--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Monday, May 12, 2008

Mother’s Day Special...

Mother’s Day??

Halos kahapon lang nangyari na parang ayoko ng imikin ang mga magulang ko dahil sa sobrang inis ko sa kanila. Hindi ko kasi alam kung bakit laging natataon na kapag aalis, hindi mawawala ang eksenang...magsisigawan muna, magwawala at magbabalibagan, magkakaroon ng alitan o tampuhan. Hay nako... di ko talaga maintindihan kung bakit laging nauuwi sa ganoon ang eksena?! Pero ganon pa man ang nangyari, tuloy pa rin ang lakad...delay na nga..nakakawalang gana pa! Pero ang kinaganda lang, matapos ang lahat lahat ng nangyari o pinaggagagawa nila sa bahay, bago pa matapos silang kumain, bati na ulit ang dalawa! Ewan! Ang pangit man sabihan sila ng anak nila ng ganito pero, since sinasabi ko lang naman ang nasasaloob ko... gusto kong sabihin na parang silang mga SIRA! Di ko alam kung trip talaga nilang gawin yun sa tuwing aalis kami o nagkakataon lang! Kairita talaga! Kainis! Nakakawalang gana tuloy tumuloy! XP

Nung mga oras yun...gusto ko nang sugutin ang nanay ko. Sumigaw para magsi tigil silang lahat. Pero di ko ginawa. Ang tanging nagawa ko lang ay manood at makinig. Pagkatapos, nung hindi ko na nagugustuhan ang pinapanood ko, pinatay ko na ang pananahimik ko. Nagsalita ako at nakialam na.. Pero di ako sumigaw. Kala ko matatapos na ang lahat nung umakyat na ang nanay ko sa taas papuntang kwarto nila, pero hindi pa pala tapos yun. Itinuloy dun sa taas! Letse talaga!

Tuloy ang ingay...
Tuloy ang balibag ng pinto...
Tuloy sa pagsigaw....

Hayun ulit ako, tuloy din sa taas. Iniwan ko na ang tatay ko nun sa baba dahil tahimik naman sya. Nanay ko lang naman ang maingay o mukhang bibigay kaya alam na ng tatay ko kung ano ang dapat kong gawin.
Umakyat ako at hindi na naman nakatiis... medyo nagtaas ng konti ang boses ko... dahilan para matauhan na ang nanay ko sa pinaggagagawa nya. Kita mo nga naman ang eksena... Dito na lang muna dahil ayoko ng balikan pa yun!

Kung mapapansin mo, Ako, ang tatay ko at nanay ko lang ang nasa eksena, nasaan ang papel ng kapatid ko??

Sa totoo lang, di ko rin alam nung nasa baba ako...katatapos ko lang maligo nung mga oras na yun kaya di ko alam kung saang lupalop sila ng bahay nandoon! Hindi ko rin alam kung bakit parang wala silang naririnig o alam sa nangyayari. Pag-akyat ko, ito ang papel nila: ate kong pangatlo, nagaalaga ng bata, ate kong pangalawa..hmmm...excuse yun! (naalala ko...paglabas ko, sya pala agad ang pumasok), panganay... tinatalakan si manang (sila ang dahilan ng lahat eh..actually!), kapatid kong bunso...may sariling mundo...mundo nya nasa cellphone(kapag napuno ako dun, magkakaroon ng sariling mundo ang cellphone nya eh..sa basurahan!).Yan! yun ang papel nila...sa inis ko, walang naglakas ng loob na kumontra sa anumang inutos at sinabi ko. Yun nga lang...hindi naman nila pinatigil ang gulo...

Hmp! Wala naman talaga akong balak na i-kwento ang nangyari kahapon pero ewan bat na-ikwento ko pa. Pero ayos lang...nanay ko naman ang bida sa taas eh...kontrabida...AKO!
***O*o*O***

Mother’s day...

Ang buong akala ko, May 14 pa yun! Kaya hindi ako naniwala sa nakapaskil sa Ticket boot na ride all you can for P150 only, a mother’s day special May 11, 2008. Nung mga oras na yun, malakas ang paninindigan kong sa 14 pa yun kaya hindi ako bumili ng regalo. Nilibang ko ang sarili ko sa paglalaro kasama ang bata... (si bebi nga lang ang naglaro eh!)... at pagkanta! (dahil wala akong magawa..)

Ngayon pala talaga ang Mother’s day. Nag text kasi sa’kin ang kaibigan ko. Bandang 1:30 am na yun ng malaman kong mali ako sa inaakala kong 14. Bakit ba kasi hindi ako naniwala sa lucky number ko..yan tuloy..di ako nakabili ng regalo. Pero ngayon, syempre hindi ako papayag ng ganoon kaya nung naunang makaalis ang mga magulang ko papuntang binyag, inutusan ko na lang si Manang bumili ng cake at roses. Yun solve! Nagulat ang nanay ko nung sorpresahin namin sya ngayong gabi. Hindi nya siguro inaakala na meron kaming nakahandang ganoon. Actually, lumang style na namin yun pero ewan bakit nagugulat pa sya. Medyo nagkaroon pa rin ng konting tampuhan sa nanay at tatay ko pagkauwi nila kanina pero naayos din agad bago matapos ang pagkain namin ng cake.

Hindi kaya gutom lang ang mga iyon kaya nagkaroon sila ng tampuhan?? O_o

***O*o*O***

Masyado nang mahaba ang intro ko...

Nanay ko... simple lang ang ugali ng mama ko. Ito ang madalas nyang sabihin kapag may nakaalitan syang tao “Ako! Mabait akong tao kung sa mabait, pero kung tarantado ka, mas tarantado ako!” hanep sa tapang ang nanay ko! Mala-Grabiela ang dating! Handang sumugod sa kaaway! Handang makipagpatayan! Hindi patatalo! Sige mama...SUUUGOOD! ...hay...pero tama lang ang mama ko..mabait naman talaga syang tao. Sinong makakapagsabing hindi mabait ang mama ko matapos nyang pagbigyan at tulungan ang taong ngayon nya lang uli nakita after 27 yrs! Matapos nyang mag mistulang mala-“Kapusong totoo!”, “wish ko lang!”, “Sagip Kapamilya!” sa probinsyang inuwian namin, Sino nga bang makakapagsabing hindi galante...este...mabait ang nanay ko?! hay..sensya na dun..pero alam kong hindi masama ang tumulong pero hwag naman manamantala...nakahalata kasi ako eh! Ultimo..malay ko kung sino at kung kaano-ano ko yon ay nabigyan pa ata ng tulong?? Donasyon?? Abuloy?? Heheh ang sama ko na! mabait lang talaga si mama kaya tuloy nagmistulang bangko sya! Masaya naman si mama nung mga oras na iyon kaya...hmmm...masaya na rin ako. Masaya?? Sige na nga! Alang alang kay mama!

Bukod sa matapang at mabait ang nanay ko, mayabang din yan! Heheh...pa-donya effect kung minsan. Yun eh yung mga oras na may sumpong. Siguro bilog ang buwan nung mga oras na iyon! Weheheh...Minsan talaga parang may topak ang nanay ko. Minsan mabilis mainis, mairita at magalit kahit sa isang maliit na bagay lang. Minsan naman sa maliit na bagay o malaking bagay na kamo...ayos lang! Hirap maintindihan minsan..kaya solusyon ko dun...intindihin na lang. Siguro, bilog nga ang buwan! Ahahaha...

Marami pang katangian ang nanay ko bukod sa napakalinis nyan sa katawan at maselan. Mahilig din sa beauty products at accessories. Girl-ing – girl-ing ang dating! Ewan ko kung bakit sa magkakapatid, parang ako lang ang hindi namana yun! Pero ayos lang... hindi ko na rin hihilingin..mahirap na!


Nanay ko talaga...mairita man ako sa katopakan nya minsan, magkaroon man ako ng konting tampo dahil sa hindi makatwiran na nangyayari minsan..masaya ako dahil sya pa rin ang nanay ko! Ewan...Ganoon siguro talaga ang mga nanay...halos lahat ng maliliit na bagay kaya nilang mapalaki at gayun din naman ang malalaking bagay pwede nilang mapaliit. Kaya rin nila mabago ang ilang mga bagay... Kung tutuusin, hanga talaga ako sa mga nanay dahil pwede sila kahit saan mang larangan... Magluto (chef), magbudget(accounting), mag-design at mag ayos ng bahay (interior designer), manggamot ng hindi pang lumalalang sakit(nurse/doctor), magturo(teacher), manermon (preacher), nagpapatawa(comedian), nangaaliw at nagpasaya(entertainer), nananakot (monster!!!), namamalo (hitter), maglinis ng mga kalat (metro aide! Joke lang...), marami pa wala lang na ako maisip. Basta! Halos lahat ata ginamay na ng mga nanay! Ultimo risking their lives... gagamayin na rin nila! Which is ginamay na pala talaga nila nung una pa lang na ipanganak tayo! WAAHH..saksi ako nun! sa ate ko.. grabe...nakaka-trauma! Pero tapos nun..ayos lang ang lahat sa kanila..masaya pa kahit nasa bingit ng kamatayan ang buhay nila dahil sa’tin. WOW! Yun ang the best na ginawa nila sa buong buhay nila! At mas magiging “super” the best yun kung nalaman nilang napalaki nila ang mga hudas na yon ng maayos. Risking their lives is not a risk anymore! Kung magkakagayon! XP

Hay...nanay ko talaga! Di man nya mabasa ‘to dahil wala namang hilig sa kompyu yun..ayos lang! Ayaw ko rin naman ipabasa eh...hehehe... Medyo magda-drama lang ako ng konti....

Ahem! Message/s:

Mama,

Alam kong hindi nyo alam na naiinis na pala ako sa inyo(minsan). Pero alam kong alam nyo naman ang dahilan kung bakit ako naiinis kung baka sakaling malaman nyong naiinis pala ako. Heheh..kilala nyo naman ang ugali ko...hindi ako basta basta gumagawa ng anumang aksyon o reaksyon ng walang dahilan. Wala naman akong topak maging kabilugan o hindi kabilugan ng buwan! (*peace) na bigla na lang maiinis ng ganun-ganun na lang. Wala naman akong tinatago na kahit anong hinanakit...kung meron man..tingin ko malalaman nyo agad iyon! Sakit ko nga lang eh..kahit anong tago ang gawin ko...alam nyo na agad! Salamat sa gamot na syrup o tabletang durog...nakakainom ako ng gamot! XP Hmmm..wala na akong ibang wish but to stay safe and be happy...always!

Salamat sa lahat! Yun lang poh and Happy Mother’s Day... muuuwaahhh!



++++++++++

Heheh..talagang dito na dinaan ang lahat eh noh? Sensya na pero ito talaga ang kahinaan ko. Hindi kasi ako ganoon bold! Ang importante kasi sa akin ...“well done and not well said!” So hindi man ganun ka “well” ang mga nasabi o sinabi ko, I will make it sure that what i’ve said will be done well!

Nanay, nay, Mama, Mammima, Mee, Mommy, Mom, Okasan...o kahit ano pang tawag sa mga nanay dyan... Happy Mother’s Day to all!
=mimi=

0 Comments:

Post a Comment

<< Home