--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Friday, June 01, 2007

Friendster issue


Friendster account?

Mga 97% filipnos ang mayroon nito ngayon. (ayon lang sa akin!) Pero kung tatanungin mo ako kung meron ako nito, sasagutin kitang..isa ako sa 97% na na may account nito.

Nagkaroon ako ng friendster account na ate ko ang gumawa. Nung mga oras na kasi nun hindi ako masyadong aware sa mga ganitong "pakulo" sa net. Ang alam ko lang nung mga time nito ay e-mail...more than that anime tapos...wala na! Kaya nagkaroon ako ng account 'di oras.

~o~

Ano bang meron sa friendster account??

Kung ako ang tatanungin, ang alam ko lang dito ay koneksyon sa mga kaibigang nasa kung sang lupalop na ng mundo. para at least kahit papaano ay may komunikasyon pa rin kayo sa isa't isa. Bukod dun wala na akong masyadong alam sa description pa ng friendster na'to. May account lang ako pero hindi ko masyadong binubuksan at pinakikialaman.

features??

Ayon sa mga naririnig kong "users" ng community nito, ito raw ang mga features nito:

~pwede mong hanapin ang mga matagal mo nang nawalay nakaibigan (na nagawa ko minsan pero hindi ko nahanap..sya ang nakahanap sa'kin!)

~ meron din itong "testimonial" na tinatawag na kung saan ide-describe ka ng mga kaibigan mo kung sino ka at anong ugaling meron ka (bukuhan ng ugali kung tutuusin..)

~uploading pictures and videos

~"homepage" ang tawag ko pero "profile" ang nakalagay na menu dun..na kung saan ikaw nga mismo gagawa ng design ng "webpage" mo. Kaya yun tawag ko "homepage" kasi parang yun ang nagsisilbing pinaka home nag page mo sa friendster.

~blog

~bulletin board o...parang shoutbox na hindi rin pala matatawag na shout box. Basta! mas maigi nga siguro tawaging "bulletin board" yun dahil once na nagpost ka dun lahat ng friends mo makakabasa nun.

Marami pang features ang friendster pero yan lang ang natatandaan ko dahil yun lang ang nakita ko at madalas kong marinig sa mga "users" nito.

~o~

E-mail vs Friendster...

Wala ring pagkakaiba ang friendster sa e-mail. Pwede ka ring mag-send ng private message sa friendster. (minsan ko na rin 'tong ginawa dahil binigyan ako ng friend ko ng mail sa friendster).Bukod pa sa message na pwede mong ipadala, pwede ka ring mag-share ng mga photos. Pwede mong maipakita ang pictures mo lahat ng friends mo by the use of "send a smile".

Kung tatanungin mo ako kung paano ko pa yun nalaman..May nag-send kasi sa' kin ng picture. Classmate ko sya, pero hindi ko close..lalaki pa. hindi ko alam kung private mail yun o para sa lahat ng friend nya pero ito lang masasabi ko..kung para sa lahat lang ng friend nya yun...pano nangyaring pati ako napadalhan eh wala nga sya sa "list of friends" ko?? Marahil talagang pinadalhan nya ako. Pero ang tanong, bakit??

Anyway, matagal na yun..hindi ko na dapat inopen dito dahil napalayo lang ako sa topic. Magmimistulang wala talaga akong alam sa friendster dahil hindi ko alam kung papaano nangyari yun..
~o~

Friendster issue..

Ba't nga ba ako nagsulat tungkol dito??

Tulad ng sinabi ko kanina..may account ako pero hindi ko masasabing isa talaga ako sa mga "users" nito. Medyo napapataas ang kilay ko 'pag may usaping friendster although sa mga nabanggit kong features nito ay mukhang hindi naman masama magkaroon ng ganitong account. Kung tutuusin may pakinabang naman din talaga ang pagkakaroon ng friendster account sa mga taong nawalan na ng koneksyon sa mga naging kaibigan nila. Pero may nakikita lang din kasi akong hindi tama..
Hindi mo masisi ang pagkakaroon ng "friendster" sa net dahil isa lamang itong programa sa net na kung saan tao pa rin ang nagpapagana para maging useful o kapaki-pakinabang sa web. So, ang maari ko lang sisihin ngayon ay ang taong gumagamit nito.

May nakikita kasi akong hindi tama. Hindi tama sa paggamit at hindi sa features o pakulo ng "friendster" na yun. Ang issue lang kasi masyadong nahuhumaling ang mga taong gumagamit nito kaya tuloy nawawala na sa hulog ang lahat.

Isa kasi ang kapatid ko sa masasabi kong regular na user nito. Madalas nyang buksan ang kanyang friendster account para magdagdag ng friend, mag "testi", palitan ng pictures o dagdagan ng mga pictures, o kung anu-ano pa. Kung tutuusin dapat wala akong pakialam sa ginagawa nya. Pero alam mo ba na ang friendster habang naaliw ka sa pagaayos at paglalagay ng kung anu-ano dyan na pinagkakaabalahan mo ay numanakaw na ng mahigit ilang oras?! Marahil pagaayos pa lang ng "profile" mo ay aabutin ka na ng ilang oras lalo pa't mabagal mag-load ang kompyuter mo? nako! patay na ang bill mo sa kuryente.

At dahil pa sa magagandang features ng friendster, ang kapatid ko ang nagmimistulang kwago na laging gising sa gabi dahil sa pag-aayos at pagaapprove ng mga bago nyang kaibigang nakilala sa chat. Isa na naman itong dahilan kung bakit tataas ang kuryente namin at phone bill sa ginagawa nya.

Kanina nga lamang eh..kauupo ko lang pero parang gusto na akong paalisin. Tinanong ko kung bakit gusto nya na naman gumamit. At as usual..friendster na naman! Papayag naman sana ako..dahil wala akong pakialam kung anong balak nyang gawin basta hwag lang umabot ng sobrang gabi. Pero ang nangyari kasi..maghapon syang nasa kompyuter. Bago ako matulog ng tanghali...nakita ko syang gumagamit ng kompyuter at nagfe-friendster pa. Tapos bago kumain at pagkatapos kumain..nagkompyuter uli sya at yun na naman ang nakita ko sa screen. Tapos ngayon malapit na naman lumalim ang gabi...hihiramin nya uli ang kompyuter para na naman sa ganoong dahilan! Anak ng yan! parang daig pa ng friendster ang drugs! ayaw tigilan ng mga tao...adik na ang kapatid ko!

tsk..tsk.tsk.
~o~

"May account ako pero hindi ako user..."

May account ako pero hindi ako user kaya nakakapagsalita ako ng ganito. pero tulad ng sinabi ko kanina..wala naman sa "friendster" ang problema kundi nasa taong gumagamit nito. Nasa tao kung paano nila aabusuhin ang paggamit nito. Parang nga naman drugs, ano? Kasi nasa tao na lang talaga kung aabusuhin nila ang paggamit. tapos pag sumobra at nagustuhan nila yung drugs..yun magiging adik na sila.

Kung tutuusin normal naman na talaga sa mga tao na 'pag once na nagustuhan nila ang isang bagay..mahirap alisin ito sa kanila. Tip nila eh! Pero sana para hindi maging masama ang resulta ng lahat dapat gamitin sa husto at tama. 'di ba nga may kasabihan na "lahat ng bagay na sobra ay masama!". Parang sa accounting..dapat lahat ng ginagawa ay balanse..hindi pwedeng kulang, hindi pwedeng sumobra dahil kulang man at sobra ay masama. Hindi tama!

Hindi naman masama na gumamit ng friendster dahil tulad nga ng paulit-ulit ko ng sinasabi dito sa post na 'to maganda ang purpose ng friendster kaya nga marahil naaprubahan ito at masyado ng laganap sa net. Ang tanging problema lang talaga ay sa mga taong abuso sa paggamit nito na sadyang marami na ring napeperwisyo. Bukod sa perwisyo sa kuryente at phone..perwisyo rin sa mga taong hindi mo pinapagamit ng komyuter dahil sa pagiging adik sa friendster.

Katulad ng kapatid ko na nagmimistulang adik na dito. Tingin ko tama lang ang ginawa ko kanina na hwag muna syang pagamitin dahil at least nalalaman nyang medyo sumusobra na sya (taray kong ate ano?) at nawawala na hulog ang ginagawa nya. Kasi sa halip na itutulog nya na lang at ikapapahinga sa gabi..hindi ko alam kung ano pang balak nyang gawing importante sa friendster at nagiging madaling araw na ang tulog ng loko na pwede namang ipagpabukas! (pero ako gising pa rin dahil lang sa pagpo-post nito! ;P)

Marahil nakakapagsalita nga ako ng ganito dahil hindi ko pa talaga alam kung anong mas ikinaganda pa ng friendster sa mata ng iba at ng kapatid ko na ako ay hindi ko pa nakikita. Pero ang punto ko lang ay gamitin nila sa tama at sa lugar ang lahat nang sa ganoon kapag gagamit sila ay wala na sa kanilang sisita at magbabawal pa.yun lang ang akin...
~o~

Friendster vs Drugs?

Syempre sa friendster kana kumampi! Kasi kapag friendster, tenga mo lang ang masisira kada sermon ko pero kapag drugs kinabukasan mo ang masisisra. San ka pa??
=aimme=

Currently listening to: bakit nga ba?- mongols
Currently feeling: relieved