--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Saturday, December 17, 2011

Tama ka na

Hindi na makapagsalita
nawawalan na nang gana
Walang masabi, walang magawa
Paggising sa umaga
agad nakatulala

Hindi ko 'to ginusto
basta na lang ako natuto
baka maging masaya tayo
kung isa sa atin ang lalayo

Tama na...
sa mga pangako mong masaya
Bakit ngayon lumuluha
Kung sabi mo ay liligaya

Tama na...
sa mga pangako mong aalagaan
Bakit ngayon gan'to ang nararamdaman
Ako ngayon nasasaktan


Dala sa panaginip
ang sakit sa pagiisip

ang sugat sa damdamin
hanggang kailan pahihilumin

Titingin sa araw
palilipasin ang oras
sa gitna ng mga galaw
darating din ang oras...

1 Comments:

  • At 7:50 PM, Anonymous Anonymous said…

    Hindi ako nag aabang ng iyong papuri,
    sapat na sa akin na ako’y iyong mapansin…

    Minsan lang ako magkwento
    Dahil hindi ko ugali magsalita ng libo
    Kaya’t kung ang tinig ko’y iyong marinig
    Di ako mag aabang ng iyong papuri
    Sapat na sa akin na ako’y iyong bigyan pansin

    Di ako talentadong tao
    Hindi ako mananayaw o singero
    Ngunit kung ako’y napaindak o
    Awit sa bibig ang syang tumulak
    Hindi ako mag aabang ng iyong papuri,
    Sapat na sa akin na ito’ iyong mapansin

     

Post a Comment

<< Home