Mensahe sa cellphone
"Hindi ako makahinga" animo'y isang awit na kumokoro sa kanyang isipan matapos nyang mabasa ang text sa kanyang cellphone. Isang buntong hinihinga na sinundan pa ng pangalawa, pangatlo, pang-apat. Ang ikalima, sinundan na ng panghahapdi sa mata. Sa kanyang isipan, marahil dala ng antok, madaling araw na kasi, saktong alas dose nung muli nyang tignan ang orasang nakadikit sa dingding ng kanyang kwarto. Pinakiramdaman nya ulit ang pananakit ng kanyang mata sabay ang muling pagbuntong hininga.Hindi pa rin nagbabago ang pintig ng kanyang puso. Nilagay nya ang kanyang kaliwang kamay sa kanyang dibdib upang damhin at pakinggan ang himig ng pusong pumipintig. Pero mahina, hanggang wala syang maramdamang pagtibok. Patuloy pa rin ang paghangos. "patay na ba ako?" tanong nya sa kanyang sarili. Muli nyang nilagay ang kanyang kaliwang kamay sa dibdib. ilang segundong nanatili ang kamay na animo'y may tenga para madinig ang nawawalang pintig. Huminga ulit ng malalim. Nananatili pa rin ang kamay sa kanyang dibdib at patuloy na hinahagilap ang malakas at dating himig. Batid na ng isipan na humina lang ang pintig. Kinukumbinsing sya'y buhay pa rin. "buhay pa ako!"
"Hindi ako makahinga" umulit ulit sa kanyang isipan. "Bakit ba gantio ang nararamdaman? dahil ba nabatid kong alam nya pala kung ano ang katotohanan? nalaman nya na ang matagal kong pinahihiwatig? at ngayong kanya nang napansin, nabigla ang puso kong nananahimik! matutuwa ba ako o malulungkot? dapat ba ako maging masaya? alam nya na? sa wakas at napansin nya na! dapat na akong magsaya! nagawa ko ang dapat kong gawin! dapat na ako magsaya! sa wakas ay alam nya na! hahahah... pero dapat nga ba akong magsaya?"
"Hindi ako makahinga" sabi ulit ng kanyang isipan kasabay ang paghinga ng malalim na animo'y nauubusan na sa loob ng kanyang katawan. Napatingin ulit sya sa kanyang cellphone. Hindi naalis ang kanyang mata sa maliit na bagay habang naglalakabay ang kanyang diwa sa mga alaalang dati nilang pinuhunan. Napapikit sandali at huminga ulit ng malalim. Muling iminulat ang mata sa apat na sulok ng silid. napatingin sa ilaw sa kisame. Naghahanap ng kaliwanagan sa madilim na isipan. Muli nyang ibinalik ang tingin sa cellphone. Hinawakan. Nais basahin muli ang mensaheng naging sanhi ng hindi nya paghinga sa tama. "Ayoko ng nabibigla eh!" sabi nya sa kanyang sarili ng may pagkainis habang nakatuon ang tingin sa cellphone. Hawak ang cellphone, hindi nya mapindot ang keypad papunta sa mga messages. Huminga ulit ng malalim. " Hindi ko na kailangan balikan at basahin pa ulit ang mensaheng iyon! Hindi man eksakto ang salita pero hindi na mawawala sa isipan ko ang diwa!" Binaba nya ang cellphone mula sa kanyang kamay. Nilayo sa kanyang paningin. Pumikit. Huminga ulit ng malalim para sa puso nyang kinulangan pintig.
"dapat ba akong matuwa? dapat matuwa ako. Nalaman nya ang gusto kong iparating. yun naman talaga iyon. Pero bakit masakit? masakit. nakakalungkot. nakakalungkot.... sakit ba talaga ang hatid ng katotohanan?"
"Hindi ako makahinga" sambit ng kanyang puso't isipan. lalong tumintindi ang paghangos nya ng hangin. "dahil ba napansin nya ang kakulangan? nabatid ko ang katotohanan? bakit may sakit akong nadarama sa puso? bakit sa halip na matuwa ay nalulungkot ako? lalo akong nahihirapang huminga sa pagsabi ko ng katotohanan. Ganito ba talaga?"
Tumingala. hinarap ang mukha sa liwanag dala ng ilaw. Unti-unting umagos ang tubig. Humahapdi ang mata. "antok na ako. dala siguro ng antok" pilit na kinukumbinsi ang sarili. Napatingin sa magkapatong na unan. Nahiga. tuloy pa rin ang pag-agos ng tubig sa mata na animo'y tubong may tagas. "antok lang ito. bakit may kirot sa puso? katotohanan...." muling napabuntong hininga. "kung ang pagsabi at pagalam ng katotohanan ay sanhi ng hindi ko maayos na paghinga, ayos lang kung ito angaking ikamatay...."
"hindi ako makahinga....." buntong hininga...."hindi ako makahinga...." habang patuloy na tumutulo ang ulan sa kanyang pisngi. "hindi ako makahinga....hindi ako makahinga" animo'y isang awit na kumukoro sa kanyang isipan.
Akap ang kanyang malambot na unan. ang kumot ang nagsilbing panyo para matuyo ang basa dinulot ng ulan. ang unan ang nagsilbing kanyang sandalan. "ala-una na pala!" Ikinubli ang sarili sa kumot. magkahawak ang kaliwa't kanang kamay nang mahigpit.Pinikit ang matang tinutuyo pa ng hangin, sabay ang sambit na " Panginoon, kaya ko 'to Kaya ko to!" Ngumiti. at hindi na binuksan ang mga mata ulit. Pinatangay na ang sarili sa mundong hindi kailangang magbuntong hininga. Mundong may sapat na hangin na syang sasagip sa kanyang paghinga ng malalim.
-wakas-

0 Comments:
Post a Comment
<< Home