Bagong Taong walang pagbabago...
Konting oras na lang ang nalalabi at matatapos na ang taon. Handa ka na ba sa pagsalubong ng bagong taon?
****************
Hindi maganda ang pagpasok ng bagong taon kung patuloy ang pag-ulan, gaya ngayon! Hindi ko maeenjoy gayung panonood lang naman talaga ng fireworks ang inaabangan ko kapag sumapit na ang oras na alas dose. Ngayon, kung umuulan, hindi maganda ang bagong taon ko! heheh...
Biro lang!
*****************
"handa ka na ba sa pagsalubong ng bagong taon?"
Hindi ko alam kung bakit yan ang pumasok na tanong sa isip ko ngayon. May kailangan nga bang paghandaan? sa bawat taon kasing lumilipas hindi ko naman nakakakitaan ng may kailangan ngang paghandaan dahil wala namang bagong nangyayari o sabihin nating pagbabagong nangyayari. Halos paulit-ulit lang ang mangyayari sa 'yo matapos ang bagong taon. Parang bang darating lang ang bagong taon, sasalubungin mo iyon, kainan, tulog, pagising mo may araw ulit, maya-maya iisipin mo magpapasukan na (mapaeskwela man o trabaho), tapos gabi, kain, tulog, paggising mo may araw ulit at uumusog lang ulit ng isa. Sa mga nangyayari na iyon, may pagbabago nga ba na nangyayari sa tao kung paulit-ulit lang naman, yon at yon lang ang nangyayari? Kung tutuusin sa ngayon, habang nagta-type... ang darating na bagong taon ay hindi naman talaga bago! Masasabi mo bang may bago sa taong may paulit-ulit lang namang numerong nakalagay sa kalendaryo? Masasabi mo rin bang may bago sa taong may Enero hanggang Disyembre lang lagi ang buwan? anong bago sa taong may dumadagdag lang na numero sa huli? Hindi ko kailangan maghanda kung wala naman akong nakikitang pagbabago! Siguro ang kailangan ko lang maging handa pero hindi ang maghanda!
may pagkakaiba ba sa dalawang iyon??
Ibig sabihin ng "maging handa" o "maghanda" para sa akin:
Maghanda: may ideya kaagad sa kung anong mangyayari sa hinaharap
Maging handa: walang ideya sa kung anong mangyayari sa hinaharap
*********************
Kababasa ko lang ng mga chinese horoscope predictions for 2009 sa net. Hindi naman kasi dapat ako makakadayo sa ganitong mga site kung hindi lang ako pinapahanap ng mga "lucky colors of clothes to wear this coming year 2009"! Nababadtrip na ako kasi kanina pa ako sa net at wala akong ibang nababasa kundi puro kamalasan sa chinese zodiac ko! hehehe... biro lang! Naiirita lang ako kasi bakit ba naman parang ang big deal sa mga ibang tao na malaman ang mga "lucky color" o kung anumang "lucky" na pinagiiisip nila sa buhay nila gayung hindi naman sila mga chinoy! Isang example dyan yung ate ko! ( hahaha...buti na lang hindi nya alam ang blog ko! Lucky me!)
Alam mo bang tinawagan pa ako sa cellphone ng ate ko para lang bulabugin ako sa mga bagay na yun?! nang nalaman sa bahay ang tungkol sa issue na yun, parang isang virus ang kumalat! Lahat gusto na rin malaman! Napilitan talaga akong hanapin ngayon sa walang kasiguraduhang information sa net ang tungkol sa mga bagay na iyon. Sa isip isip ko lang....pakialam ko kung anong kulay ang maswerte sa year of the goat! Eh ano kung year of the dragon ako?! kailangan ko rin ba alamin yun?! 'pag nalaman ko ba ang maswerteng kulay sa year of the dragon at nagsuot ako ng ganoong kulay hindi na ba ako mamalasin sa buong taon?! bakit ba may naniniwala pa sa mga ganyan gayung wala namang proof sa pagiging "malas at swerte" ng tao. Para sa akin ang dalawa bagay na yan ay hindi nag-eexist... mahirap ba nilang intindihin yon?!
K J K A L A N G M I M I ! K J K A L A N G! WALA KANG KAKAMPI DITO!
---> ANO NGAYON? palibhasa ako ang pinapahanap nyo! kayo kaya maghanap! - mimi
******************
Maghanda....
Hindi ko kailangan maghanda dahil hindi ko naman alam kung anong mangyayari sa hinaharap. Bakit paghahandaan ko ang isang bagay kung wala namang kasiguraduhan ang lahat?! Kahit siguro sabihin nating mas mabuti ang may plano, lahat pa rin iyon ay mababago kaya mas mabuting maging handa na lang ang sarili sa kung nauman ang mangyayari. mas mabuti na lang din siguro ang alamin mo ang nangyayari ngayon para kahit papaano alam mo ang gagawin mo kinabukasan kaysa alamin ang mangyayari bukas gayung hindi naman iyon nangyayari pa sa ngayon!
Pagbabago....
Ang pagbabagong nangyayari sa bawat taon ay dapat pagbabagong nangyayari sa tao. Hindi naman nauubos ang buwan eh... ni araw o sabihin na nating.. oras! Pero ang tao... nauubos... naglalaho... pero gayunman ang katotohanan.. ang bagong taon ay simbolo hindi dahil sa dumagdag na naman ang taon...kundi isang pagkakataon ulit para ipahiwatig sa mga tao na hanggat may oras pa sila dito sa mundo, baguhin na nila ang dapat nilang baguhin. Hindi kailangan sumapit ang bagong taon para lang makapagbago. Ikaw ang batayan dito at hindi ang taong lumilipas at dumarating ulit... Ikaw ang makakapagbago ng takbo ng taon mo. Walang iba kundi ikaw! yun lang yun!
Swerte o Malas....
Hindi talaga ako naniniwala sa ganito. Naging manghuhula na rin ako minsan, gamit ang pangsugal na baraha. pero ang lahat ng iyon ay pawang binigyang interpretasyon ko lang mula sa nakuhang ibig pakahulugan. Ni minsan, sa panghuhula ko na yun, wala akong sinabing malas o swerte... Binabasa ko ang baraha ayon sa pagtatanong ko...at ina-analisa ko iyon base sa mga sagot nila... secondary na lang ang meaning ng baraha. Pinaka-advice ko pa sa mga hinuhulaan ko na wag silang maniwala dahil "hulahulahoo" lang iyon! Kung may swerte mang tao, iyon ay dahil sa may ginawa silang maganda o nagpakahirap sila para malagay sa tinatawag nilang "swerte" na yun. pero kung tutuusin hindi naman talaga swerte na matatawag yun... Kung may malas din naman na tao, yun ay dahil sa maaring may hindi magandang desisyon na nagawa... para sa akin kasi... ang buhay ng tao ay nakabase sa desisyong ginagawa nya. Kaya hindi exeisting ang malas o swerte kung galing lang iyon sabi-sabi pa. Wala naman ni isa ang nakakaalam ng hinaharap ng isang tao kundi SYA lang. Isa pa, hindi lang din naman SYA lang ang gumagawa ng kinabukasan ng isang tao kundi may part ka rin dun. kaya bakit may nagsasabi pang malas at swerte ang isang tao?? Tsk! hirap magpaliwanag! basta yun na yun!
*****************
Ito na ang huli kong post para sa taon na'to....
May pagbabago kaya sa blog na ito sa susunod na taon??
Hehe...ewan ko...desisyon ko na lang iyon kung balak kong baguhin ito.
--mimi
p.s.
Hindi ko na alam kung ano ang mga sinulat ko dala ng fish tofu...
HAPPY NEW YEAR na lang!!