--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Monday, October 27, 2008

Nilagang Itlog Part-1

Paano ba malalaman kung luto na o hindi pa ang nilagang itlog?

Hindi ako nagpapatawa o nagbibiro, seryosong tanong ito! Kung bakit ko tinatanong… hmmmm………….wala lang.

Ginising kasi ako ng ate ko ng Linggo ng madaling araw para tulungan sya. Medyo nahuli sya ng gising kaya dahil sa wala pa ang kasambahay namin sa bahay, nagpatulong na sya sa paggawa ng egg sandwich. Halos wala pa akong tulog nun kung tutuusin. 30 minutos pa lang siguro ang naitutulog ko kung gisingin nya ako kaya naman kung anong iutos nya ay sinusunod ko ng walang pag-iisip.

“Maglaga ka nga ng itlog” sabi nya sabay abot sa kamay ko ng dalwang itlog. Agad ko naman kinuha at nilagay muna sa mesa habang kinukuha ang mala-kaserolang pagsasalangan ng itlog. Nang meyo natauhan at nagising-gising ang utak ko, nasa loob na ng banyo ang ate ko ng maitanong kong, “paano ko malalaman kung luto na ang nilagang itlog na ito?”

Aminado ako na wala akong masyadong alam sa pagluluto. Ang kaya ko lang lutuin ay mga prito. Natuto akong mag-prtio sa panonood lang sa nanay ko nung sya pa ang nagluluto para sa amin. Natuto na rin akong magsaing sa dahilang ayaw kong maasar na hindi akong marunong magsaing. Sa mga natutuhan ko tungkol sa pagluluto, doon ko nalaman sa sarili kong mabilis akong matuto kahit isang beses ko pa lang ginagawa. Pero balik muna tayo sa itlog.

Nasa CR na ang ate ko nung tanungin ko sya kung paano malalaman kung ayos na ang itlog. Nang pilit kong tanungin sya kahit nasa banyo na sya… ang sagot nya: “hintayin mong kumulo!”

Matagal kong tinitigan ang itlog sa mala-kaserolang (actually, hindi ko alam ang tawag sa pinaglagyan ko ng itlog) pinaglagyan ko nun dahil sa iniisip ko ang sinabi ng ate ko, Medyo tumitino na ng konti ang utak ko kaya naman hindi ko tinanggap ang sagot ng ate ko. Nung mga oras na tinitignan ko ang itlog ito lang ang nasa utak ko.

“Hindi pwedeng sa pagkulo lang ng tubig ang maging batayan ko dahil may isang itlog dito na kalalagay ko lang! Ano bang gagawin ko?”

a. sundin ang sinabi ng ate ko
b. hintayin kong mag-crack ang shell
c. hintayin kong maubos ang tubig sa mala-kaserolang lalagyan at least safe-work ako
d. hintayin ko na lang si manang since sya naman ang nakakaalam
e. uhmmm…wala sa nabanggit!
f. mali ang letter....( wag na lang...)

Hindi ko sinunod ang letter “a” dahil alam kong mali nay un. Kawawa at sayang ang isang itlog na halos kalalagay ko lang kung susundin ko ang sinabi ng ate ko. Habang nakatingin sa kumukulong tubig at pinagmamasdan ang tatlong itlog. Napatingin ako sa oras, “mag-aalas singko na pala. Hintayin ko na lang kaya si manang?! Pero lagot ako sa ate ko dahil nagmamdali nay un!” So letter “d” ay na-disregard na rin. Maya-maya habang tinititigan at inoobserbahan ang itlog, may nakita akong “crack”. Nung mga oras na iyon, mukhang nakakita na ako ng sagot kaya yun na lang ang sinunod ko para “fair” sa tatlong itlog. Hindi ko na pinagtuunan ang letter “c” dahil hindi ako magtya-tyagang paubusin ang tubig na nilagay ko sa mala-kaserola nay un. Medyo naparama kaya ang nailagay kong tubig! Hindi ko masisisi ang sarili ko nung mga oras na naglalagay ko dahil binigla ako ng gising nun.

Nang sa tingin ko luto na ang mga itlog… saka lang dumating si manang. Inisip ko, “kita mo nga naman talaga ang pagkakataon, mukhang gusto talaga ng mga itlog na ito na ako ang magluto!”

Maganda ang pagkakalaga ko sa mga itlog, luto lahat ang mga “pula” hindi naging malasado ang mga iyon. Tama lang din ang mga puti. Maayos ang lahat pero hindi ang oras dahil paalis na ang ate ko, katatapos ko pa lang hiwain ang mga iyon. Nagdahilan na lang ako para hindi na ako mapagalitan pa. Matapos ang ginawa kong egg sandwich, tulad ng idinahilan ko, nakaalis naman sya ng mas maaga pa sa inaasahan.

Naging maayos naman ang lahat, may mga sumobra pang palaman na ginawa ko. Nagpalaman pa ako ng tinapay bilang agahan ko sana pero naisip ko wala pa akong tulog. Hindi ako makakaligo kung hindi ako matutulog kaya matutulog na lang ako. Pero dahil nga sa ginisng na ako at matagal na rin akong gising dahil sa kagagawan ng ate ko, kahit anong klase ng lwesto ang gawin ko sa sofa naming hindi ako makatulog! Nagpatugtog na ako music buhat sa cellphone ko pero wala ring nangyari. Nagkagulatan pa kami ni manang kaya lalo akong nagising kaya umakyat na lang ako at pumunta na lang sa kama ko ulit. Baka sakaling makakuha na uli kahit isang idlip. Nakuha ko naman ang gusto kong mangyari pero tanghali na akong nagising. Bukod pa dun, ang matinding sakit ng ulo naman ang naging kapalit.

----itutuloy....

=mimi=
p.s.
Gusto kong palitan ang heading ng blog ko. Pero may doubt pa rin ako sa pangalang ilalagay ko kaya hindi ko pa rin mapalitan..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home