--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Sunday, March 14, 2010

Isa. Dalawa.. Tatlo...

1
Sa hindi ko malaman na dahilan, hindi ko talaga malaman ang nangyayari sa'kin simula pa nung nakaraang Lunes. Pilit ko man kumbinsihin ang sarili kong wag isipin kung anuman ang iniisip, wag nang intindihin ang dapat na intindihin, wag nang damahin ang dapat na maramdaman, ang hirap pa rin magkunwari. Ang hirap gumising sa umagang titingalain ang araw na maganda.

2
Bagamat matindi ang init ng araw sa katanghalian, parang may ulap akong nakabantay sa ulunan na kahit anong oras ay pwede bumuhos ang malakas na ulan. Masakit ang dulot ng init sa balat, pero wala akong magagawa kundi tanggapin lang ang lahat dahil hindi lang naman ako nakakaramdam noon. Gustuhin ko mang umulan, kahit patak man lang ng ambon, ay wala rin akong maasahan. Iniisip ko na lang na marahil gawa ng tindi ng init na bumabalot sa paligid, nagawa na nito ang patuyuin ang ulan sanang papatak sa buong lupain upang mapawi ang init.

1
Kung pwede sanang matulog na lang ng matulog, titira ako sa aking panaginip kung saan lahat dun ay pawang nasasayong kagustuhan. HIndi mo man kontrolado ang takbo, pero nakasisigurado ka namang hindi ka mapapahamak, makakawawa, hindi ka mahina, wala kang inaalala, marami kang pwedeng magawa. Pero panaginip ay panaginip lang...walang ibang hatid kundi paasahin ka hindi bigyan ng pag-asa.

2
Tuloy tuloy ang init hanggat dapit hapon..pero sa oras ng kaiinitang nararamdaman, nakuha ko pa rin magsuot ng panlamig. Sa di malamang kadahilanan kung ano ang sanhi ng panlalamig ko, bumubuo na lang sa isipan ko ang makapal na ulap na nagbabantay at katabi ko. Kailan kaya ako lulubayan? Siguro, gagawin ko na lang puting ulap ang mga iyon para umayon ang lahat sa iisang layunin o naiisin.

1
Gabi gabi tumitingala ako sa bituwin. Paraan ko ito para makakuha man lang ng lakas ng loob at mabuo sa akin isipan na sa gitna ng kadiliman, may liwanag pa ring masusumpungan. Bagamat mahirap talunin ang dilim ng gabi, may kapanatagang nabubuo sa isipan ko na may munting kikislap na liwanag pa ring masasabi

2
Gabi. Nagsasabing matatapos na ang araw na ngayon... nagsasabi ng katapusan para sa araw na ito Gabi na magbibigay sakin ng pahinga para maging handa sa bukas na darating. Isang parte sa buhay ng tao upang mabigyan ng oras na makapagisip (kadalasan malalim). Kapayapaan, Pahinga, Kapanatagan, sa pagpikit ng mga mata...dahil ako'y matutulog na. Matutulog.

3
Sa pagdilat ng aking mata, pagsapit ng umaga, sa hindi malaman na kadahilan, hindi ko alam ang mangyayari sa akin sa darating na simula ng Linggo ito. Pilit ko man kumbinsihin ang sarili kong wag isipin kung anuman ang iniisip, wag nang intindihin ang dapat na intindihin, wag nang damahin ang nararamdaman, ang hirap pa rin magkunwari. Ang hirap gumising sa umagang titingalain ang araw lalo na't kung wala akong maasahan. Wala akong masilip na bituwin dahil sa sobrang liwanag ng langit. Bagamat maliwanag nga ang langit may ulap namang nakatabi sa akin. Maramdaman ko man ang sobrang init, may suot pa rin akong panlamig. Gustuhin man ng aking kaloobang may bumuhos na ulan, pero ni isang ambon wala man lamang matampuhan... Managinip man ng managinip, kailan man ay mananatili pa rin panaginip... Ano ba ang dapat na gawin?

1 Comments:

  • At 11:59 PM, Blogger Witch Mimi said…

    Haharapin ko ang umaga na nakangiti... baka sakaling ngumiti nga ang araw sa akin.....

     

Post a Comment

<< Home