nalaman ko sa sarili ko kung ano ang natutunan ko. Coverage ng exam from beginning up to the last topic. Mahirap ng konti pero...ayos lang yan..Kaya yan! hehehe...: )
*Accounting
Nako...hindi ko na alam kung ano pa ang magiging kinabukasan ko sa subject na 'to. Hindi ko alam kung papasa ako o isa-summer ko nalang ang subject na'to. Ewan! Halos 85% sa loob ng klase ang bagsak nung midterm at isa ako doon. Kala ko nga nung prelim bagsak ako pero nung kinumpyut..pasa pala. Pero nung midterm na..wala na... Pinag-iwanan na ang grades ko. Hopefully, makapasa ako sa departmental dahil yun na alng talaga ang pag-asa ko. Bukas quiz na namin...HIndi pa ako nag-rereview...paano kaya ako makakahabol kung ganito ako ng ganito?!
Tama na nga muna sa mga subject at ang sakit na rin sa ulo kung iisipin yun...change topic na muna tayo..
*Digital Camera
Kung nabasa mo ang last post ko tungkol sa listahan ng "pasalubong" paguwi ng dadi ko buhat china, yung title na nakita mo dito...yun ang natanggap ko! Hehehe...ayos at may digi cam na ako...sila kasi puro rubber shoes ang sinulat at beauty products...kaya yan...yun ang natanggap nila. Eh ako..wala man akong sinulat pwera lang sa ang ginawa ko lang ay sabihin sa dadi ko na pinapasabi lang din yun ng ate ko na "digi cam" daw...yun ang pinasalubong ng dadi ko sa akin! Kala kasi siguro ng dadi ko para sa akin yun...pero hindi! galing yun sa ate ko..ako lang ang nagsabi. Ok pala ang ganun ano?? Ako tuloy ngayon ang may pinakamagandang pasalubong sa lahat! :) Pero para sa lahat pa rin naman ang digi na yun. Ako lang ang magiging caretaker para hindi masira....
*Marketing jingle
May praktis pa ako bukas ng marketing pero hindi na ako tutugtog.Cancel na ang concert ko! Wala eh..inayaw ko na rin. Pero natuwa ako sa gitara ng ka-klase ko kanina dahil bagamat puro alikabok dahil napaglipasan na ng panahon at putol pa ang 5th string, maganda at malabot ang mga strings. Hindi masakit sa kamay at higit sa lahat ang ganda ng tunog. Namimisko tuloy ang gitara ko. Miss ko na si Pik...
*Blog..
May nakalam na nga pala ng blog ko..Ang wala kong kwentang blog na naglalaman ng kwento ng buhay ko ay meron na rin visitor ngayon.Ayos lang...Medyo nakakailang..pero sige..ayos lang! ayos lang...ayos lang...ayos la..ayos...ayo..ay..a......O_o
*********************
Masyado na akong naaliw dito at hindi ko na naman namalayan ang oras..pero di bale... If ever na matapos na namin ang jingle...ipo-post ko na lang ang mga photos ng perfromance namin. So for the meantime, babu na muna..at may kailangan pa akong asikasuhin. Hanggang sa susunod na buwan na lang uli...
:)
=aimme=

0 Comments:

Post a Comment

<< Home