My Butterfly
Ayoko sa PARU-PARO! As in BUTTERFLY! Hindi ko alam kung bakit sa tuwing may paru-parong naliligaw sa bahay, sa akin lagi pumupunta! Sa akin umaali-aligid! Hindi naman ako bulaklak at lalong hindi amoy bulaklak para sundan at habul-habulin nya! Nagtataka nga ako kung anong meron sa akin gayung pilit na nga akong lumalayo pero sunod pa rin ng sunod!
Takot ako sa PARU-PARO! as in BUTTERFLY! Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakakakita ako nito, san man lugar ako naroon, mabilis akong mag-reak. Mabilis kong dinedepensahan ang aking sarili! Nagtatago. Pinipikit ang mga mata para hindi makita ang kinatatakot kong pakpak. Wala namang nakakatakot sa paru-paro at lalong hindi naman ito nananakit para maging dahilan para matakot ang iba hindi lang ako. Kaya nagtataka ako kung bakit natatakot ako sa paru-paro.
Kapag may paru-paro sa bahay, hindi ako mapakali, hindi ko magawa ang dapat kong gawin, lahat ng atensyon ko nasa kanya, inoobserbahan ko ang bawat pagkilos nya, inaabangan kung san na sya pupunta. Kapag alam ko nang hindi na sya magagambala at tahimik lang sa isang lugar, tahimik ko na ring gagawin ang dapat kong gawin pero ang atensyon ko pa rin sa muli nyang paggalaw ay andun pa rin.
Kung sobrang maligalig ang paru-parong nasa bahay, mas lalong hindi ako mapakali, mas matinding atensyon ko ang nasa kanya, hindi lang pagoobserba ang ginagawa ko kundi mismong nakabantay na ako sa kanya. Kapag hindi ko na makayanan, magpapatulong akong paalisin sa bahay ang paru-paro sa kasambahay namin. Brutal mapalayas o magpalabas ng paru-paro yun sa bahay kaya iniiwanan ko sya ng isang salita:
"Palabasin mo lang pero huwag mong papatayin!"
Minsan tinanong ako:
"Bakit ayaw mong patayin na ang paru-paro para tapos na rin ang kinatatakutan mo? Hindi ka na matatakot! Hindi ka na mangangambang bumalik pa iyon para guluhin ka ulit. Bakit ayaw mong tapusin ang kinatatakot mo?"
sumagot ako:
"HIndi dahilan ang nararamdaman ko para pumatay ng isang walang ginagawa sa'kin ng masama! Una sa lahat ako ang may kasalanan sa sarili ko. Hindi naman kasalanan ng paru-parong matakot ako sa kanya. Ako lang itong may deperensya. Hindi ko sya matanggap sa kung anong meron sya gayung katanggap-tanggap sya sa lahat ng mga tao. Kung ang takot ko lang ang dahilan, paano na ang ibang nangangailangan sa kanya sa oras na pinatay sya. Walang silbi ang takot na ito kung iko-konsidera ko ang lahat ng mga bagay na magagawa nya sa iba. Hindi nya kailangang mamatay, bagkus kailangan nya lang lumaya! Sa pagaalala ko sa takot, wala yun sa konsyensahang guguluhin ako gabi gabi dahil sa pagkakamali mangyayari kung hahayaan kong mawala na lang sya sa mundong ibabaw dahil lang sa hindi makatwiran kong dahilan!"
.........
Libre ang tumawa...libre ang manghusga....libre ang mawirduhan... libre ang umitindi.... libre ang dumedma... libre kang gawin ang anumang gusto mo..
Bahala ka...