Isa sa mga laro o sports na gusto ko ay ang chess dahil sa kakaibang dating nito sa akin.
Nung bata ako, mahilig ako sa mga board games. Nung mga panahong iyon ang alam ko lang nun ay "dama" hindi pa ang "chess". Kaya naman kapag nagkasawaan na sa "dama" at nagkatanungan kung marunong akong mag-chess, tameme na lang ako! Hindi ko naman na kasi alam kung paano laruin yun kaya out na ako! Dala ng curiosity kung anong meron sa laro at dahil na rin sa nalaman kong isa itong laro na ginagamitan ng istratehiya at matinding pagiisip na syang nagpapahasa ng katalinuhan ng isang tao nagpaturo ako sa taong marunong maglaro, isa na dun ang tatay ko.
Natuto akong maglaro ng chess dahil sa kagustuhan ko na ring matuto. Ang nagturo sa akin ng laro na ito ay ang tatay ko. Kung paano man natuto ang tatay ko ng larong ito ay hindi ko na iku-kwento dito dahil mahabang istorya yun kaya yung akin na lang! Balik tayo sa laro... Ang nagturo sa akin nito ay ang tatay ko. Simple lang ang tinuro nya sa akin, binigay nya lang ang galaw ng bawat pyesa at yun! salang na ako sa laro! Hindi nya ako tinuran ng iba't ibang istratehiya, tiwala siguro ang tatay ko na may sarili akong kakayahan sa paglalaro kaya yun puro talo ang inabot ko sa kanya! Pero wala na akong pakialam kung puro talo ako dun dahil alam kong gusto ng tatay ko na ako mismo makatuklas ng sarili kong moves kung paano ako mananalo sa kanya.
Dahil sa kakaunti at ang function lang ng mga pyesa ang alam ko sa larong ito at ang masakit pa dun, wala akong chess board, hindi ko alam kung paano ako matututo! Pero dahil sa kagustuhan ko talagang matuto, pinilit kong makabili ng chess board. Hindi man malaking chess board ang nabili ko, ayos na yun para makapaglaro ulit at resbakan ang tatay ko.
Nakikipaglaro ako sa mga kapatid ko at minsan na rin sa tatay ko, inaaya ko na sya dahil no choice kapag sawa na ang mga kapatid kong makipaglaro laro sa akin. Nadadagdagan lang tuloy ang mga talo ko. Pero masayang kalaro ang tatay ko dahil dun ako mas nahihirapan magisip. At kapag nahihirapan ako mas tumitindi ang kagustuhan kong magsikap na matalo sya na nagdudulot ng maganda naman sa akin.
Minsan sa hindi inaassahang pagkakataon, natalo ko rin sa wakas ang tatay ko! Hindi ko sya inaya maglaro nun! Tinuloy ko lang ang iniwang laban ng kapatid ko sa kanya. Loko kasi ang kapatid ko na yun! kapag alam nyang hindi nya makakaya ang kalaban nya o matatalo na sya, iiwan nya ang laro para masabing hindi sya natalo dahil natigil ang laro! Wais ano? (kaya bwisit ako kapag sya ang kalaro ko eh... kapag mananalo na ako iniiwan ako! Hindi ko tuloy ma-feel ang pagkapanalo ko!) For the first time, nanalo ako pero hanggang ngayon tinuturing kong "chamba" lang yun dahil hindi na naulit ang pagkapanalo ko. Kapag naglalaro kami ng tatay ko pahirap na ng pahirap...pero ok lang kahit talo pa rin ang mahalaga natuto ako ng iba't ibang mga moves sa kanya!( pero deep inside....T_T bwiset!)
Matapos kong matalo ang tatay ko, medyo napatigil na rin ako sa paglalaro. Minsan na lang ako mag-aya di gaya ng dati na every weekend inaaya ko sya. NAging masyadong busy na kasi ako at tinatamad na rin kung minsan kaya naman minsan-minsan na lang ako naglalaro kung may nag-aya na trip ko rin maglaro dun lang ako naglalaro. (that time kapatid ko ang nagaaya sa akin, pumapayag naman ako dahil ang sarap asarin kapag natatalo eh! ehehe)
Matagal akong hindi na nakakapaglaro ng chess pero dahil sa hindi inaasahang dala ng pagkakataon nakapaglaro ako ulit at sa school pa naganap. Highschool ako non nang ako ang gawing representative ng section namin. Kung tutuusin, inosente ako sa pagkakasabak ko sa competition na iyon dahil hindi naman ako nainform na ako ang gagawing representative. Ni- hindi nga nakuha ang panig ko kung gusto ko nga bang sumali o hindi? Basta may naglagay na lang ng pangalan ko sa listahan. Nasabi na lang sa akin yung mga bagay na yun na wla na rin akong choice para tumanggi! Inis ako nun dahil hindi ko tipo ang sumali sa mga ganoon pero wala na akong nagawa dahil iba pa ang personality ko that time! hehe... kaya pumayag na rin ako! no choice! wala nang mahagilap eh...
Dalawa lang kami at obvious na kami lang dalawa ang maglalaban. Kung sino man manalo.. champion na.. Medyo kabado ako nung sumabak (aaminin ko...) dahil kapag naglalaro... ayoko talaga ng may nanonood. Pero nung mga oras na iyon gusto ko, may taong nakasuporta sa tabi ko dahil nga medyo kabado ako (perstaym eh!) Ang hirap mag-focus! Ganun pala yun... naging matagal ang laban dahil ang tagal ko tumira! hehehe... ikaw ba namang matagal nang hindi lumalangoy tapos sumabak ka kaagad sa malalim na tubig, makayanan mo kayang umahon kaagad?? Sa kadulu-duluhan ng laro...masaya akong nanalo pero hindi pa rin maganda sa akin ang lahat dahil sa ilang personal na mga bagay na ewan ko kung mababanggit ko dito! Sundan na lang ang susunod na mga kabanata!
******************
Awarding ceremony... medalya ang natatangap ng bawat kalahok na nanalo sa mga palarong naganap nung intrams... isa ako sa mabibiyayaan dahil sa pagkapanalo ko sa chess. Pero hindi lang ako ang sasabitan ng medalya sa stage kasama ko rin ang isa pang nanalo sa panlalaking division ng chess. Nagkataong natalo ang bestfriend ko ng ex-bestfriend ko kaya kaming dalawa ng ex-bestfriend ko ang nagkasama sa pagkapanalo. Nagkaroon kasi ng gap between samin ng ex-bbf ko na yun kaya medyo.... ano bang feeling ko nun?? hmmm..... No comment na lang! dedmahan kaming dalawa eh kaya...fine! Congrats na lang sa kanya...
(sabi ng truefaith: " dinededma mo ba na naman ako...dinededma mo ba na naman ang pagkatao ko... binabalewala... parang hindi mo ako nakikita... o di mo na nga ba ako papansin... edi di wag! >P<--- mimi)
Inuwi ko sa bahay ang medalya na kahit siguro sa recto pwede kong ipagawa ang medalyang yun. Hindi ko na matandaan ang reaksyon ng mga magulang ko nung ibigay ko yun.... may reaksyon nga ba sila?? No comment.
Pagkatapos kong manalo sa chess... sinabi ko sa sarili kong hinding-hindi na ako maglalaro nun. Nawalan na ako ng gana maglaro! Wala akong gana maglaro kaya ayoko na maglaro....
>P
*************
Ngayon, college... nagpagawa ng presentation sa kin ang tatay ko about sa personal life nya. Pero hindi yun natuloy dahil hindi ko rin naasikaso though bandang huli medyo inedit ko na rin para kahit papaano makita nyang balak ko rin naman talagang gawin yun hindi ko lang ma-prioritized.... Nang magkwento sya sa mga nangyari, napagalaman kong kaya pala hirap na hirap akong talunin sya dahil sa, nag-champion pala ang tatay ko sa larong chess din. Sinabi nya nung nagpe-present ng presentation sa harap ng mga ka-trabaho nya na ako raw ang nagmana nun sa kanya! Hmp! kainis... shocked ako nung ikwento yun ng tatay ko sa akin... nahiya! dahil baliw ako! BALIW! kala ko kasi nun lahat ng effort ko were rejected and not appreciated. Yung parang wala lang... hindi naman kasi ako nakakatanggap ng kahit anong recognition from them kaya minsan sarap itapon ang mga nakukuha ko sa lahat ng nasasalihan ko! pero na-misunderstood ko lang pala! after knowing that... hindi ko alam kung ibabalik ko pa ang sports ko na ito... dahil.. may naaalala lang akong hindi maganda!
******************
Last year lang... nagpalagay ako kay taba ng chess game sa laptop... baka sakaling gustuhin ko nang magchess ulit...yun lang!
Naglaro ako nito lang dahil wala ako sa mood! may topak ako that time kaya napadiskitahan kong maglaro ng chess... at ito ang nangyari....

ito pa...

HIndi pa rin ako nagbabago... ang tagal ko pa rin tumira! heheh.. nagawa ko pang manalo! Hmp! bibili na kaya ako ng chess board?? miss ko na rin kasi ito eh...
=mimi