Para sa taong katabi kong nakatayo...
Pano ko ba ipapaliwanag ang sarili ko sayo?
Nais kong malaman mo na katahimikan lang ang tanging kalakasan ko!
-----O-----
Una sa lahat gusto ko 'tong ialay sa taong nasa tabi ko...
Hindi ko intensyong paiyakin ka nung gabing iyon. Naririnig ko ang mga sinasabi mo at pinapakinggan ko. Pero hindi ko magawang magsalita. Pinili kong hindi magsalita dahil ayokong luha din ang isagot ko sayo.
Hindi ko ugali ang mang-gago ng tao. Kung yun sa tingin mo ang nagawa ko sa'yo, parang ginagago ko na rin ang sarili ko! Pero tumahimik lang ako sa sinabing mong iyon, Pinili kong hindi magsalita dahil hindi ko magawang sabihin ang ganung salita. Hindi ko kaya ang mag-mura---- "GAGO"... kung ang salita nga na 'to hindi ko masabi, mang-gago pa kaya ng tao?
Disappointed ka dahil mali ang diskarte ko. Masasabi kong mas disappointed ka dahil hindi mo ako nababasa. Naiirita ka kapag hindi mo maunawan ang dapat mong gawin. Bakit pipilitin mo sa puntong iyon maintindihan ang isang babasahin kung hindi mo na maunawaan. Ang isang libro, hindi dahil sa alam mong maganda ang istorya dapat mo nang basahin. Sa pagbabasa ng libro, hindi mo kailangan i-expect na madali itong basahin at unawain. Kung hindi mo maunawaan ang nilalaman ng libro, pipilitin mo bang basahin para tapusin? Kung ganun ang gagawin mo, lalo mo lang hindi mauunawan. Kapag lalo mong pinilit, maiirita ka lang. Magagalit. Hanggang isuko mo at tuluyang kaayawan. Sa pagbabasa ng libro, hindi kailangan na agad mong maunawan ang bawat pahinang iyong nadaraan. Nananatili ang nilalaman ng mga pahina na pwede mong balikan ang hindi mo maintindihan. Ang mahalaga doon ay ituloy mo lang ang pagbabasa ng walang pagpipilit na dapat mong maintindihan. Sa pagbabasa ng libro, kailangan mo lang tumahimik para maintindihan. Kung sadya pa ring magulo, maari mong isara at tahimik na ipanatag ang sarili mo. HIndi naman kailangan na magmadali sa pagbabasa. Ang mahalaga sa pagbabasa ay andun pa rin ang pagnanasa mo na ito'y mabasa na walang pagpupwersa sa sarili. Kailangan mo maging kalma. Kung kailangan iwan mo muna sandali at hayaang nakalutang ang hindi tapos na istorya, hayaan mo at iwan mo! Dahil kung kagustuhan mo talagang matapos ang libro na iyon, babalikan at babalikan mo pa rin iyon. Babasahin at babasahin mo pa rin 'yon. Sa pagdating ng panahong iyon, dun mo mauunawan ang hindi mo maintindihan. Wala na sa puso't isip mo ang pagpipilit sa sarili. Matatapos mo ang libro at masasabi mong maganda kahit simple lamang ang istorya.
Bigla ko tuloy naalala ang nabasa mong libro.."Heart of Atlantis" nga ba? Kailan mo nga ba iyon sinumulang basahin at natapos? hindi ko pa yun nababasa pero ayon sa iyo... maganda ang istorya! Pinagsisisihan mo dahil hinayan mo lang nakalutang yun noon dahil hindi mo maintindihan, pero tignan mo na lang ang nangyari sa'yo ngayon nung nahayaan mong lumutang iyon ng matagal na panahon nang hindi mo basahin.
Hindi mo ako kailangang maintindihan ngayon. Kailangan mo munang bigyan ang sarili mo ng panahon. Kung pakiramdam mong hindi mo akong maunawaan, wag mong pilitin. Bagkus, palayain mo ang sarili mo sa pagpipilit. Hayaan mong may nakalutang. Hindi magtatagal, lalapit sayo ang dapat mong maunawaan na walang pagpipilit. Kailangan ko lang ay katahimikan. Gusto kong tumahimik dahil gaya ng pagbabasa ng libro. Gusto ko munang hayaang lumutang ang mga pahina sa buhay ko na hindi ko maintindihan at maunawaan. Alam ko na kapag binalikan ko ang pahinang iyon, maiintindihan ko na at mauunawan kung bakit hindi ko maintindihan noon.
Mali pa rin ba ang diskarteng kong tumahimik? may mali pa din ba sa ginawa ko? Mali dahil hindi ko pinauunawa sa'yo? O mali dahil hindi ko magawang sabihin sa'yo ang gusto mong malaman? Hindi nagsasalita ang libro. Ikaw ang nagbabasa, Ikaw ang uunawa, ikaw ang masisimula, ikaw ang magtatapos. Kailanaman hindi sinabi nang libro na pilitin mo syang basahin. Natatapos sya ayon sa iyon kagustuhan at higit sa lahat walang halong pagpipilit na tapusin mo iyon agad at maunawaan. Panahon at katahimikan ang kailangan sa pagbabasa ng libro. Sana nakuha mo ako dun...
Gusto ko nang katahimikan nung gabing iyon. Halu-halong pakiramdam ang nararamdaman ko. Gayundin sa isipan ko. Pinili kong tumahimik at wag magsalita, dahil ano ba ang aking sasabihin? pano ba ako magsisimula? alin ba dun ang aking sisimulan? KATAHIMIKAN....
Gusto kong tumahimik dahil iyon ang pagkakataon ko para
pakalmahin ang sarili ko
hindi makabitaw ng masasakit na salita na maari kong pagsisihan bandang huli
pigilan ang naguumapaw na emosyon na hindi mamalutas ng problema
lumuha
mag-isip ng paraan
ipanatag ang sarili
isipin ang pagkakamali
tanggapain ang pagkakamali
higit sa lahat...
MAGDASAL...
Katahimikan ang kalakasan ko dahil kausap ko ang "BOSSING" ko sa taas. Katahimikan ko ang syang kalakasan ko dahil sa oras na iyon, sa Kanya ang oras ko. Kailangan bang gawin kong abala ang sarili ko sa mga pandaliang saya na mabibigay ng mga bagay dito sa mundo?
manood ng t.v
makinig ng musika
magbasa
matulog
makipaglaro
lumabas at maghanap ng makakausap
maglinis ng sarili
kailangan ko bang gawin at aksyahin ang oras ko sa mga bagay na iyan kung ang napakadaling gawin ay TUMAHIMIK at kausapin SYA. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan unahin ang makamundong gawain kaysa ang dapat na unahin ay SYA.
Sa panahong ganito, hindi sumasagi sa sarili ko na mag-isa ako. Na nag-iisa akong humaharap sa problema ko. Wala man ang pamilya ko sa tabi ko. Kaibigan ko sa tabi ko. Ikaw sa tabi ko. Kailanman Sya hindi nawawala sa puso't isip ko.
Tumatahimik ako dahil Sya ang unang nilalapitan ko.
Tahimik akong nagdarasal para makakuha ng lakas sa nanghihina kong katawan
puso't isipan
Tumatahimik ako dahil Sya ang nagbibigay ng daan
ng paraan, sa isipan kong nagugulahan, walang maintindihan
at walang maunawaan
Nag-aalala kayo... Tama ba ang pag-aalala ninyo? bakit kailangan nyong mag-aalala? nakukulangan ba kayo sa TIWALA?
Nagpapasalamat ako sa pagbibigay nyo sa'kin ng puwang sa buhay nyo. Pero kung ang pag-aalalang iyon ay para isumbat lang ang sakit na nararamdaman nyo, pag-aalala nga bang matatawag yun o naghahanap lang kayo ng solusyon sa nabubulabog nyong mundo.
Kung naghahanap kayo ng mabisang gamot o solusyon sa inyong pag-aalala ito lang ang napakabisang marerekomenda ko, PAGTITIWALA.
Una sa lahat, nagaalala kayo dahil wala kayong alam, sa tao, sa bagay, sa lugar, sa pangyayari, sa lahat! Bakit hindi nyo gawing magtiwala sa tao, sa bagay, sa lugar, sa pangyayari, sa lahat? Hindi magtatagal malalaman nyo ang dahilan kung bakit hindi kayo dapat mag-alala.
Aminado ako sa pagkakataong ganito. Inis. Galit. Pagpipilit na magsalita. Pero kung ayaw sabihin ng tao, may magagawa ba ako? Dapat ko pa bang ipilit ang gusto ko? kung ganun ang gagawin ko, parang kong pinapasok ang nais ko sa isang planong gawa naman ng iba.
Kung nais nyong makatulong...
magtiwala...
sumuporta...
Kung may hindi tama, bigyang puna...
pero hindi manggagaling sayo ang paraan
hayaang bumukas ang solusyon sa kanilang isipan
hayaan mong sa kanila manggaling kung ano ang kailangan
Humihingi sila ng katahimikan? bigay mo ang katahimikan
Humihingi sila ng maiiyakan? bigay mo ang kanilang maiiyakan
Humihingi sila ng tulong? bigay mo ang tulong
Humihingi sila ng panahon? bigay mo ang panahon
sa madaling salita, kung gusto mo magpunan ng isang bagay, hindi manggagaling sa'yo ang pangangailangan, sa KANILA. Dahil alam mo naman sa sarili mo kung ano ang kaya mong ibigay. Ang tanging hindi mo lang alam ay kung alin sa mga doon ang dapat mong ibigay. Kaya habang hindi mo pa alam kung ano ang pangangailangan, wala kang ibang dapat kundi ang pagtitiwala. Ang suporta, hayaan mong nakahanda. Ang tulong, hayaan mong nakahanda.
Hindi lahat ng binibigay kailangan tanggapin. Hindi lahat ng nagbibigay aasahang ito'y tatanggapin. Ang dapat lang tanggapin ay ang tanggapin na ganito ang nangyari... ibigay ang dapat na ibigay... ilagay sa tama ang dapat na isatama...
~~~ooo~~~
Humihingi ako ng tawad.. dahil hindi ko gustong paiyakin ka nung gabing iyon.
Alam ko... may pagkukulang ako.. pero ang mali..ano?
Kung mabasa mo ito, sana maintindihan mo.
HIndi lang basta maintindihan bagkus
maunawaan
Kung bakit ako nakatahimik?
kung bakit kailangan ko ng katahimikan?
kung bakit hindi ako makapagsalita?
kung ano ba ang aking dahilan?
iaalay ko ang sulatin na ito sa'yo.
ito'y para malaman kung ano ba ako sa tingin mo?
ano bang klaseng tao ako?
kilala mo ba ako?
Iiwan ko sa'yo ang paghusga.
dito mo ako simulang husgahan...
hawak mo ang desisyong kung babalikan mo pa ang pahina ng libro hindi mo maintindihan at uunawain o tuluyan mong bibitawan at hahanap ng maganda at madaling maintindihan
na libro...
Gusto ko lang... mabasa mo 'to...para hindi mo maisip na nakatahimik lang ako at hindi nagiisip....
Gusto ko lang din malaman kung ikaw pa rin ba ang mambabasa ko o ibang tao na ang nasa tabi ko...
Kung ikaw pa rin ang mambabasa ko...
yakapin mo akong nakaharap sayo...
Pero kung ayaw mo nang ituloy ang libro ko..
hawakan mo lang ang kamay ko
and just simply say ..
"I give up..."
Ayos lang yun.. lahat naman talaga may hangganan at naiintindihan ko yun...
--mimi--

0 Comments:
Post a Comment
<< Home