Sembreak
Unang araw pala nang bakasyon ko...hindi ko namalayang bakasyon na nga pala. Dahil siguro ito sa pagiging abala at mabibigat na gawaing ginawa ko kaya ang pagkasabik sa bakasyon ay nawala na.
Masasabi kong ito na ang pinaka-kakaibang sem na naranasan ko dahil sa napakaraming nangyari na hindi ko talaga akalaing mangyayari (mapaeskwelahan man o bahay). May mga bagay na hindi mo magugustuhan sa una pero ok naman pala. Meron namang una nagustuhan mo pero bandang huli, nakakapang-sawa lang. May mga bagay na natuklasan at natutunan, nakakapanghina at nakakahatak na sumuko na lang. May mga bagay din na pananatilihin na lamang lihim muna... marami ang nangyari...maganda at hindi maganda pero gayun pa man, nakakatuwang isipin na nalagpasan namin yun at nagkaroon ng matibay na samahan dahil sa mga pangyayaring iyon.
****
Ngayon, dalawa sa barkada namin ang mauuna nang umalis ng eskwelahan. Kung nagsummer din siguro kami ng kaibigan ko, malamang isa na rin kami sa aalis kaya lang sadyang inuna lang muna talaga namin ang pahinga. Kaya yun..ayos lang dahil malapit na rin naman na kami..
Napapaisip tuloy ako....
Malapit na rin akong umalis at magtapos sa pag-aaral, pagkatapos kong makatapos, ano na ba ang gagawin ko?
Madaling sabihin at sagutin kung tutuusin pero ang bawat kasagutang bibitawan ay walang katiyakan...walang kasiguraduhan... Nakakaramdam tuloy ako ng pangamba at takot pero iniisip ko na lang.. Para san pa ang paghihirap ko ng kulang-kulang 5 taon kung paiiralin ko ang takot.
Nasasabik tuloy akong matapos na sa pag-aaral para matapos na rin ang pangambang ito...
marami kasi akong balak gawin...sana matupad ko hindi man lahat pero kahit sana yung mga importanteng bagay magawa ko ng maayos at tama. So far, ang iba sa mga plano ko ay natapos at nagawa ko na. Ang iba...kasalukuyan ko nang ginawa ngayon... (kung ano man iyon...hindi ko babanggitin dito... sa ibang account ko babanggitin kung ano mang plano iyon)
Sana lang magawa at matapos ko gaya ng mga nagawa ko na...
********
Ngayong bakasyon na...hindi ko alam kung ano gagawin ko?
Tama na ang nakuha kong tulog ngayon... ayos na ang pahinga na'yon... ayokong naka-petiks lang ako dahil lalo akong tatamarin kaya ito ang naiisip kong gawin simula ngayon hanggang matapos ang ilang linggong bakasyon bago mag-summer class.
Listahan ng mga dapat gawin bago magsummer class:
1. Ayusin ang gamit ko
2. tapusin ang naka-pending na pagbabasa ng libro
3. Binabalak kong account basta ako na bahala dun!
4. matutong mag-drive (hanggang ngayon hindi ko pa rin pini-fill-up-an ang permit! nakakalimutan ko eh!)
5. magpapayat.... (pero hindi ako sure dyan...payat naman ako eh! heheh)
Ang wala sa listahan at ayokong gawin:
1. Maging yaya
2. Matulog ng matulog para iwasan ang #1
3. mag pc ng mag pc gaya ng dahilan sa # 2
4. manood ng t.v (ayos lang kung balita...pero iba...ayoko...tinatamad ako)
Ayokong lilipas ang araw na nakapetiks lang ako dahil lalo akong tatamarin. Sisikapin kong gawin ang mga nasa taas lalo na yung huli...teka...yung pangalawa pala sa huli... tingin ko, mas higit kong kailangan yun hindi dahil sa personal na gusto kundi dahil sa pinangakuan kong tao. Gusto ko lang na magsolo kami... :)
Dito na lang muna...panigurado puyat na naman ako...
****************
Sa lahat ng iiwanan ko na ngayong pagtatapos ng sem...hindi ko yun makakalimutan. Salamat sa lahat ng taong na-involved...
Sa mga aalis at tuluyan nang iiwan kami...hehe... Goodluck sa career... after summer class,kung papalarin... susunod na rin kami!
Goodluck na lang sa lahat..
whew! gaya nang paulit-ulit kong sinasabi at tingin ko hinding-hindi namin kakalimutan ni Girlie... kahit anong mangyari... "Kakayanin namin 'to!"
Ingat!
ang kilala nyo nang cute na mangkukulam:
= witch mimi