Maundy Thursday
April 5,2007 thursday 6:51pm
Wala akong gustong sabihin, pero hindi sa wala akong balak sabihin. Ang nais ko lang siguro sa ngayon ay maki simpatya ka sa kung anong nais kong ipahiwatig.Hindi mo man maintindihan, wala ka man kaalam alam basta ang mahalaga alam kong handang makaintindi ang utak mo sa akin..pero hindi ko pipilitin ang isip mo kung wala ka man maintindihan sa aking sasabihin..
**********
Mas mabuting h'wag mong pansinin kung nawiwirduhan ka. Kung balak mong unawain, salamat...pero siguro hindi mo rin maiintindihan. Kung kailangan mo ng paliwanag, wala akong maibibigay. Pero isa lang ang aking masasabi sa'yo...
Maraming salamat at nandito ka ngayon...
********
Nais ko sanang manahimik na lamang, pero hindi ko magawa...pero hindi sa hindi ko magawa, hindi ko lang siguro matiis ang aking nakikita, ang aking naririnig, ang lahat!
Ang hirap pigilin ang damdamin, ang hirap magpanggap na walang nararamdaman. Natatalo ng puso ko ang aking utak.
*******
Ayokong magpahayag kaya minabuti kong hwag magsalita pero hindi pa rin napigil ang aking nararamdaman.Siguro nga ito lang talaga ang aking kaya. Dito lang malakas ang loob ko upang makapagpahayag. Gayun pa man h'wag mo sanang ipagkalat dahil hindi ko kailangan ang pahayag ng bawat isa.
********
Masaya na akong nakikinig at nagbabasa ka. Bagamat hindi mo maintindihan...wala akong dapat ipaliwanag pa. Tulad ng sabi ko..Ayos na sa akin ang ganito,bagamat utak mo'y nalilito kung ano ang ibig sabihin nito. Ayos na sa akin ang maipahayag ko ang nasasaloob ko dito.Bagamat hindi malinaw...ipagpatawad kung nililito ko ang isip mo.
=aimme=

1 Comments:
At 5:17 PM,
peso de guzman said…
maundy thursady font - ginaya mo ba 'yung sa post ko na " rose" o ano?
Post a Comment
<< Home