--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Sunday, May 15, 2011

Random thoughts...

Sa aking pagising
may mukhang makikita
sa liwanag ng umaga
dala ang pag-asa...

Sa aking pagtulog
may yayakap na kumot
sa mudong masalimuot
pusong nababalot ng poot

Sa aking paglakad
hahanapin ang hantungan
sa paligid puno ng katanungan
makakahanap ng kanlungan

Sa aking buhay
matutuyo ang mga dahon
tatangayin ng mga alon
ngunit ang mga alaala ng panahon
ang hindi lalamunin ng kahapon...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home