"Kawawang bata. Malungkot sya"
"Taba, anong problema?
Kahit ako ba hindi mo papansinin?
"Kawawang bata. Malungkot sya." Sino ba ang bata? Bakit sya malungkot? pakisabi.. "
****
Tahimik syang umakyat ng hagdan patungo sa kanyang kwarto. Nang matunton ang silid na kinulob ng init ng panahon, agad syang naghubad ng jacket at inalis ang nakasukbit na body bag sa kanyang balikat. napatingin sa salimin. pinagmasdan ang sarili. unti-unting namumuo sa kanyang isipan ang katanungang "ano bang gagawin ko?".
Nabalot ang buong silid ng katahimikan, bagamat ang kanilang sala ay laman ng tawanan, ingay ng t.v. at masayang pamilya, Kabaligtaran iyon sa kung ano ang nararamdaman nya ngayon. Humiga sa malapit na kama. Ipinikit ang kanina pang inaantok na mga mata. Sa kadiliman ng kawalan, muling may nabuong katanungan sa kanyang isipan,
"bakit ba sa tuwing naiiwan akong mag-isa parang nalulungkot ako? wala namang malulungkot na alaala na pumapasok sa aking isipan para masabi kong may dahilan ako para malungkot, pero yun talaga ang nararamdaman ko ngayon!"
Nangibabaw ang katahimikan ng silid. Tanging ingay lang ng bentilador at pintuan ng kabilang kwarto ang tunog na maririnig. Bumangon. Naaninag na muli ng kanyang mga mata ang liwanag ng kwarto na kanina lamang ay pawang kadiliman lamang ang nakikita. Tumayo. Humarap sa salamin. Tinitigan ang sarili. Pinagmasdan ang pagod na mata, pawisang mukha. Matapos siyasatin ang sarili, saka binitawan ang mga salitang nag-iwan ng katanungang walang kasagutan "Kailangan ba ng dahilan?"
Sa tindi ng init na napapaloob sa kwarto kasabay ng magulong isipan at hindi maintindihan na emosyon, nakatayo sya. Nililibot ng mga mata ang silid. Naghahanap kung ano ang gagawin. Pero sa apat na sulok ng silid, wala syang ibang nakikita kundi ang dati pa rin. "Magaayos ng gamit para bukas. magaayos ng pinamili kanina. Magbabasa. Mag-aaral. Manonood? Maglalaro? parang ayoko na! ito ba ang gusto kong gawin? paulit-ulit na lang! pero kung hindi ito, ano? ano yun? sang lupalop ka ba nagtatago? ayaw mo pa magpakita! ayaw mo pa magpakilala para hindi na ako nag-iisip! Buhay!"
Buntong hininga. Malalim ang pinagmulan ng hanging lumabas sa kanyang ilong. Sa oras na iyon, saglit na tumahimik ang nagrerebolusyong isip at damdamin. Isa pa ulit na buntong hininga ang kanyang ginawa. Sa pagkakataong iyon, unti-unti nang nagiging payapa ang kanyang isipan. Napatingin sa ilaw ng kisame. Yumukong buhat ng kaliwang kamay ang noo. Napangiti. "Hindi ako ito. Hindi ko ito gusto! Ito ba talaga ang gusto ko sa buhay ko o baka napipilitan lang ako? wala na kasing ibang sasalo. Kung hindi ako magpapakatino, kung hindi ko iaayon sa takbo ng panahon, o sa binigay ng tadhana, ano na lang ang mangyayari? Meron bang sasalo? Kung may magtatanong kung bakit ko sinasalo, meron ba akong mapapasahan? kung may mapapasahan... kakayanin ba ito? kakayanin ba nilang gawin ang aking ginagawa? mapapanatili ba nilang maayos at kontrolado? malakas ba ang kanilang loob para gawin ang hindi nila gustong gawin? kaya ba nilang panindigan ang "dapat" na gawin sa "gusto" mong gawin? kaya mo bang magkunwari? Minsan, hindi ko na alam kung totoong bang naliligayahan ako kung parang nakasanayan ko nang gawin ang kung ano ang ikaliligaya ng iba."
Naglakad. Tinungo ang kabinet na sinisidlan ng kanyang mga damit pambahay. Naghubad. Nagbihis. Mabigat ang kanyang pakiramdam. "Ako na lang ang natitira..." Ang lungkot na kanyang nadarama ay sinasamahan ng panghihina ng katawan. Nilibot nya muli ang kanyang mata sa paligid ng kwarto. Napansin nya ang bodybag na nilapag nya sa sahig kanina, nung pumasok sya sa kwarto. Biglang pumasok sa kanyang isipan ang mga dapat nyang gawin. Iniwas nya ang tingin sa itim na bag na nasa sahig. Pumanhik sa sarili nyang kama. Naupo at sumambit, "ayoko na munang gawin ang lahat ng ito. bahala na bukas!"
Kinuha nya ang laptop.Binuksan nya ito. Nagbabakasakaling mawala ang sinasabi ng utak nya na "lungkot". Habang nagbabasa pa ang laptop para sa maayos na pagbukas nito, ayaw syang tigilan ng animo'y multo na gumagambala sa loob ng kanyang isipan. Pinipilit syang gawin kung ano ang dapat na ginagawa nya ngayon. "tsk! isang simpleng bagay, simpleng gawin... pero hindi ko magawa ngayon! ayoko mag-ayos kaya tigilan mo ako!" Maliwanag na ang screen ng laptop. automatic na nakaconnect na sa internet. Agad lumitaw ang yahoo messenger. Nag "sign-in" pero invi mode. Nakita ang mga online sa kanyang naka-save sa contacts. Napakamot sa ulo. Medyo natauhan na rin ang utak sa pilit na sumisigaw na tinig mula sa taong naninirahan sa kanyang isipan.
"Sige na nga.. mamaya gagawin ko. Tutal..." Isang buntong hininga ang muli nyang ginawa bago nya itinuloy ang kanyang sasabihin. "...tutal...dun ko sila mapapaligaya. Sa ganoong paraan ko mababawasan ang kanilang aalahanin. Sa ganoong paraan ako makakatulong. Kailangan magpakita ako ng pag-asa! Ayos na ba yun sayo?"
Isang malalim na paghinga. katahimikan..sa kanyang isipan parang syang isang baliw. Nababaliw.
Inopen nya ang Firefox.. Tinayp ang Facebook. automatic na nakalog-in na.. hindi na sign-out. Agad pinuntahan ang "application" na madalas nyang gamitin- "God wants you to know..." sabik syang malaman kung ano ang sasabihin sa kanya ng Poon.
"On this day of your life, we believe God wants you to know ... that if you're feeling stressed, take care of your body. "
"Breathe, stretch, move, get a massage. Your body will thank you and your spirit will feel renewed. God wants us to take care of body, mind, and spirit. "
:-|
"pagod lang siguro ako kaya ako nagkakaganito..hahah.." Ipinost ang mensahe. Tumingin tingin kung anong meron sa facebook, kagaya ng kinagawian... Ngunit bigla na namang nagparamdam ang dilemang kanina lamang ay tinapos nya ang usapin. "Anak ng! ano na naman ito? Tsk!" Kinilick nya ang taong nag-post. Plano nyang bigyan na lamang ng private message kaysa malagay ng comment sa ibaba ng post. Sinabi din kasi ng taong ito na hindi nya papansinin ang mag-comment. Alam din nyang personal itong itatanong nya kaya idadaan nya na lang sa pribadong paguusap. Kinilick ang "send a message" na button.
Nagtype.
"Taba, anong problema?
Kahit ako ba hindi mo papansinin?
"Kawawang bata. Malungkot sya." Sino ba ang bata? Bakit sya malungkot? pakisabi.."
Hindi pa man nakakarating sa nais nyang sabihin ang sulat na kanyang ginagawa... tinigil nya ito. "NiCopy-Paste" ang salitang unang ginawa saka kinansel ang hindi pa natatapos na mensahe. Pumunta sa website ng kanyang blog.
"parang gusto ko na lang magsulat..."
Nagbukas ng notepad. Kinuwento ang kaninang mga nangyari. Pero bilang panimula ng kwento, ang naudlot na mensahe ang nagsilbing panimula ng kwentong isusulat nya at ito rin ang magiging katapusan ng kwento at naudlot na sasabihin sa binalak na ipapadalang mensahe.
"Taba, anong problema?
Kahit ako ba hindi mo papansinin?
"Kawawang bata. Malungkot sya." Sino ba ang bata? Bakit sya malungkot? pakisabi.....
ako din ay ganoon. Kailangan ko ng tulong. Maari ba syang makausap ngayon?"
*****

0 Comments:
Post a Comment
<< Home