--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Wednesday, May 21, 2008

Dream

Kakaiba talaga ang utak ng tao! Hindi ko alam kung ano ang dahilan bakit kailangan managinip sa tuwing natutulog. HIndi ko makitaan ng kasagutan kung bakit nagbibigay ito ng kakaibang pakiramdam sa tao. Mapamaganda man o masama ang panaginip mo. Tiyak may epekto sa'yo!

Panaginip...hay...isang lugar na tanging ikaw lang ang bida! lugar na kailanman hindi ka mamamatay, buhay ka pa rin kahit patay na ang ginagapan mong eksena dun!

Panaginip, ayoko nang maniwala dun! Pag gising mo, maaaring limot mo na rin ang lahat. O kung hindi naman... maalala mo pero..hanggang alaala na lang ang lahat..

~o~

game! (naglalaro ba tayo! '"tumigil ka!")

hmm.... sa totoo lang...hindi naging maganda ang araw ko ngayon. Pumunta ako sa school para ayusin na ang sched ko pero nakakawalang gana lang dahil hindi maganda ang mga oras na nilaan nila. Kailangan kong ayusin ang slot ko for ojt...kaya namang maayos (dahil aayusin ko)..kaya lang...hindi lang talaga ako natutuwa. Hindi maganda..bad trip lang!

Lalong hindi gumanda ang araw ko ng abutan ako ng malakas na ulan sa maynila. Ang hirap sumakay! bukod pa dun, ewan kung yung mga tao sa paligid ko ang may problema o AKO ang syang may TAMA! SIRA!

Pagkauwi ko sa bahay... maayos naman... pero hindi ang mga tao sa paligid ko. Saksakan ng katamaran ang mga kapatid ko! Buti hindi ko namana yun sa kanila. Kainis dahil ako ang nagluto ng sarili kong hapunan! Binalak kong iutos sa kapatid kong bunso pero mukhang mas pagod pa ata sa kin yun! Nakakapagod nga siguro ang humawak ng telepono at cellphone simula umaga hanggang sa umaga na uli!

~o~

Ayoko na munang magsalita ng hindi maganda ng direkta sa kanila. Mahirap na... maging ako pa si witch Yoo Hee sa paningin nila. Mabuti nang manahimik at gumawa na lang ng kung anu-ano...

sa tuwing naiinis ako, kundi paggigitara ang ginagawa ko... sa pagsusulat na lang sa harap ng kompyuter ang ginagawa ko. Nagsilbing koleksyon ko na rin ang mababasa sa baba nito. Yun nga lang..nung magkavirus ang kompyu...tuluyan ding naglaho ang mga pinaggagagawa ko. Sayang! HIndi ko man masasabing maganda ang pagkakasulat o kung anuman...ang importante napababago nito ang nararamdaman ko!

ANg dami kong pasakalye...simulan na!

Nanaginip ako kanina...medyo wirdo pero maganda..Sayang! panaginip ay sadyang panaginip lang... Hindi ko na lang direktang ikukwento pero idinaan ko na lang sa ganito para mawala ang inis ko...

Panaginip


Nakita kita sa aking panaginip
Ewan ko ba at hindi ko lubos maiisip
Sa tuwing kumukuha ako ng isang idlip
Sa aking pagtulog, ikaw ay sumisilip.

Nais kong tumawa
Dahil sa mabilog mong mukha.
Nais kong ngumiti
Habang hawak mo ang aking pisngi

Pero sandali...
sandali..
Nawawala kana sa aking panangin
Dahil sandali..
sandali...
Nilipad ka lang ng hangin
Papunta ba sa'kin?

Lumiwanag na ang araw
Ninais na ikaw ay matanaw
Ngunit nang ang mata'y may mapukaw
Ang nakita ay di pala ikaw.

Ninais humimbing
Nang muli madama ang iyong lambing
Ninais bumalik
Nang muli madama ang iyong halik

Pero sandali...
sandali..
Nawala ka agad sa aking panangin
Dahil sandali...
sandali..
Nilipad ka lang ng hangin..
Papunta lang sa panaginip

Sa aking isip...
Ikaw ay sumilip...
Sa aking pagidlip....
Ikaw ang panaginip...



Time : 11:47:47pm/052008/ 0003
Made by : Ako lang...wala nang iba pa!
Made while : WALA! Just sitting here...sick and tired! XP
Inspired by : my dream.. last night...
Reason for making this : to cure myself! I think, I’m getting sick...
Message : salamat sa aking mga wirdong panaginip! Nakakapag-create ako ng mga ganitong klase na...EWAN! Thanks coz
somehow, it gives me strength to move on and on... Naks! Ano kayang panaginip yon??

~o~

nang mabasa ko uli ang ginawa ko, aking napag-alaman na.. ang korni ko pala! aheheh...pero sinulat ko ito hindi para magpatawa, hiyain ang sarili ko o kung ano pa man! Ginawa ko ito para hindi ko makalimutan. Wirdong panaginip! pero nakakatuwa. Bat kaya ako nanaginip ng ganon?? Ayokong mawala na lang ito basta basta at tuluyan na lang maglaho. Sayang eh! Panaginip na nga lang ...tsk! ba't kasi naging panaginip pa?! Siguro isang dahilan kung bakit tayo nananaginip ay para may maalala, magpaalala at gawing alaala ng kung anuman ay hindi ko na alam!

Basta...salamat sa panaginip na ito! aheheh..kapag naaalala ko...nawawala ang inis ko! heheheheh...


=mimi=

P.S.
Actually, nung tina-type ko yan may tono na pero ewan bigla na lang nawala
! O_o

0 Comments:

Post a Comment

<< Home