OJT: Monday Shocking ; Monday Blessing
@>-;----
Nakakainis naman.. after kong gawin ang "review" in some of my account, nagloko ang account na yun! Nawala lahat! Tsk! kamalasan!
Ang tagal na ding hindi ko man lang na-update itong blog na ito tungkol sa ojt ko so i think its time para magkwento ako.
After all those "walk-in" we've made... nauwi rin kami sa government firm na hindi naman namin talaga tinangkang makapasok sa mga ganun. Actually, iniiwasan pa nga namin ng kaibigan ko yun dahil sa konting kaalaman namin sa nangyayari dun. but then, ayon sa mga sabi sabi na "kung ano ang iniiwasan mo, yun ang mapupunta sayo" ganoon na nga ang nangyari sa amin.
Hindi naman aksidente ang pagkakapadpad namin don. Marami kasing munang nangyari na sadyang umabot kami sa naghahabol makahanap lang ng kumpanya. kaya naman wala kaming ibang nagawa kundi sunggaban na lang kung ano ang sa tingin naming sigurado na at hindi na namin kailangan maghintay pa dahil ubos na talaga ang aming oras.
May isa kaming aming na may alam na tumatanggap ng ojt. No interviews at wala na ring iba pang process kung qualify kami or not. Ngayong pumapasok na nga ako dun, nalaman ko na mas prefer nila ang ojt kaysa mag-hire. malalaman mo mamaya kung bakit..
At first, first thursday, inassign kami sa ibat ibang department. Buong akala ko ay sama-sama kaming tatlo sa isang department pero hindi pala. halos tatlo kami pinaghiwa-hiwalay ng department. Yung kaibigan kong isa, napunta sa basement. Yung pangalawa sa medyo gitna ng building. Ako naman, napunta ako sa tuktok! Ang galing ano? every part of the building may bahid ng UE! eheheh..biro lang! Syempre before kaming magsimula, inorient muna kami. Sinabi ang rules and policy nila. Pero bago kami na-orient, may pinagalitan muna ang HR na isa ring trainee na sya namang nagbigay sa'min ng unang impression na mukhang mahigpit nga ang pinasukan namin. pero sa ngayon, ang totoo...hmmm... di ko pa masabi ngayon dahil mukhang "pintura" lang ang mga iyon.
Ito ang mga sinabi sa min nung inorient kami:
1. Sinabi ang dapat na isuot: Pwedeng academic uniform dahil para madali sigurong malaman na trainees "lang" kami. Pwde rin namang mag-corporate attire wag lang ang damit na walang collar and jeans. Although wala naman masyado kaming damit pang-corporate ng kaibigan ko, nagsakripisyo kaming mag-provide ng mga pang-corporate attire na gagamitin namin para mas maayos tignan. At para na rin malaman na "trainees" kami at hindi kami basta basta "trainee lang"!
2. NO Allowance: as in Wala! kailangan namin gumastos para sa sarili namin. Yun na yun! Anyway, para sa'min talaga ng kaibigan ko, ayos lang kahit walang allowance dahil ang habol lang talaga namin ay mairaos 'tong internship as well as yung experience. We can provide for our own budget naman eh. So, at first, wala kaming reklamo ng kaibigan ko. Pero after knowing the reason behind this "no allowance" we used to demand... in our minds na nga lang dahil wala naman kaming magagawa but to follow. We are not in the position to complain about that dahil policy na nila yun. At yun na yun kung bakit mas prefer nila ang gaya namin!
3. Answering phone calls.. tinuruan kami pero laking pasasalamat ko that time na hindi kami pinag-demo isa isa. Ayoko pa man din kasi sa lahat ang sumasagot ng telepono. pero hindi maiiwasan gayung naassign ako sa "office" talaga.
4. Employee restroom: We are not allowed to use that. Doon kami sa labas ng dept allowed to do that thing dahil exclusive for employee ang yun. Tapos after sabihin ang ganito ito ang sinunod nya..
5. You are not allowed to go outside your dept especially outside the building. Contrary to the law na yun ah! deprivation of.... yun na yun! but then siguro nalito lang sya dun... masyado kasing pinapakita ang authority nya kaya nawawala na sa hulog ang mga salita! hehehe...
6. Allow kaming magpa-receive pero hindi kami allow mag-receive ng kahit anong bagay. No comment.. mas ok yun kung tutuusin para ma-lessen ang responsibility ko.
7. We are not allowed to use computer or any office equipt. No comment: Bakit ngayon, I know how to use photocopy machine dahil tinuran ako. And I have my own computer on my table dahil kailangan... so, yung "not allow" nya still has an exemption. Anyway, I understand naman why she said that.
Sa ngayon, yan na lang ang naaalala kong sinabi nya. Medyo mahigpit at mataray ang dating nya sa'min pero sabi ng kaibigan kong na-assigned kasama ng HR na yun. ganun lang daw talaga ang personality nun. Anyway, wa-paks na lang ako dun dahil mabuti na rin at hiniwa-hiwalay kami ng dept. at least hindi ko nakasama ang HR na yun.
Nailagay ako sa 10th flr ng building wherein "pre-need" ang tinatrabaho ng dept na yun. At first since unang pasok ko palang, hindi rin alam ng mga taga-doon kung anong ipapatrabaho sa akin. So, naranasan ko rin ang naranasan ng new recruit employee. Natuto akong mag-file ng letter. From that task, nalaman ko ang company na may maraming complainant. So payo lang, wag kayo masyadong magtitiwala sa company na may mga taong nagtatanong kung may credit card kayo. ahaha...
First Monday, muntikan na akong ma-late dahil sobra ang trapik. Monday ang nakakainis na araw pero hindi na ngayon dahil monday ang araw ng nagpabago sa takbo ng buhay ko dun.
I thought interview is not important na since na-endorsed na kami ng HR but then, that day, humarap ako sa isang interview. Not just an interview by the HR again, but an interview by the director of my assigned dept. Gulat ako ng tawagin ako ng secretary nyang mabait at pinapasok sa conference room. Mas lalo kong kinakaba ang makitang andun ang director, asst. director, head of finance, employee ng technical, lawyer pa ata kung hindi ako nagkakamali... basta marami sila. Ang setting parang may board meeting. So kahit na kumakabog na ng konti ang dibdib ko, I used to smile and greet them pa rin. I tried to relax and feel confident. Maraming questions na halos minsan ika-mental blocked ko pa. But then, I used to bite my lips to regain my calmness at put my hand below my chin to have peace of mind and think properly. So after a short (but I think it was quite long) they have given me a new task. Hindi na ako taga-file kundi promoted kaagad ako. Under na ako finance section. Like what I have said, I used to have my own space to do my job. Akalain mo yun...promoted kaagad! hahah... I used to do the AFS of different company. Grabe nga eh, I never thought na ang fianancial statement ay kasing dami ng pages ng research or thesis. Una, I thought, pageencodin lang ako ng data but then, even though given na ang data, i still have to know how it is being computed. Sa ngayon, nakatapos na ako ng isang company... ang tagal ko nga kung tutuusin pero yun ay dahil medyo tinitimpla timpla ko pa. Pero dahil sa nalasahan ko na ngayon, tingin ko, magiging mabilis na rin ako pagkatapos.
Sa ngayon, medyo na-eenjoy ko na ang dept ko di gaya nung una. HIndi naman kasi talaga maiiwasan na may mataray sa loob ng office. Mataray pa man din ako kung may nagtataray sa akin but I must remember kung ano ang position ko dun. Good thing hindi sila nagde-degrade ng ojt (sa dept ko lang) nagwe-welcome pa kamo. Last friday nga lang, pinaghandaan ako ng director namin. Pansit at biko...pa-welcome daw nila sakin yun. i dont know kung serious yun. Pero since, halos lahat ng empleyadong nagtanong ay ganun ang sagot nya, wala na akong magagawa. salamat na lang sa pagkain. One thing na kinagusto ko pa that day, nalaman kong sa dnami dami nilang naging applicant at inintervyung "trainees" ako lang daw ang pinasa nila. I still dont know kung seryoso rin yun o sadyang biro lang. but then, sasabihin ko, sa dept ko ako nga lang ang trainee dun. The rest of the dept gaya ng sa kaibigan ko may kasama silang trainees. Actually medyo nakaka-flattered dahil nakikita kong tuloy-tuloy ang ika nga "promotion" ko doon. So, I think wala na muna akong maiko-complain sa trabaho ko unlike before. Siguro yung acceptance of the people na lang sa working area..sana makasundo ko ang mga tao dun. Ako lang kasi ang bata... pero basta, kung ano man ang niligay ko sa "pre-evaluation" sheet ay gagawin ko dahil yun ang sinabi ko.
~o~
Medyo humaba na rin ang nasabi ko...pero ayos lang dahil baka matagal na naman akong hindi makapag-post.
Godspeed!
=mimi=
---;-<@