--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Monday, May 28, 2007

finally...

May 28, 2007 8:38pm Monday

musta na sa blog kong 'to? ang tagal kong hindi nakapagpost. Maraming beses ko ng binalak magpost dito simula nung bakasyon pero ngayon ko lang tinotoo.

~O~

Monday, ngayon dapat ako pupunta ng skul para mag-encode ng subject ko for this 1st sem kaya lang hindi natuloy dahil sa mga personal na ring dahilan. Mas ginusto ko na lang pag-aksayahan ng pera ang mga tao dito sa bahay kaysa ang gawing pamasahe papunta sa skul, tapos wala ring mapapala dahil hindi pa lumalabas ang grade ko sa acctg. Although may usapan na kami ng kaibigan ko na sabay kami ngayon..wala akong magagawa dahil mas mahalaga ang dahilan ko ngayon..>P

Ako na ang tumaya ng merienda sa bahay...(siopao sa andoks! mas masarap yun..malaki kaysa sa siopao ng chowking na bukod sa maliit na nga mahal pa!) ..mas ok na dun ko ginastos at least nagbenefit ang tiyan ko at tiyan naming lahat! :)

Pagdating ng gabi...may isang tao na lang na naligaw sa cell ng kapatid ko at nagtatanong kung nakapasa daw ba ako...Malay ko! dahil hindi naman ako pumunta ng school even though may nagbalita sa akin na nagbigayan na raw ng grades..hindi pwedeng pasabi sa iba, kailangan personal mong matanggap pero hindi pa rin nae-encode. Naisip ko..kung tumuloy pala ako..nakapag-encode na rin ako ngayon, alam ko na ang grade ko sa acctg..Pero ayos lang..mas masayang makitang nasarapan ang mama ko sa libre kong siopao. Isa pa pwede naman makita yun sa student portal..ayos pa rin..

Kaya lang ang malaking problema..nasira ang chord na pinagkakabitan ng line through computer. Inayos ng kapatid ko ang chord alang-alang sa paggamit nya ng friendster. Ayos nga ang chord, nagka dial tone nga ang phone pero hindi umubra sa computer. I have no choice...kaysa maghintay ako sa pag-ayos nya ako na lang ang gumawa ng paraan. Ayos naman ang naging resulta ng ginawa ko...obvious naman ang naging result dahil nakapag-post ako ngayon at nakita ko na ang grades ko.

~o~

Nakita ko na ang grades ko. In literature 101 (literature of the Philippines) I got 1.50..mataas ang binigay sa akin ng prof ko..kahit nakikita nya na parang antukin ako sa klase. Aminado naman ako na mukha akong antukin dahil inaantok talaga ako. Biro mo ba naman kasi 2:00-4:00 ng hapon..siesta..pero kahit mukha akong antukin..alam nyang lagi akong nagpe-pay attention pag nagsasalita sya. Im always ready and prepared whenever I come to his class...nagre-recite pa ako sa lagay na yun..kahit inaantok ako. I think I deserve naman to have a grade na 1.50. Siguro kaya hindi ko napa 1.25 yan ay dahil sa mga quizzes ko...medyo nagpahinga kasi ako nitong finals sa subject nya dala ng pag-focus masyado sa accounting..topic..Investment.( masyado pala akong nagmayabang...huwag mo na lang pansinin..)


Accounting..finally..nakapasa na ako. Siguro dala na rin ng binigay ko talagang effort para makapasa..pero sa totoo lang..I dont expect na aabot ako sa quotang grades dahil mababa pa rin ang mga nakukuha kong grades sa mga quizzes nitong finals. Pero nakakatuwa at least pasa ko na..kaya lang, medyo nakakaramdam pa rin ako na parang "pinagbigyan" lang kaming mga bagsak na makapasa ngayon. Ewan ko...siguro dala lang 'to ng nangyari sa akin kaya parang ang dating...hmmm..basta! kahit effort ko na nga ang batayan...parang "pinagbigyan" pa rin kaming mga binagsak nya.

Sa kabilang banda, Kung ibabase ko talaga ang marka ko nitong midterm..tingin ko papasa ako (ayoko lang ibulgar at ipagkalat dahil baka mapahiya ako bandang huli!) I almost passed all of my quizzes...tapos I had 2 failed quizzes na may grade na 73. From that time, I really assumed na papasa ako nung midterm..But nung dumatng ang finals...I had a doubt na..umaasa na lang ako sa topic na "inventory"...dahil dun ko na lang babawiin ang grades ko..I think ganun nga ang nangyari kaya nakapasa ako. And maybe..nung nagfinals kami...marami siguro akong nakuhang points kaya yun..nahatak!

~o~

Ayos na sakin 'to ngayon..dahil pasa na ako. Ayos na 'tong nangyari dahil at least hindi nasayang ang bakasyon ko sa skul. Hindi rin masasalaula ang sched ko (pero ewan ko rin dahil baka maubusan ako ng slot). At mas lalong hindi nasayang ang pagpo-provide ng dadi ko sa summer na 'to.

~o~

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin this coming sem dahil bukod sa nagkahiwa-hiwalay na kaming magkakaibigan (sumuko na s accounting) financial acounting pa rin ako next sem. Part 2..haharapin ko ang part 2 na may dagdag na subect na taxation. Humihirap na ang mga subject na kinukuha ko ngayon..pero sana makayanan ko pa rin.. (basta hwag lang uli ako magiging wirdo at tamarin)



=aimme=



I really want to change the concept of my blog pero parang laging dito sa topic na'to nauuwi...pero sige..I will still try..pagsinipag-sipag ako magsulat...


---;--<@