--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Wednesday, September 26, 2007

61st foundation day

Ang tagal ko na rin pa lang hindi nakakapg-post dito dahil sa... di ko lang trip mag-post!

My school is celebrating their 61st foundation day. Kung ikukumpara sa dati, medyo pinagtuunan nga nila ng pansin ngayon ang pagse-celebrate ng ganitong events. last year kasi hindi ito ramdam sa buong campus. Ni walang estudyante nga ata ang nakakaalam na foundation day pala nun, noon. At ang dating celebration noon ay kanya-kanyang department lang. Siguro ang maituturing lang na may magandang college week ay yung CCSS at CAS sa school. The rest.. lalo na ang CBA, walang kwenta. Masyadong abala sa pag-aaral na ewan kung aral nga ba ang pinagkakaabalahan ng department ko o sadyang may pinagkakaabalahang iba lang kaya ayaw mag-celebrate.

~o~

Umuwi ako ng maaga kanina. Usually ang pasok ko ay 7:30 ng umaga but umalis ako ng school ng mga 9:00 pasado rin ata yun. Wala naman pala kasing pasok dahil pumunta ang ibang mga professor sa Caloocan (UE CAL.) dahil may events din na nangyayario dun. Although sabi ng kaibigan ko pang-umaga lang ang may walang pasok tapos yung mga pang-hapon ay may klase na, kahit na may klase pa ako sa hapon, hindi ko na lang pinasukan at umuwi na lang ako agad. Tingin ko rin naman kasi mawawalan din yun dahil sa SFC field nagaganap ang ingay at celebration ng mga highschool students. So, wala sa tingin ko ang gaganahan pang magturo nun. Isa pa, ayoko kasing maghintay ng napakatagal sa campus na alam kong wala akong mapapala kaya umuwi na lang ako.

Tumawag ako sa kaibigan ko after kong matulog ng tanghali, tama nga ang hinala ko. Wala ring pasok sa hapon, even though hindi sulit dahil sayang sa pamasahe ang pagpasok ko kanina, ayos na rin dahil nakabawi ako sa tulog!

~o~

Last Monday, Since celebration week sa UE, nagkaroon g Mr and Ms. UE na ginanap sa theatre. HIndi naman kami required manood pero yun ang dinahilan namin sa prof namin sa last subject para mawalan na ng klase. Hindi naman kami pumunta ng kaibigan ko sa theater nun, nagpunta lang kami sa library at nagpalipas ng kaunting oras dahil ayaw pa naming umuwi. So ginawa ko na lang muna ang assignment ko sa philo.

Nung mga bandang hapon na rin yun, ewan kung anong naisipan namin at nagdesisyon kaming sumaglit dun sa theater. Maraming tao tulad ng inaasahan pero may space pa rin namang nakaalaan para maisingit namin ang sarili sa loob. Ang event pala na nangyayari dun ay sponsored by 99.5fm (nakalimutan ko ang station ID nila). May mga special guest na artist na magpe-perform. Pagkapasok na pagkapasok namin, saktong magpe-perform na si Glyza De Castro ng "boys next door" ( di ako sure sa surname dahil hindi ako pamilyar sa kanya at sa show nya) sa stage. Ayon sa kaibigan ko, magaling daw mag-guitar at mag-piano yung si Glyza. Talentadong tao raw yun. So... sagot ko... wala lang. HIndi talaga ako pamilyar sa kanya (halatang hindi na ako nakakapanood ng TV). Kumanta sya ng hindi ko alam na kanta. Actually dalawa yung kinanta nya pero yung una hindi ko alam. Sumunod, kinanta nya yung kay Paris Hilton "stars are blind"... yun! Nag enjoy naman ang karamihan.

Nung medyo hindi ko na trip ang panonood gusto ko na sanang umuwi na lang PERO buti na lang at hindi kami umuwi kaagad at dumiretso kami ng kabigan ko theater dahil tutugtog pala ang IMAGO. hehehe..guest din pala sila. Matapos ang special number ni Glyza, imago na ang sumunod. Wala ang bahista nila kaya si Kelvin Yu ng itchyworms ang andun. Hehehe..nakakita tuloy ako ng local bands na hindi sinasadya!

Ayos naman ang pagtugtog nila kaya lang nagkaroon ng problema sa bass ni Kelvin. Nangyari yun during their performance pero sige lang ang kanta ni Aia. Una nilang tinugtog yung bagong labas ata nilang kanta ngayon. Hindi ako pamilyar sa pamagat pero narinig ko na yun. Sununod nila ang AKAP, then SUNDO, TARALETS, and lastly, yung kasama sa album nilang Blush. Tagalog pero hindi ko alam ng pamagat. Bago sa pandinig ko. Nakakainis nga lang na kahit na may salamin na akong suot, hindi ko pa riin sila gaano makita sa tangkad ng mga taong nasa harap ko at bukod pa ron, talagang tumaas na ang grado ng mata ko. Balak ko na ngang magpasukat uli dahil problema ito sa darating na friday. Pero sabi ng kaibigan ko (uli) may pwesto ng nakaalaan sa amin sa events na yun... nakareserve na ang pwesto namin sa harap ng stage! Sana totoo...

~o~

This coming friday, may pupunta uling banda sa UE sponsored by MYX. Sa nakikitang kong pag-aadvertise ng MYX sa TV, may mga campus tour talaga ang mga opm bands. "Slam Jam" ang nagsilbing slogan nila dun. Makikipag-jamming ang SANDWICH at CALLALILY sa mga warriors sa friday kaya kahit na hindi ako masyadong gaanon ka-supported sa music nila, gusto ko pa rin manood. Sayang ang picture na makukuha ko para sa kapatid kong hindi makakasama kaya yun na lang din ang gagawin ko. Isa pa, dagdag na rin yun sa listahan na nakita ko ng mga banda, personally.

This friday, sana hwag umulan.2 years ago ( I think... ) umulan nun. That time, Six Cycle ang pumunta at Slapshock pero hindi na ako pumunta pa. Umuwi na lang ako kaagad after kong panoorin ang banda ng different colleges sa UE. Sobra kasing gabi kung magpalabas ng ganoong klase ang UE kaya hindi ko na pinagtyagaan para makita yung mga bandang yun. Isa pa hindi naman kasi Soapdish o itchy o juana yun kaya umuwi na lang din ako kaagad. But this time, baka pagtyagaan ko dahil may kasama naman ako pauwi. Yun lang naman ang pinoproblema ko kapag alam kong gagabihin ako sa pag-uwi eh.

~o~

Bukas, alam ko regular na ang klase pero since nabalitaan ko sa kaibigan ko na ang mga taga-Caloocan naman ang susugod sa UE. Ewan ko na ulit. I will watch that out na lang tomorrow. But for now, balik na muna ako sa ginagawa ko. Sumaglit lang ako dito at nagdagdag lang ng kung anong pwede mailagay just to update my post in this blog. So... next post na lang uli after friday.


=aimme=



P.S

Happy B-day sa Bestfriend ko!

pero I still dont know kung sino ang alam kong may dapat na nagse-celebrate din ng b-day kahapon. (Sept. 25)

Sino kaya yun??