--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Thursday, April 28, 2011

Liham para sa aking Boss "Bossing"

Dear Boss,

Nais ko lang ipaalaam (na malamang alam nyo na) ang matagal nang tumatakbo sa utak ko ay nagkaroon na ng katuparan. Hindi ko pa intensyon sanang gawin pero mukhang walang silbi kung mananatili na lang itong gumagana sa utak ko. Kaya marahil para matapos na ang kahibangang namumuo sa isip ko ay pinagbigyan mo na ako.

Sa hindi inaasahang oras at panahon, sa ganung sitwasyon pa talaga. Kung saan e, mahina ako at may nararamdaman. Walang kahandaan sa sarili, "on-the-spot"! inilabas nyo sa utak ko kung ano ang mga namumuong sitwasyon at scenario na maaring mangyari sa totoong buhay. Bagamat may mga ilang parte sa inisip ko ang hindi naisagawa at nasabi, ang pinakamahalaga ang sya mong pinalabas sa'kin. Yun pa talaga! Hindi ko lang inaakala. Marahil sinadya mo o sabihin na nating yun na ang tamang panahon binigay o nilaan mo para matapos na ang mundong nilikha ko mula sa aking isipan buhat sa mundong ibabaw. Sa ngayon, masasabing kong sapat na para ipahinga ang isip ko sa mundong iyon.

Bagamat nakaranas ako ng mabilis na pagpintig ng puso, panlalamig ng kamay, at kawalan gana sa pagkain dahil kaba. Pinilit mo akong ilabas mula sa aking bibig ang dapat kong maiparating at masabi. Nagpapasalamat ako dun dahil kahit nagkaroon ng pagkakataon na na blanko ang isip ko, ibinalik mo ulit ang mundong binuo ko sa isipan upang malaman ang dahilan kung bakit ako nagsasalita at maipagtanggol ang sarili. Hindi mo pinahintulutang basta na lang ako masigawan at mabuo ang maling panghuhusga sa kin. Sa pagkakataong iyon sinalo mo na naman ako! Ayos!

Pero alam mo po... (parang ngayon lang ako ng "po" sa inyo. ngayon lang ako gumalang! heheh) bigla akong napaisip. Hindi ba't dapat ako pa nga ang magalit dahil parang ako ang niloko dun? Bagkus, ako pa ang nagpakumbaba. Bagamat pinaliliwanag ko ang parte ko, ako pa rin ay nagmahinahon at tinanggap ang masasakit na salita gayung dapat ako ang sumusumbat, ang ako magagalit, maiinis at maiirita. Pero kabaligtaran ang nangyari. Marahil gawa na rin ng turo nyo palagi sa akin, naging dala dala ko na sa ugali ko. Unaware na ganun na pala lagi ako makapag-react. Automatic na! Ang tindi naman talaga ng turo! Laki talaga ng epekto sa buhay ko.

Sa nakalipas na mga araw, parang ang bait bait ko? hahah... o ako lang nakakapansin nun? :P
Sinusubukan kong mabawasan ang kasalanan ko. Una kasi pakiramdam ko, gawa ako ng gawa ng paraan para hindi magroon ng conflict sa mga tao sa paligid ko. Successful naman in a sense na ako ang nag-adjust para sa kanila. Ang masakit lang, I'm expect that they will do that also! Not all of them can do that. Kaya minsan natanong ko sa sarili ko. I'm always making things in balance. Fair to everyone but what do I get for myself? Though sige, dumating na ako sa point na hindi na mag-expect pero... kung minsan na nasasaktan na nila ako ( they dont know that 'cause I know how to conceal and understand the situation) san na napupunta ang pagbabalanse ko? yung fairness? yung equality? Oo! nasa kanila pa rin at binibigay ko yun sa kanila! Pero kakabigay ko parang nawala na ata ang para sa akin! Minsan ko na rin naitanong sa sarili ko nga lang, yung sa sobrang pagbibigay sa kanila, yung tipong mga salita kong "oo naiintindihan ko yan.. nauunawaan ko yan...oo tinatanggap ko yan" "Eh kayo kaya nyo bang gawin din yun sa'kin? iniisip nyo ba ang ganitong bagay? mga lahing ati-atihan naman kayo eh! halabira lang ng halabira! wala kayong iniisip kundi ang sarili nyo?" Pero ako namang 'tong si martir ginagawa kung ano ang sa tingin ay dapat na gawin para sa ikabubuti ng lahat kahit medyo nasasagasaan na. "Fair" pa rin ba ako sa sarili ko? Hay... napahinga tuloy ako ng malalim.

Dahil sa marunong akong sumunod, Super duper effective naman kasi talaga ang turo nyo, kaya super duper din ang magandang ending ng lahat ng nangyari! I have no doubt about it basta alam kong kayo ang namumuno at kayo ang Boss ko.

Boss, sana marami pa akong magawa sa mundo. Masyado na akong nagiging mabait sa mga tao sa paligid ko. Umiiwas na ako ngayon na magalit o magtanim ng sama ng loob. Hirap kasi kapag may pasan na ganun. Sobrang bigat! pero wag sana maging senyales ito na ipo-promote nyo na akong maging assistant at kasa-kasama nyo dyan sa pwesto nyo. Medyo naeenjoy ko pa ang kinalalagyan ko ngayon. At tingin ko marami pa akong dapat matutunan at mapagdaanan. Ok lang kung bigyan nyo na lang ako ng bonus pero wag muna ang promotion! hahah..

Salamat sa lahat ng tulong at patuloy na paggabay at pagsuporta. Sa hindi pag-iwan sa anumang oras na tawagin ko kayo. The best Bossing ka talaga! (naku! umuubo ako... Boss wag muna!hahah)

Hanggang dito na lang at kasalukuyan pa akong nagpapagaling. Don't worry, Boss! Kayo lang din ang mangagamot ko. :)


Inyong masugid na manggagawa,
--Orange--


P.S.
Boss, kung mabasa mo man na may typo, redundancy itong sulat ko, hayaan mo na't pagpasyensyahan na lang. Dala lang siguro ng antok kaya hindi ko na nagawang i-check at i-edit. Salamat ulit! Sana tumagal ako sa serbisyo! tatagal ako basta't wag nyong tanggalin ang tiwala nyo sakin! :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home