--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Thursday, May 07, 2009

Ayun! ang wala lang... inaantok pero ayaw matulog

Maulan ang araw na ito.. kung tutuusin ang sarap matulog eh kaya lang ayoko.
******
Ayun! wala lang....
Ipo-post lang ang takbo ng isipan...
mga tao kasi sa bahay ang may kasalanan....
Kung bakit ba naman kasi ako pinaghintay...
isip ko tuloy ngayon ay naglalakbay.....

********************
Hinihintay kong matapos ang ate ko sa paggamit ng laptop kanina pero dahil sa nalaman kong balak din gumamit ng kapatid kong bunso ng laptop, pinagbigyan ko nalang muna. HIndi ko akalaing ganoon katagal ang aabutin nilang dalawa sa paggamit kaya hindi naiwasang makaramdam ako ng pagkaantok (ganun talaga ako kapag naghihintay...automatic yun!) Pero ayokong matulog!
Habang naghihintay...nagmasid masid ako sa labas.. Nakatingin sa bintana habang nasa kama. Nang makaramdam na talaga ng antok, bumangon ako. Nilibot libot ang mata sa kung anong pwedeng magawa. Nakita ko ang notebook ko na ilang pages pa lang ang may sulat. Katabi non ang bolpen kong maganda ang sulat (manipis kasi ang tinta) kaya hindi ko naiwasang maakit sa kanilang dalawa. Hawak ko na ang notebook at panulat, 3 poems in a row ang nagawa... dala siguro talaga ng antok at walang magawa kaya ayun ang naging resulta... wala lang...
wala pa akong title... pero basta hindi na muna yun ang mahalaga...
ito na nga pala ang isa lang.... yung dalawa...sikreto na muna! hahah :P

"UNKNOWN"
Nais mo bang sumama?
Sumakay, maglaro tayo sa kama
Sa ating pagtulog,
tayo ay mahuhulog

sa isang panaginip
aalisin ang diwa at isip
Sa isang saglit na pag-idlip
Hindind-hindi tayo maiinip

Halika at ikaw'y sumama
Ang buhay,punuin natin ng kulay
Hawakan ng mahigpit ang aking mga kamay
At lalakbayin natin ang mundo ng sabay

At sa isang panaginip
aalisin ang diwa at pag-iisip
Sa isang saglit ng ating pag-idlip
HInding-hindi na tayo maiinip

Halika, sa akin ay kumapit
Abutin natin ang maliwanag na langit
Tayo ay aawit ng masaya
'pagkat sa wakas tayo ay malaya
Basta't sa'kin ikaw ay sumama
tayong dalawa lang ang magkasama

Sa isang panaginip
Aalisin ang diwa't pag-iisip
at sa isang saglit ng ating pag-idlip
Hinding-hindi na tayo muling maiinip

created by me 4:15pm thursday
******************
Nainip lang talaga ako....hai...antok pa... parang gusto ko tuloy matulog na lang muna... (-__-)